Chapter 33.2.2

144K 3.1K 100
                                    

CHAPTER 33.2.2

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

Malalim lang siyang napabuntong-hininga nang tuluyang makalayo ang kanyang lola sa aming dalawa at parang may nagdaang anghel sa pagitan namin. Hinaplos niya ang aking buhok bago iniangat ang aking baba para titigan nang diretso sa mukha.

"I'm sorry about that, pumpkin." Awang-awa pa niyang hinaplos ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha.

"Dude, I've been fcking calling you!" Bigla pang singit ni Vaughn na iiling-iling pa sa aming dalawa.

"Sasagutin ko na talaga ang tawag mo pero nag-empty bat na ako. Hindi rin nakapag-charge si Janella bago kami umalis." Maagap na sagot din naman ni Dalton at nanatiling nakaakbay pa rin sa akin.

"They're way beyond mad!" Iiling-iling pang sabi lang ni Vaughn. "Hindi ko alam na nakausap pala nila 'yung little devil witch at sinabing padating kayo ngayon."

"That little witch!" Inis pang sabi lang niya at hindi ko alam kung sino bang 'little devil' ang tinutukoy nila.

"Hey! Hey! 'Wag n'yo nga akong sisihin!" Nagmamadaling bumaba sa hagdan ang tila anghel sa ganda na babae. Parang nasa edad 19 or 20 na siya. Maputi, makinis at maganda. Mukha siyang manika sa ganda pero bakas sa mukha niya ang kabataan. Nakasuot siya ng napaka-ikling short at hanging blouse. Litaw ang kanyang makinis na tiyan at pusod.

Wala pa sa loob kong napatitig kay Dalton na himalang parang walang nakita at may parte sa aking natuwa dahil d'un. Hindi ko talaga kayang may maa-appreciate siyang ibang babae bukod sa akin. Masyadong nakakapraning ang kanyang kalokohan sa babae.

"Will you go back to your room!" Inis pang sabi ni Vaughn at simangot na simangot ang mukha.

"And will you please stop calling me little devil witch, kuya poker face!" Nakairap pang sabi niya sabay baling sa amin ni Dalton. "I am so sorry about that kuya Dalton and kuya Dalton's girlfriend?"

"Janella." Sagot ko na rin at bahagya akong humiwalay kay Dalton na nakasimangot rin.

"Ate Janella." Nakangiting sabi pa niya sabay lahad ng kamay. Inabot ko rin naman iyon at pilit akong ngumiti. "I'm Sam. I am really sorry about what happened. Hindi ko talaga alam, promise." Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay at napaikot lang ng mga mata si Vaughn.

Tumango ako at hindi ko naman din malaman kung ano ba talaga ang ginawa niya.

"Ito naman kasing si Vaughn hindi ako sinabihan." Baling pa ulit niya kay Vaughn na igting pa rin ang panga sa pagkakatitig sa kanya.

"Go back to your room, little devil witch!"

"I'm not a devil and definitely not a witch! Ang sungit, sungit!" Dumila pa siya at nagmartsang lumayo sa amin papuntang kusina.

Sinundan siya nang tingin ni Vaughn pero bakas pa rin ang pagka-irita sa kanyang mukha.

"Janella..." Lumapit sa amin si nanang gamit ang kanyang malungkot na mga mata. Bumitaw ako kay Dalton at agad ko siyang niyakap. Gusto kong makunsensya dahil sa lahat nang nangyayari ay apektado rin siya sa amin ni Dalton.

"I'm sorry, nanang."

Hinagod ni nanang ang aking likod at mas lalo akong napaiyak.

"Masaya ka ba?" Humiwalay sa akin si nanang at mapait na ngumiti.

Mariin ko lang kinagat ang aking labi at nahihiya akong tumango.

"At iyon naman talaga ang dapat diba?" Pinisil niya ang aking pisngi at agad na nagluha ang kanyang mga mata. "Nandito lang ako, anak."

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon