Chapter 31.2.3

143K 3.2K 216
                                    

CHAPTER 31.2.3

JANELLA RAYNE's POV

Tulad nang dati ay tumambay lang sila ni Vaughn doon sa labas. Naririnig ko ang madalas na pag-ubo ni Dalton at ibig ko siyang sermunan dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Dapat kasi sa kanya ay nagpapahinga na at hindi nakatambay sa labas! Magpapakamatay ba siya?!

Saktong paglabas namin ni Carl ay naabutan kong nakayupyop si Dalton sa isang sulok. Madilim na at puro city lights na lang din ang matatanaw sa buong paligid. Agad siyang tinapik ni Vaughn sa likod na noo'y may iniinom na Budweiser. Mapupungay ang mga mata niya nang umayos nang upo at dinaanan ng mga daliri ang kanyang buhok.

"Fck dude, dapat kasi nagpahinga ka na!" Si Vaughn na noon na ay inubos na ang laman ng kanyang iniinom.

"I'm okay..." Nanghihina pang sabi lang niya at agad na lumapit sa akin.

Pero tulad ng mga nakakaraan ay umiwas pa rin ako at narinig ko na lang ang malalim na pagbuntong-hininga niya.

Nakabuntot sila sa amin ni Carl at dinig ko ang malapit na yabag nila sa amin.

"Don't tell me magpapaka-gwardiya sibil ka na naman?" Nanenermon pa ang boses ni Vaughn at tahimik lang kaming naglalakad ni Carl. Mukhang nananainga din siya d'un sa dalawang nasa likuran namin.

"I'll be fine. Don't worry." Namamaos pang sabi lang ni Dalton.

"You sounded like you swallowed a d!ck, dude." Natatawang sabi pa ni Vaughn at pinigilan kong mangiti sa sinabi niyang iyon.

"Tsss." Iyon lang ang tunog na narinig ko kay Dalton.

"Tapos d'un mo na agad ipinarada ang Hilux sa tapat ng bahay nila? Baliw ka rin 'no?"

"Ayos lang 'yun para walang makaparadang iba." Wala pa ring interest na sagot niya pero pakiramdam ko'y nasa likuran ko ang mga mata niya.

"Panay na ang tawag ng parents mo, dude. Papatayin din ako ni tito Antonio!" Irritable pang sabi lang ni Vaughn at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay parang nakikini-kinita ko na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Hayaan mo sila." Masungit na sagot pa niya. "Ayoko muna silang isipin sa ngayon."

"Your mama is so worried about you. Kahit ang grandma mo nag-aalala na."

Hindi ko na siya narinig sumagot at sa halip ay malalim na pagbuntong-hininga lang ang narinig ko. Madalas pa rin ang kanyang pag-ubo at puro 'Tsss' naman ang reaksyon ni Vaughn.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay wala ding lingun-lingon kaming umakyat ni Carl. Narinig ko pa rin ang mahinang pagtawag niya pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong lingunin siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang tiisin. Pero ang makita siyang may sakit ay nakakadagdag lang ng pag-aalala ko sa kanya.

Matapos kong makagalaw ay kinakabahan na naman akong napatingin sa may bintana. Hindi ko alam kung bakit parang umaasa akong nand'un pa rin siya at naghihintay ulit sa akin para kausapin siya. Sinilip ko ang aking cellphone at positibo ngang may mga mensahe ulit na galing sa kanya.

Fr: Ace

Pumpkin, can we talk? Puwede na ba?

~~

I miss you so bad... Please talk to me. I'll be waiting here for you.

~~

Aren't you coming out? I'm cold.

~~

I'm sorry, pumpkin. Please talk to me.

~~

Janella Rayne... my baby.

~~

I love you...

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon