Chapter 12.2.2

219K 4.2K 114
                                    

Hello nga po pala sa super cute na si Christian Ezekiel pati na rin sa dalawang friendship n'ya na sina Rian at Rajini. Okay na ba 'to bebe boi? hahaha!

ingat po sa lahat!

********



CHAPTER 12.2.2

DALTON ACE's POV (Continuation)

After ko makausap si Chance, I decided na pumunta muna sa stadium. I need to race to release this tension. Maybe this is what I need to think upright. I am so prepared for this and I am fully geared. I love my Ducati bike. Parehas din kami ng gamit ni Ty noong nangangarera din siya. Isinasama ko nga si Chance pero ayaw ng gago at matagal-tagal na raw silang hindi nakakapagtabi ni Kirsten dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. He is totally pussy whipped. Gan'un din kaya ako pagdating ng panahon? Jeez, I still can't imagine myself being that in love? Those are not just sinking in to me. No. No.

Pagdating ko sa stadium ay naabutan ko ang mga dati kong kasama sa karera. Karamihan sa kanila ay galing din sa kilalang pamilya. And, to my surprise ay nand'un si DM. Jeez... great!

"DS..." Nakangisi pang bati niya at nagkunwari akong wala lang. Sa totoo lang ay mas gusto ko siyang suntukin sa mukha dahil sa ginawa niyang paghawak kay Janella kagabi.

"DM..." Parang mas gusto kong ipalo sa kanya ang hawak kong helmet. Fully geared din siya at mukhang nakaisang round na. Wala pa ako sa sariling iginala ang tingin dahil mapaparaning yata ako nang tuluyan kapag nakita kong kasama niya si Janella dito.

"I am kinda surprise you're here. I thought kakalimutan mo na ang drag race." Nakangisi pang sabi niya at napalinga din sa paligid namin.

"What made you say that?" I want to punch you now, DM! So, 'wag kang gago!

"Wala naman." Kibit-balikat pa siya at iiwas na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita. "Are you looking for someone, DS?"

"What?" Mind reader din ba ang gagong 'to?

"Looks like you're looking for someone... Special." Sa halip na ngumiti ay mapakla lang akong ngumiti. Kakambal ba ni Chance 'to?

"I don't know what you're talking about." Kumunot ako at napabuntong-hininga lang siya.

"Want to race?" Naghahamon pang sabi niya habang ngising-ngisi.

"Sure." At iyon na lamang ang naisagot ko. And I will fcking feed you my dust, d!ckhead!

"Good!" Kinatok pa niya ang helmet ko at diretsong pumunta sa race track para kuhanin ang bike niya.

May kinausap din siyang motorsport marshalls at nasisiguro kong nagsabi na siyang magkakarera kaming dalawa. I'll beat you in this game, d!ckhead! You'll never win!

Matapos nga lang ang ilang preparations ay sumakay na kami ni DM sa kanya-kanya naming motor. DM is good with his bike too. Para lang din siyang professional maglaro at mas nauna pa nga yata siyang nahasa sa akin. But the thing is, parehas kami ng passion. I am good too. Hindi man ako 'yung tipo na lamog sa practice ay magaling ako sa motor. Kahit naman n'ung bata ako ay mahilig na talaga ako. Kinontra nga lang ng parents ko ang hobby ko since it's a dangerous sport. But I really love competing with DM because it's always a challenge to beat him. He's beyond good. Good din kaya ang score niya kay Janella? I hope not!

Sumenyas sa amin 'yung Chief track marshall at sinecure na namin kaagad ang helmet namin. Nakatutok ang lahat sa aming dalawa since they all knew how competitive we are with each other. Naririnig ko pa ang sigawan ng mga fan girls niya at matamis lang siyang ngumingiti sa mga iyon. See? I am not the only Casanova here. Alam kong sa kabila nang kabaitan niya, nagtatago ang isang malibog na lalaking kagaya ko. And, I don't think there's anything wrong with it. We guys expressed our feelings through s3x. But then, I can't let him touch Janella because she's mine. Dalton gets what Dalton wants.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon