Chapter 27.1.2

137K 3.1K 112
                                    

CHAPTER 27.1.2

JANELLA RAYNE's POV

Nang araw ding iyon ay lumayas kami sa mansion ng mga Samaniego. At ayaw ko man sanang sabihin kay Dalton ay wala akong pagpipilian. Ayokong mag-alala siya ng husto sa amin ni nanang. Hindi ko alam kung papaanong nagawa niyang makaalis ng opisina gayong gwardiyado siya. Iyon naman pala ay nakamotor ang mokong at nakahingi na kaagad ng saklolo dun sa isang kaibigan niyang si Vaughn. Sabayan silang dumating sa lugar na tinigilan muna namin panandali ni nanang. At pagkakita pa lang niya sa akin ay nagmamadali siyang bumaba sa kanyang motor at mahigpit na yakap ang agad niyang isinalubong sa akin.

"I'm sorry... I'm so sorry..." Hinalik-halikan pa niya ang aking buhok at wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. Ninamnam ko ang bango ng kanyang katawan at kahit paano ay lumuwag ang pakiramdam ko.

"Are you okay? Did they hurt you?" Sunud-sunod pa niyang tanong at tanging nagawa ko lang ay umiling. "I can't believe that they'll do this to you. Yaya, I'm so sorry." baling pa niya kay nanang na bahagya pa ring namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak. Mapait lang siyang ngumiti at wala namang sinabi. Mahal niya ang mga Samaniego. At mahirap para sa kanya ang mawala sa poder ng mga ito.

"Is it okay kung kay Vaughn muna kayo mag-stay?" Binalingan pa niya ang kanyang kaibigan na seryoso lang ang ekspresyon ng mukha at hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya o papaano.

"N-nakakahiya... kahit siguro humanap muna kami nang maliit na matitirhan ni nanang." Nahihiyang sabi ko pa lalo pa nga't ayoko rin namang makaabala pa kami sa ibang tao.

"Don't worry about it, Janella. You and your mother can stay with me for the meantime." Seryosong singit naman ni Vaughn.

"Makaka-istorbo kami—"

"I am offering, right?" Bahagya pa siyang kumunot. "Para na rin hindi mag-alala si Ton sa kalagayan ninyong mag-ina. Ako lang naman ang nakatira sa mansion." Tinapunan pa niya nang tingin si Dalton na bahagya pang tumango. "Ilang katulong lang ang kasama ko dun and you'll be safe there."

"Pero—"

"Please, pumpkin." Sumamo pa niya. "Temporary lang naman 'to." Hinaplos niya ang pisngi ko at mas gugustuhin ko yatang manatili ang init ng kanyang palad sa balat ko.

"Okay..." Pumayag na rin ako kahit pa nakakahiya talaga kay Vaughn. Hindi pa naman ako komportable sa kanya pero mukhang siya rin kaagad ang naisip ni Dalton.

"Are these your stuff, yaya?" Seryosong tanong pa ni Vaughn kay nanang na bahagya namang tumango at ngumiti. Sa pagkakaalam ko ay medyo good naman sila ni nanang. Sa akin lang yata siya medyo ilag.

Binuhat ni Vaughn ang dalawang malalaking bag at agad naman ding dumulog si Dalton para tumulong. Ipinasok nila sa compartment ang aming mga gamit at inalalayan pa ni Dalton si nanang na maupo sa tabi ng driver's seat.

Nang makasakay na si nanang sa loob ay muli niya akong nilapitan at mabilis na ginawaran ng halik sa labi. Agad akong namula sa kanyang ginawa lalo pa nga't nasisiguro kong nakita iyon ni nanang.

"Try kong puntahan ka later, okay? Kahit lunch. Baka kasi mahuli pa kami ni Geron."

"S-sige..." Tumango lang ako kahit na sa totoo lang ay parang ayaw ko siyang umalis. "Mag-ingat ka sa pagda-drive."

"I will. Sige na." Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan at muli ay mabilis niya akong hinalikan bago ako pasakayin. Kinatok pa niya ako sa bintana at agad ko din naman iyon ibinaba. "Papasok ka pa ba sa opisina?"

"Bukas na siguro..." Walang ganang sagot ko lang dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

"Hmmm... Vaughn. Ingat sa pagda-drive. I owe you one." Seryosong sabi lang niya kay Vaughn na sumilip din naman sa bintana.

"You do." Umismid pa siya at tila sa tingin pa lang ay nagkakaunawaan na sila. Muli niya akong binalingan at hindi maikakaila ang pag-aalala pa rin sa kanyang mga mata.

"Yaya, we'll talk later okay?" Baling pa niya kay nanang na lumingon naman din sa kanya at mapait na ngumiti. Alam kong shock pa din si nanang sa mga nangyari.

"I love you..." Bulong pa ni Dalton at ibig ko na namang maiyak.

"I love you..." Mahinang sagot ko lang din at noon na siya humakbang palapit sa kanyang motor.

Nagsenyasan sila ni Vaughn bago niya tuluyang paandarin ang sasakyan palayo. At ang tanging nagawa ko na lang ay titigan siya hanggang sa unti-unti siyang mawala sa aking paningin.

~~

Pansamantala nga ay nakitira muna kami nila nanang kay Vaughn. Tulad ng mansion ng mga Samaniego ay hindi maipagkakaila ang pagiging dugong bughaw niya. Halos hindi nagkakalayo ang laki ng kanilang mansion at kahanga-hanga ang koleksyon niya ng mga sasakyan. Hindi kataka-takang marami silang pinagkakasunduan ni Dalton dahil halos nagkakaparehas sila sa tipo ng mga sasakyan.

Kung tutuusin ay mabait naman ni Vaughn. Narinig ko silang mag-usap ni nanang na parang magkabarkada. Siguro nga ay medyo naiilag lang siya sa akin dahil nawalan ng panahon sa kanila si Dalton simula nung maging kami. Ako na kasi ang naging prioridad niya at kahit pa ipagtulakan ko siyang gumimik kasama si Vaughn ay ako palagi ang pinipili niya.

"Why aren't you in bed?" Napaigtad pa ako sa gulat nang biglang magsalita si Vaughn. Kasalukuyan kasi akong nakatambay sa veranda at nagpapahangin. Kakaalis lang ni Dalton at ni hindi niya makuhang magtagal dahil sa palagiang pagmonitor ng kanyang papa sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa ganitong set-up. Pero makaipon-ipon lang ako ay balak ko talagang lumipat kami ni nanang sa isang maliit na apartment malapit sa Montenegro Building.

"N-nagpapahangin lang..." Tipid lang ako ngumiti at nag-iwas nang tingin. Tulad ni Dalton, masyado ring nakakahalina ang kagwapuhan ni Vaughn. Parang may pagkabad boy ang kanyang aura at maganda rin ang pangangatawan. Kung sabagay, lahat naman silang magkakabarkada ay puro gwapo. Pero siyempre pa, si Dalton pa rin ang natatangi sa aking mga mata.

"Are you guys really getting serious?" Nakakunot-noo pang tanong niya habang nakasandig ang kanyang mga siko sa metal balustrade.

"S-siguro..." Nahihiyang sagot ko pa at 'di ko alam kung bakit parang ang sungit nang dating niya sa akin.

Malalim lang siyang napabuntong-hininga at tumingin din sa kawalan gaya ko.

"In all honesty, I never really liked you at first." Agad akong napabaling sa kanya at hindi ako makapaniwala sa pagtatapat niya. Kahit naman alam kong hindi niya ako gusto ay iba pa rin ang pakiramdam na marinig ko iyon nang diretsa.

"Madalas na mang-iwan si Ton sa gimik. At ibang-iba na siya simula nung makilala ka." Nailing pang sabi niya at nakakaloko pang ngumiti sa akin. "He completely turned himself into a lovesick puppy or maybe worst than Tyrone." Natatawa pang kuwento niya at hindi ko na rin naiwasang mapangiti sa sinasabi niya. Sa pagkakaalala ko, si Tyrone ang pinakamayamang kaibigan nila. At sa kuwento ni Dalton ay sobrang nainlove si Tyrone sa isang amazonang babae na Jordan daw ang pangalan. Pero gayon pa man ay hindi ko pa rin nakuhang mag-react at nangangapa pa rin ako sa kung anong dapat na sabihin.

"Hopefully in time matanggap rin kayo ng parents niya."

"Sana nga..." Bahagya pa akong tumango bilang pagsang-ayon.

"You better go to bed, Janella. I don't want that fucker calling me asking for you." Maluwag pa siyang napangiti at umiling-iling. Kahit paano ay para bang may nagibang wall sa pagitan naming dalawa. "Good night, Janella." Noon na siya humakbang palayo sa akin pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay lakas loob ko siyang tinawag.

"Vaughn!"

"Hmm?" Nilingon niya ako at bahagyang kumunot.

"Salamat." Tipid pa akong ngumiti. "Salamat sa pagpatulong mo sa amin."

"You're welcome." Tipid na sagot lang niya at matamis na ngumiti. "Good night."

"Good night."

Noon na niya ako tuluyang iniwan at may bahagi sa akin na parang gumaan. Malaking bagay ang approval ni Vaughn sa relasyon naming dalawa dahil alam kong pinakamalapit si Dalton sa kanya. At sana nga, dumating din ang panahon na matanggap ako ng parents niya... Sana nga.

Sana.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon