Chapter 15.1.3

220K 4.2K 87
                                    

#JanTon

CHAPTER 15.1.3

JANELLA RAYNE's POV

Papasok na ako sa opisina ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapangiti. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. But I'm in love with Dalton Ace. My Ace. Nababaliw na nga yata ako at nagagawa kong sumugal sa isang taong hindi ako sigurado kung kaya ba talaga akong mahalin na ako lang. Pero ano nga bang dapat gawin? Sa ilang buwan na nagkahiwalay kami ay walang nabago sa nararamdaman ko. Hindi naman ako naging ganito kay Bernie kaya alam kong iba itong kay Dalton.

Pagsakay ko sa elevator ay hindi ko inaasahang makakasabay ko si Danzel na tila kakarating lang. Agad kong naamoy ang kanyang pabango at naalala ko na naman ang amoy ni Dalton. Magkaiba sila nang bango pero alam na alam ko ang amoy ni Ace ko. Haist Janella! Malala ka na!

"Good morning, sir Danzel." Nakangiting bati ko naman. Shit! Hindi nga pala maganda ang huling paalaman naming dalawa! Bakit ko ba nakalimutan 'yun?!

"Good morning, Janella." Tipid naman siyang ngumiti at wala rin naman akong makitang bakas ng galit sa kanyang mukha.

"So, how are you?" Kaswal lang na tanong niya matapos na makasakay kaming dalawa sa elevator.

"O-okay naman..." Tipid na sagot ko lang lalo pa nga't hindi ko sigurado kung dapat bang may malaman pa siya tungkol sa amin ni Ace. Jeez... 'yun na nga yata ang endearment ko sa kanya. Wala kasi akong naririnig na tumatawag nang gan'un sa kanya kahit pa barkada niya.

"So, are you two together now?" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at parang may selos ang boses niya. Hindi ko naman siya masisi dahil noong mismong magtapat siyang gusto niya ako ay mismong pagtatapat din ni Dalton sa stage.

"N-no..." Bahagya pa akong umiling at ang hirap pala talaga magsinungaling!

"Hmmm..." Hindi naman na siya kumibo at sa halip ay humugot lang siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Nang makarating kami sa 40th floor ay naramdaman ko pa ang paghawak niya sa aking siko. Gentlemanly naman talaga si Danzel. Malayong-malayo kay Dalton na puro kamanyakan ang laman ng utak.

"Powder room lang ako." Paalam ko pa at bahagya lang siyang tumango.

Naglihis kami nang daan at nagdiretso siya sa loob ng kanyang opisina. May pailan-ilan na ring mga empleyado roon na huling-huli kong nakatingin sa akin at parang alam ko na ang tumatakbo sa isip nila. Mga tsismosa talaga! Kunsabagay, kahit saan naman yata ay mayroon.

Nang makapasok ako sa powder room ay saglit akong nagsuklay at nagpabango ulit. Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagharap sa salamin ay may kung sinong unknown number ang tumatawag.

"Hello?" Alanganin pang sagot ko.

{Hi Pumpkin!}

"Dalton Ace?" My God! Sa simpleng pagtawag pa lang niya ay kumakalabog na ang puso ko! Shit! Namimiss ko na siya!

{I miss you...} Malambing pang sabi niya.

"Grabe ha. Kakahiwalay pa lang natin." Hindi ko na talaga mapigilan ang mangiti. Kung alam lang niya.

{I think I'm addicted to you. This is crazy,} Natatawa pang sabi lang niya at parang nai-imagine kong kinakagat-kagat niya ang kanyang mapulang labi.

"Forte mo talaga ang pambobola 'no?" Ngumuso ako sa harap ng salamin at pakiramdam ko ba ay sobrang lapit lang niya.

{Well, I'm an Ace on that matter. Pretty good actually. I don't use it that often with girls but with you I think I have given it all but failed a lot too.} Natatawa pang sabi lang niya sa kabilang linya at naalala ko kung gaano ko karaming beses na sinupla ang pag-flirt niya sa akin.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon