Chapter 15.2.3

226K 4.4K 139
                                    

Thank you Demonique Fox para po sa cover na ito. super cute. Salamat po. 'Di ko po alam kung nagkaroon na ako dedic sa'yo. if wala pa, reserve ko 'tong chap na 'to para sa'yo. :) pm me okiez?

love,

ate dean

********



CHAPTER 15.2.3

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

Hindi naman din nagtagal ay tinapos na rin nila ang pagku-kwentuhan na kung saan-saan na yata napunta pero nawala na ang atensyon ko d'un dahil mas nae-excite akong makita na si Dalton. Wala na, ngayon pa lang ay hulog na hulog na ako. At hindi ko talaga alam kung saan pa ako pupulutin nito kapag nagkataon.

"Let's go." Kayag pa ni Danzel sa akin at bahagya akong nag-alangan kung dapat ko ba sabihing susunduin ako ni Dalton.

Pero napasunod na lang din ako sa gusto niya at inalalayan ako sa may baywang. Gusto kong mapaso na ewan pero alam ko namang gentlemanly lang siya.

Nang tuluyan na kaming makalabas ay may humaharurot na motor ang biglang pumarada sa harapan namin. At gayon na lang ang gulat ko ng bigla siyang magtanggal ng helmet at bumungad ang gwapong mukha ni Dalton! Parang medyo hindi maganda ang aura niya at bahagyang nakakunot.

"DS..." Mapaklang bungad na bati naman ni Danzel.

"DM..." At parang sarcastic din ang bati ni Dalton at nakita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking baywang. Shit!

"What are you doing here?" Pormal na tanong ni Danzel at mas seryoso ang kanyang mukha.

"I'm here to pick up what I own." Makahulugan pa siyang tumingin sa akin at agad na nag-init ang aking pisngi. Nakakahiya kay Danzel pero natutuwa pa rin akong marinig iyon kay Dalton.

"Really?" Nagtaas lang ng kilay si Danzel at makahulugan pang ipinaling ang mukha sa akin. "Janella?"

Mabilis na bumaba si Dalton sa kanyang motor at walang pasubaling lumagay sa pagitan namin ni Danzel. Automatic na nawala ang pagkakahawak ni Danzel sa baywang ko at kamay ni Dalton ang mabilis na pumalit doon.

"Let's go home, pumpkin." Malambing pa niyang sabi sabay pasimpleng pumaling kay Danzel na bahagya lang napailing at napangisi.

"Ace, ano ba..." Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran at tinaasan lang niya ako ng isa niyang kilay. Ang gwapo naman kasi! Nakakainis! Simpleng black leather jacket at inner white t-shirt, black denim pants and rugged boots lang ang suot niya pero sobrang lakas ng dating! Walang babae ang hindi puwedeng hindi tumingin sa kanya dahil nakakamatay talaga ang kanyang kagwapuhan.

"What?" Patay-malisya lang niyang sabi sabay ngumuso. "Madami kang kasalanan sa akin today." Mahinang bulong pa niya sabay baling ulit kay Danzel. "So, we'll have to go first, DM? And by the way, thanks for taking good care of my pumpkin."

Hindi naman na nakakibo si DM at para pa ngang bahagya siyang kumunot.

"Danzel—"

"Take care, Janella. I'll see you tomorrow." Pormal na sabi niya sabay talikod papunta sa kanyang sasakyan.

Natulos lang kami ni Dalton habang pinapanood siyang paandarin ang kanyang sasakyan hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aming paningin.

"Ano bang ginagawa mo?!" Agad kong sinapak sa braso si Dalton at nagpamukha naman siyang inosente.

"W-what?!" Ang galing talaga umarte!

"Paano kung makarating sa parents mo ang tungkol sa atin?"

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon