Chapter 30

160K 3.1K 310
                                    

CHAPTER 30

DALTON ACE's POV

Day 2.

Yes, it's our day 2 in this old creepy house! And believe it or not, magkatabi kaming natulog ni Vaughn for the very first time in the history of our friendship! Damn! I never thought that this house will be this creepy! All along akala ko sa horror movies lang nage-exist 'yung ganoong feeling. But now, jeez... Good thing hindi ako natiis ng tarantadong si Vaughn at baka nga nadali ang buhay ko nang wala sa oras.

It's my second night too na tumambay sa harap ng bahay n'ung scumbag. I've been texting and calling her all day but she did not answer. Not even once. This is so fcking frustrating eh? Pero alam ko namang kasalanan ko kaya wala akong magawa kung 'di ang maghintay.

Hindi na rin sumama si Vaughn na magbantay sa harapan ng bahay at nakakagulat na nagpaiwan na lang sa lumang bahay. With all the lights on by the way. And I fcking mean, all. Kahit ang mga ilaw sa banyo bukas lahat. Hindi daw niya trip magpaka-gwardiya katulad nang ginagawa ko ngayon. Pero kailangan kong gawin 'to para ipakita kay Janella na sincere ako. At kahit pa ilang araw akong magcamping sa harap ng bahay nung scumbag ay okay lang. I'll take every chances.

Day 3.

Okay, I'm a little drained. Nakatulog na ako sa sasakyan sa paghihintay. It's so fcking cold out here! Damn! Nananakit ang lalamunan ko at hindi magandang senyales 'to para sa akin! Hindi ako puwedeng magkasakit. Hindi puwede!

Pupungas-pungas akong lumabas ng sasakyan at nag-inat. Halos kakalitaw pa lang ni haring araw, pero halos wala pa rin akong makita dahil sa fog. Napaubo ako at napailing na lang sa sarili ko. This is not good, Ace.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na ang babaeng kagabi ko pa hinihintay at parang hindi siya makapaniwalang makikita ako dun.

"Pumpkin!" Humabol pa ako sa kanya pero parang wala lang siyang narinig at nagdiretso pa rin sa paglalakad! Oh come on!

"Pumpkin please!" Mabilis pa akong humarang sa kanyang harapan at hindi ko na naman napigilan ang mapaubo. Kumunot lang siya pero wala namang sinabing kung ano. Malamig pa rin ang kanyang titig at gusto kong panghinaan ng loob sa tuwing tititigan niya ako ng gan'un. Oh pumpkin, don't be like that. "C-can we talk, please?" Sumamo ko pa.

"Wala akong panahon, Dalton." Masungit na sabi pa niya at nagtuloy ulit sa paglakad matapos na tabigin ako.

"When will you have time? I'll wait." Pagpipilit ko pa habang panay pa rin ang lakad niya.

"Tapos na tayo." Matigas na sabi lang niya at iwas pa rin ang tingin.

"I can't accept that." Malungkot na sagot ko lang dahil sa tuwing sasabihin niyang wala na kami, a part of me is dying slowly. "I love you... I'm sorry that it even happen—"

"Just stop, Dalton." Masungit pa ring sabi niya at kunot ang noo. She hate me that much?

"I can't stop, Janella." Mahinang sabi ko lang habang nakasunod pa rin sa kanyang paglalakad. "I just can't. I won't."

Hindi naman siya nagsalita pa at sa halip ay napahugot lang ng isang malalim na buntong-hininga. Tahimik lang akong napasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa restaurant na pag-aari n'ung scumbag.

Agad na nagsalubong ang titig namin n'ung gagong Carl pero agad ding natigilan nang mapatingin sa mukha ni Janella. Diretso lang akong sumunod sa kanya papasok sa loob at kulang na lang ay paulanan ako ng kutsilyo ni Carl sa mga titig niya!

"Ulan..." Tipid pa siyang ngumiti kay Janella na hindi ko alam ang reaksyon. Fck! I hate him! I am going to kill him if he keeps on calling her with that endearment! "Good morning. Sabay na tayong mag-breakfast."

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon