Chapter 10

86 6 8
                                    

Chapter 10

Hinilot ni Joshua ang sentido at tinignan ng masama ang kaibigan na si Bryan nakangisi sa kanya.

"Teka lang pre... Sumasakit ulo ko. I think I'm going to die--"

"Die your ass, idiot" Natalo lang naman si Joshua sa pustahan nila ni Bryan ni Joshua sa paramihan ng points na makukuha sa nilalaro nilang titres At ang pustahan nilang dalawa ay isang milyon lang naman.

"Alam kong dinadaya mo lang naman ako eh, May ginawa ka talaga eh. Kasi hindi naman ako natatalo sa ganitong laro eh" frustrated na ginulo ni Joshua ang buhok. Hindi siya makapaniwala na natalo siya sa larong ito. Binagsak niya ang cellphone sa table at tumayo.

"Ako yan? Nagtatampo ka kasi natalo kita?" Natatawang sabi ni Bryan habang sinusundan ng tingin ang kaibigan na lumabas ng balkonahe.

Kinuha ni Joshua ang sigarilyo na nasa bulsa at at kumuha ng sigarilyo doon at sinindihan ito gamit ang lighter na kinuha niya kanina bago siya tumayo.

Ibubuga na sana niya ang usok ng inakbayan siya ng kaibigan kaya pumasok ang usok pabalik sa lalamunan niya at napaubo siya. Tumawa lang si Bryan na sinamaan niya ng tingin.

"Nagtatampo ang baby--"

"Ah! Papatayin mo talaga ako eh!" Sabi ni Joshua na nakahawak sa lalamunan niya. Nang makabawi ay tumayo siya ng maayos at mahinang sinuntok ang tyan ng kaibigan kaya naalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Tinuloy niya ang pagsisigarilyo at nang humarap siya kaibigan ay ibinuga niya ang usok nito sa mukha ng kaibigan na sinapak ang balikat niya.

Tumawa lang si Joshua.

"I thought you quit smoking?" Tiningnan niya ang sigarilyo na may sindi.

"Libangan lang" Sumandal siya sa railing at dinama ang hangin.

"Stress? Wala bang babae ngayong gabi?" Nagbibiro ang tinig ng kaibigan.

"Tsk! Pre, paano naman ako sasagutin ni Kate kapag nagloko ako? Goodboy yata to" tumawa ng malakas si Bryan

"Nakakatawa! Ikaw nagseseryoso? Siguro nababaliw kana--"

"Baka nga nababaliw na ako, Paano naman ako nagkagusto sa babaeng wala naman gusto sa'kin. Nakakatanga talaga sa pakiramdam" Napalingon siya sa kaibigan ng hawakan nito ang mukha niya at nilagay nito ang palad sa noo niya.

"Wala ka naman lagnat?" Hinawi niya ang kamay ng kaibigan.

"Bro, I'm attracted to her. I don't know, May iba sa kanya na gustong-gusto ko" Muli niyang nilagay sa bibig ang sigarilyo at inipit sa bibig niya. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at nilingon ang kaibigan na nakatingin din pala sa kanya.

"In-love ang matinik, kaya lang paano yung isa?" Nag-iwas siya ng tingin. 

Kinuha niya ang sigarilyo na nasa labi at inubos ang natitirang bago niya binuga ang usok sa bibig niya.

"Alam ni Maxine na walang kami. Alam niya na wala siyang mapapala sa akin--"

"But, you know that she's in love with you bro" Pinagmasdan ni Joshua ang sigarilyo bago mawalan ang huling baga nito. Maxine was a good woman. Kaya nga siguro hindi niya ito naging girlfriend dahil sa sobrang bait na ayaw niya itong saktan.

Gago man siyang tao, pero hindi niya kayang makitang umiiyak ang mga babae dahil sa kanya. Dapat sa umpisa palang ay alam na ng mga ito na wala siyang puso na maibibigay.

"Wala naman akong maibibigay kay Maxine kung di ang kagwapuhan ko. She deserves better. And that's not me. I can't be better for her."

"And what about Kate?"

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now