chapter 29

22 3 0
                                    

Chapter 29

"JZ!" napapikit nalang si Joshua ng buksan niya ang pinto ng bahay niya. Pagod pa siya sa byahe galing sa travel niya. Kakahatid niya lang din sa girlfriend at wala pa siyang tulog. At bigla nalang dumating ang babaeng ito sa bahay niya.

"Please, Maxine pagod ako umuwi kana" akmang isasara niya ang pinto. Pero, Hinarang ni Maxine ang kamay niya.

"Please naman wag mo naman gawin sakin to!" Napabuntong hininga nalang siya. dahil hindi na niya alam ang dapat niyang sabihin para lang tumigil ang babaeng ito.

"Hintayin mo ako sa labas, ihahatid kita sa bahay nyo." Pumasok siya sa loob at kumuha ng susi ng sasakyan. Inilabas niya yun mula sa garahe at Hininto sa harap ni Maxine. Lumabas siya ng sasakyan ng makitang nakaupo lang ito sa tabi ng gate at nakayuko.

"Let's go!" Nag-angat ng tingin sa kanya si Maxine at tinginan siya ng may luha sa mga mata.

"JZ, hindi mo na ba talaga ako pwedeng balikan? Alam ko may chance pa na mahalin mo rin ako. Alam ko na naguguluhan ngayon. Alam ko..." Napakamot nalang si Joshua sa batok niya.

"Maxine, alam mo naman na importante ka sa'kin. Pero, hindi ko maibabalik ang gusto mo. May mahal na akong iba. Kaya please lang wag mo naman tong gawin. Ayaw kitang nakikitang ganyan." Tumayo siya sa harap nito.

"Pero, mahal kita--"

"Mahal ko rin siya. Mahal na mahal ko siya Maxine. Kaya kong gawin lahat para sa kanya. Kaya kong ipaglaban siya sa pamilya ko para lang matanggap nila siya. Pasensya kana kong umasa ka sa'kin. Hindi ko intensyon na saktan ka. Kaya humihingi ako ng tawad sa'yo." Tumayo si Maxine at nakatanggap siya ng isang sampal.

"I don't need your sorry!" Hinampas nito ang dibdib niya kaya, hinayaan niya ang babae hanggang sa mapagod ito.

"Maxine, please I'm tired. I don't know what to do anymore with you" Lumayo sa kanya si Maxine. Habang nakatingin parin sa kanya.

"Ako ba hindi? Napapagod na rin ako sa nararamdaman ko sa'yo! Napapagod na rin akong sumunod kong saan ka pupunta! Pagod na rin akong isipin ka! Pagod na pagod na rin ako JZ!  Pero, mahal kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko." Napapikit nalang si Joshua. Gusto niyang lapitan ang babae kaya lang natatakot siyang ano na naman ang isipin nito kapag lumapit siya.

"Ihahatid na kita" Sinamaan siya ng tingin. Pero, pumasok dim ito agad sa sasakyan niya.

Pumasok na rin siya sa sasakyan niya at pinaandar ang sasakyan.

"Wala ka man lang sasabihin sa'kin?" Hindi na siya nagsalita pa hanggang makarating sila sa bahay ni Maxine.

"Bumaba kana nandito na tayo" tumingin lang si Maxine sa labas.

"JZ, bakit kailangan kong nagmakaawa sa pagmamahal mo? Hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako?" Humigpit ang hawak niya sa manubela.

"Maxine, pasensya kana--"

"Yan nalang lage ang lumalabas sa bibig mo! Dahil sa babae na yun. Wala na akong chance sa'yo? Dahil sa malanding babae na yun'!" Umiiyak na sabi ni Maxine.

"Wag na wag mo siyang tatawagin na ganyan, Maxine! Bumaba kana!" Tumigil si Maxine sa pag-iyak at sinamaan siya ng tingin.

"Makikita mo masisira ko kayo ng babaeng yun!" Agad na lumabas si Maxine sa pumasok sa bahay nito.

Naihampas nalang ni Joshua ang kamay sa manubela.

Mabilis niyang minaneho ang sasakyan pauwi sa bahay niya. Pinasok niya ulit ang sasakyan sa garahe pare hindi muna siya pumasok sa bahay at nilagay ang ulo sa manubela.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now