Chapter 20.1.2

174K 3.5K 217
                                    

WARNING: SPG (Lenguahe)

CHAPTER 20.1.2

DALTON ACE's POV

After that one text from Janella ay hindi ko na siya nakausap ulit. As in never! At kahit pa sandamukal na tawag at text na ang nai-send ko sa kanya ay wala pa rin! Hindi ko rin siya matiyempuhan sa pagpasok niya sa opisina at napu-frustrate na talaga ako! What the fck happened?! Break na kami?! Gan'un lang 'yun?! I am faithful! So damn faithful and what happened now eh?

At kahit na alam kong hindi ako welcome sa opisina ni DM ay nagpunta pa rin ako para lang makausap siya. Tutal naman napagalitan na rin ako ni papa dahil wala raw ako sa focus! Paano ba ako makakapag-focus kung ang nag-iisang babaeng minamahal ko ay hindi ako pinapansin?! Ano bang nagawa ko?! Darn it!

Kaya naman pagbungad ko pa lang sa opisina ay kasunod ko na rin 'yung security nila na pilit akong pinapalabas dahil wala raw akong appointment! Appointment his fcking face!

"Janella!" Gulat pa siyang nag-angat nang tingin at agad na kumunot ang kanyang noo!

"Can we talk please?" Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Pero agad din siyang kumawala sa hawak ko at malamig na nagsalita.

"Ayokong makipag-usap." Nag-iwas siya nang tingin at pakiramdam ko ay may kung anong dumagan sa aking dibdib!

"No, Janella! We. Need. To. Talk." Pagpipilit ko pa at muli ko siyang hinawakan sa kamay at hinila.

Nakatingin sa amin lahat ng mga empleyado roon at wala akong pakialam!

"DS!" Sabay pa kaming napalingon ni Janella sa pinanggalingan ng boses, si DM. Madilim ang kanyang mukha at kunot-noo pa siyang lumapit sa amin ni Janella.

"Are you deaf?! Sinabi na niyang ayaw niyang makipag-usap sa'yo diba?" Tinabig niya ang nakahawak kong kamay at ibig ko na siyang suntukin sa pakikialam niya! Who the fck he think he is?!

Hinarap ko siya at itinulak sa dibdib. Rumehistro ang gulat sa kanyang mukha kasabay nang paghawak ng security guard sa akin.

"You fcking let me go!" Banta ko pa sa security guard na tila hindi man lang naalarma! I am going to break his bones!

"Tara na po, sir! Para wala na lang gulo!" Sabi pa nung security guard at mahigpit pa rin akong hawak sa braso! Fck!

"Pumpkin, please!" Sumamo ko pa at wala akong pakialam sa kanila! I just want her!

"Let him go..." Maluha-luhang sabi na lang ni Janella at noon na lang ako nakahinga ng maluwag.

"Janella, you don't have-" Singit pa ng gagong si DM at hinawakan pa sa braso si Janella! Fcker!

"It's none of your fcking business, DM!" Matigas na sabi ko pa sabay malakas na tabig sa kanyang kamay. No one is touching my girl!

Nag-igting lang ang kanyang panga sabay talikod. Go to hell a$$hole!

"Pump-" Baling ko pa kay Janella pero nilagpasan lang niya ako at nagpatiuna sa paglakad palayo sa mga mata ng mga nag-uusyoso.

Tahimik akong sumunod sa kanya at sumakay kami sa elevator. Pinindot niya ang rooftop at kitang-kita ko ang pangingilid ng kanyang luha.

"May nagawa ba ako?" Hindi ko na rin napigilan ang magtanong.

Nanginig ang kanyang labi at mariing kinagat iyon. Iwas pa rin ang kanyang tingin at parang pasimple niyang pinunasan ang luhang tuluyang naglandas sa kanyang mukha. What the fck have I done, huh?

Nang magbukas ang elevator sa rooftop ay agad na sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin. Luhaan siyang humarap sa akin at mariin pa rin niyang kagat ang kanyang labi.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon