chapter 25

35 3 0
                                    

Chapter 25

IYAK nlang ang nagawa ni Kateliane. Makatapos pumasok sa loob ng bahay ni Joshua.

Hindi niya alam kong paano haharapin ang mga taong walang alam sa pinaggagawa niya. Para siyang ginigisa sa sarili niyang mantika. Habang kaharap ngayon ang kaibigan. Ang dalawang babae ay iniwan sila at ang kaibigan niya lang ang nasa harap niya ngayon.

"Curious lang naman ako. Pero hindi mo naman kailangan mag kuwento sa'kin."Banggit ng kaibigan niya. Parang sikip ang puso niya. Hindi niya alam kong paano sisimulan.

"Hindi naging maganda ang naging buhay ko sa Australia. Kahit ano-anong trabaho ang pinasok ko pagkatapos kong umalis sa poder ng mama ko." Pagsisimula niya ng kuwento." Ginawa ko lahat, taga-linis ng banyo, waitress sa restaurant at waitress sa bar. Para lang matustusan ang pag-aaral ko dahil ayaw ko naman umuwi rito. Ayaw kong maging pabigat pa ni Papa. Halos tumira ako sa kalsada para lang mabuhay ang sarili ko."pinunasan niya ang luha sa mata.

"Isang araw nakita ko si Jin sa bar pinagtatrabahuhan ko. Ang sabi niya sakin bibigyan niya ako ng bahay para lang hindi ako tumira sa kalsada. Dahil gipit ako at nalaman ko pa na may sakit si Mama. Pumayag ako kaya lang na malaman kong may asawa na siya. Pero, dahil ooperahan si Mama ay pinagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon sa kanya. Kahit na alam ko na nag-aaway sila ng asawa niya at alam kong magugulo ko ang pamilya nila. Nilunok ko lahat ng hiya ko sa katawan para lang mabuhay si Mama. Pero, gusto niyang magtanan kami. Handa na akong sirain ang buhay ko para sumama sa kanya. Pero, kinausap ako ng asawa niya. Nagmakaawa sa'kin na wag kong kunin si Jin sa kanila. Nakita ko ang anak niya. Na realize ko na hindi ko pala kayang sirain ang pamilya nila. Kaya nagtago ako, pero sinundan parin ako ni Jin. Kaya umuwi ako ng Pilipinas. Ginusto ko man lahat ng nangyari. Alam kong mali ako na kumapit ako sa patalim. Pero, buhay naman ng ina ko ang kapalit non. Kaya wala akong pinagsisisihan na kahit na ano. Handa naman akong harapin ang lahat." Niyakap siya ng kaibigan.

"Wag sana nila idamay si Joshua. Dahil wala naman siyang kasalanan eh. Marami na siyang pinagdaanan para madamay pa sa gulo ko." Hindi niya yata kakanin kong pati ang buhay ni Joshua ay magulo niya dahil na naman sa kanya.

Mas lalo lang siya naiyak dahil sa naisip.

"Nakakahiya ako, nanggamit pa ako ng ibang tao" Hinagod ni Xiamara ang likod ni Kateliane.

"Kahit na sino man ay gagawin ang ginawa mo. Tama na, hindi ka masamang tao. Wag mo naman masyado pahirapan ang sarili mo. Besty"  Niyakap niya ang kaibigan. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dibdib niya. Matagal na niyang tinago ang mga masamang nagawa sa Australia. Pero, hanggang ngayon ay humahabol parin ito sa kanya.

"Baby," nag-angat siya ng tingin at nakita at nakita ang pag-aalala sa mata ni Joshua. Pinahid niya ang luha at lumapit dito para yumakap.

"Okay kalang ba?" Bakas ang pag-aalala sa mga salitang iyon ni Joshua. Takot na takot siyang masaktan si Joshua. Pero, ganon rin pala ito sa kanya."hindi na yun mangyayari. I will fix everything---"

"It's okay,  Wag kana mag-aalala sa'kin. Nasira pa nga ang party mo eh. Nakakainis hindi man lang tayo nagtagal maligo" narinig niyang mahinang tumawa si Joshua.

"Nag-aalala ako sa'yo. Pero, yun pa ang inalala mo?" Pinakawalan ni Joshua si Kateliane at hinawakan ang mukha niya at ito na ang nagpunas ng mga luha niya sa mata.

"Kahit naman ang sabihin nila sa'kin. Wala akong pakialaman eh. Mas nag-aalala ako sa nararamdaman mo. Kasalanan ko naman yun lahat. Pero, ikaw wala kang kinalaman don. At wala ka rin kasalanan na minahal kita." Kahit anong gawin niya ay wala na siyang magagawa s mga nakaraan niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ayusin ang hinaharap at wag magpaapekto sa nakaraan.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon