Chapter 12.1.2

233K 4.2K 106
                                    

CHAPTER 12.1.2

JANELLA RAYNE's POV

Halos ilang linggo na rin akong nagta-trabaho dito sa Montenegro Real Estate at masasabi kong nae-enjoy ko nang husto. Mabait na boss si sir Danzel at wala akong masabi sa mabuting pagtrato niya sa mga empleyado at napakasipag din sa trabaho. Iyon nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit higit yata siyang naglalalapit sa akin. Gusto ko sanang tanggihan ang pagyayaya niya ng lunch sa araw-araw pero hindi ko magawa dahil wala naman siyang ibang sinasabi. Hindi tuloy maiwasan na makarinig ako nang bulung-bulungan na mukha raw nagugustuhan ako ng boss nila. Pero impossible naman yata 'yun. Ang gwapo kaya ni sir Danzel. Wala sa tipo niya ang magkakagusto sa katulad ko. Tulad ni Dalton, nasisiguro kong iba lang din ang gusto niya sa akin. Ang pinagkaiba nga lang ay masyadong prangka si Dalton kumpara kay Danzel. May pagka-mysterious type kasi siya at lalong hindi bolero.

Ngayon nga ay kasa-kasama ako ni sir Danzel patungong Royal Country Club. Kung sabihin niya ay tambayan daw 'yun ng mga karaniwang businessman tulad niya na mahilig sa golf. May i-meet lang daw siyang potential client at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan ko pa sumama. Pero dahil boss ko siya ay wala akong karapatang magtanong kaya sinusunod ko na lang ang gusto niya. At isa pa, sobrang bait kasi niya.

"Oh damn it!" Kunot-noo si sir Danzel habang nakatitig sa kanyang cellphone. Kasalukuyan naming hinihintay ang client na sinasabi niya pero mukhang naiinip na rin siya. "Hindi raw makakarating si Mr. Alvarez, may emergency." Napahugot pa siya nang isang malalim na buntong-hininga at umiling-iling.

"Ah..." Tumango lang ako at mapaklang ngumiti.

"Sayang naman ang punta natin dito. Is it okay kung dito na lang tayo mag-dinner?" Seryoso pang tanong niya at napatanga lang ako sa kanyang tanong. Seriously? Kanina lunch, ngayon naman dinner?

"Ah sir... okay lang po. Sa amin na lang po ako kakain ng dinner." Pasimpleng tanggi ko pa.

"Ihahatid na lang kita sa inyo." Nakangiting sabi pa niya sabay senyas sa waiter na hindi kalayuan sa amin.

"S-sir, 'wag na po. Nakakahiya na-" Umiling-iling pa ako at wala pa sa loob kong napahawak sa kanyang kamay.

"No, Janella. It's fine. It's just dinner." Napaigtad lang ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at hindi ko alam kung maiilang ba ako o papaano. Pero hindi naman niya pinagtagal ang paghawak sa kamay ko dahil bigla na ring dumating 'yung waiter at kinuha ang order naming dalawa.

Halos mag eight o'clock na yata noon nang maihatid ako ni sir Danzel sa mansion ng mga Samaniego. Papasok pa lang kami sa subdivision ay parang hindi na makapaniwala ang ekspresyon niya lalo pa nga't sinabi ko sa guard na sa mansion Samaniego ang punta namin. Pero nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa harapan ng mansion.

"So, you actually live here?" Taka pang tanong niya at panaka-nakang tumitingin sa malaking mansion sa harapan namin.

Tumango lang ako bilang sagot pero mabilis din akong nagpaliwanag.

"Sir Danzel, katulong po kasi ang nanay ko dito. Matagal na po. 'Wag n'yo po sana isipin na espiya ako. Gusto naman din po ng mga Samaniego na sa kompanya nila ako magtrabaho pero tinanggihan ko po dahil may personal po akong dahilan. Sorry po kung hindi ko nasabi sa inyo."

Napatitig lang siya sa akin at nahiya akong bigla na salubungin ang tingin niya. Hindi ko naman kasi naisip na darating ang araw na ihahatid niya ako.

"Don't apologize, Janella." Bahagya pa siyang umiling at tipid na ngumiti. "It's okay." Lumabas siya ng kanyang kotse at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Bigla tuloy akong nakaramdam nang hiya lalo pa nga't hindi ako sigurado kung naniniwala ba siya sa sinabi ko.

"Hindi naman kalayuan ang mansion namin dito. Ten minutes drive lang." Sabi pa niya habang inaalalayan ako sa siko.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon