Chapter 26.3.3

136K 3.1K 145
                                    

CHAPTER 26.3.3

JANELLA RAYNE's POV 

Humigpit ang hawak ko sa pitsel at hindi ko alam kung tama bang naririnig ko pa ang pagkasira ng pamilya ni Dalton nang dahil sa akin.

"Who do you think you are to humiliate our daughter?!" Napaigtad ako sa malakas na pagsigaw n'ung ama ni Eleonor at padabog na tumayo.

Agad ding napatayo ang lahat maliban kay Dalton na seryoso lang ang mukha pero dahan-dahan ding tumayo.

"I'm sorry, sir. But I can't let my parents manipulate my life." Igting ang kanyang panga at ganoon na lang din ang gulat ko nang bigla siyang hablutin sa kuwelyo ng ama ni Eleonor kahit pa may nakapagitang long table sa kanila.

"Dad, no!" Maagap din namang hinawakan ni Eleonor ang kamay ng kanyang ama. "Please, No!" Pakiusap pa niya na parang maiiyak.

"Compañero, calm down!" Agad ding lumapit ang Señor dun sa lalaki at kinalma.

Kunot-noo pa siyang napatitig sa señor at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

"I am very disappointed at your son, Antonio!" Galit pang sabi nito sabay bitaw sa kuwelyo ni Dalton.

Irita namang napalayo lang si Dalton at napahugot ng isang malalim na buntong-hininga.

"I'm sorry about that, sir." Seryoso pa ring sabi niya at tiim bagang pa ring tumingin sa kawalan.

"We should go, Renato." Ang ina ni Eleonor na parang nakita kong nagpunas na rin ng luha. Hinila nito sa kamay ang anak na walang nagawa kundi ang mapasunod.

"I am so sorry about everything, Laura." Ang Señora. Halatang pigil din ang galit.

"This is bullshit!" Galit pa ring sabi lang nung lalaki at nagmartsa palayo doon kasunod si Eleonor at ang ina nito.

Ni hindi nila nasimulan man lang ang dinner na pinaghirapang lutuin ng lahat. Nang tuluyan ng mawala sa paningin nila ang mag-anak ay ganoon na lang din ang gulat ko nang biglang bumulagta si Dalton sa suntok ng papa niya! Napatakip lang ako ng kamay sa bibig para pigilan ang emosyon. Nagdugo ang kanyang labi at tila napangisi pa ang gago!

"I deserved that." Pinunasan niya ng daliri ang pumutok niyang labi at agad naman ding napasaklolo ang señora sa pag-aalala.

"Palalayasin ko ang mag-inang 'yan sa pamamahay ko!" Sobrang lakas ng sigaw ng señor at napaigtad lang kami ni nanang sa pagkagulat. Sabay kaming napakubli sa kusina at ngayon pa lang ay gusto ko na maiyak.

Niyakap ako ni nanang at agad kong naramdaman ang luha sa aking pisngi.

"I was expecting that." Tila walang pakialam na sagot lang ni Dalton at hindi ko alam kung dapat bang matuwa pa ako sa ginagawa niyang pagsagot sa mga magulang niya.

"Shut up, Dalton Ace!" Saway naman ni señora at hindi pa man ay parang nakikini-kinita ko na ang mga susunod na mangyayari.

"You can beat me to death, papa. But I am not marrying, Eleonor." Matigas na sagot niya at pinigil kong 'wag maiyak ng malakas. Kinakalaban niya ang kanyang mga magulang para sa akin.

"Just because you're my son, I will tolerate your behavior, Dalton Ace. That will never happen. We'll have it our way and not yours." Ma-awtoridad pa ring sabi ng señor at narinig ko na lang ang yabag palayo doon.

"Antonio!" Napasunod din ang señora at noon na kami nagbitaw ni nanang. Sinilip namin si Dalton na noo'y nakasandal sa pader at agad ding nagtama ang aming mga mata.

Walang alinlangan siyang lumapit sa kinalalagyan namin ni nanang at walang pasabi akong niyakap nang mahigpit. Napaiyak lang ulit ako sa kanyang ginawa at hinayaan ko ang sarili kong manghina sa yakap niya. Narinig ko rin ang impit na pag-iyak ni nanang at mas lalo lang tuloy akong napahagulgol. Pati tuloy siya ay nadamay sa gulong gawa ng pagmamahalan namin ni Dalton.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon