Chapter 9

83 7 6
                                    

Chapter 9

ISANG malakas na katok ang narinig ni Kateliane mula sa labas ng kuwarto niya.

"Hoy! Besty! Wala kabang balak lumabas dyan? Maghapon kanang natutulog dyan sa loob ng kuwarto mo!" Bahagyang nilingon ni Kateliane ang pinto kung san narinig ang boses ng kaibigan. At hinila papunta sa may bandang dibdib niya ang kumot. Hanggang hinila niya yun patakip sa kanyang mukha. At muling binalikan ang mga alaala na hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isipan niya.

Hindi niya maipaliwanag ang mga nangyari at kung paano nalaman ni Joshua ang sekretong, walang ibang nakaalam kong hindi siya lamang. Hindi siya pinatulog ng ilang araw sa mga salita na binitawan ni Joshua. Marahas na inalis ni Kateliane ang kumot na tumatakip sa katawan niya at marahas na bumangon. Napalingon siya sa may pinto ng bumungad sa kanya ang kaibigan na si Xiamara.

Nakakunot ang mga noo nito at inirapan siya ng makita nito ang itsura niya.

"Mabuti naman at may balak ka palang bumangon. Akala ko kasi nalunod kana dito sa kuwarto mo. Kumain kana at lalamig na ang pagkain" Umirap muna ito bago sinara ang pinto. Naiwan naman si Kateliane sa loob ng kuwarto niya at nakatulala sa pinto na nilabasan ni Xiamara.

Bumuntong hinga nalang si Kateliane at pinilit ang sarili na magpunta sa banyo para makaligo na at ayusin ang sarili.

Pagkatapos maligo ni Kateliane at mag-ayos ay pinuntahan niya si Xiamara sa kusina. Pero, natigil siya sa pagpasok ng kusina ng makitang may lalaki nakatayo sa may lababo at nakikipag-usap kay Xiamara.

"Baka naman may ginawa ka kaya nagalit siya sayo?" Masama ang tingin ni Xiamara kay Joshua habang magka-usap ang dalawa.

"Grabe ka naman! Kapag may ginawa ako. Siguradong papatayin ako non" Habang pinapakinggan niya ang dalawa ay mas lalo lamang siyang naguluhan sa nararamdaman niya. Tatalikod na sana siya ng tawagin siya ng kaibigan.

"Besty! Pumasok ka na nga rito. Nandito ang pangit na manliligaw mo"

"Makapangit ka naman sakin! Baka maniwala pa yan eh" pumihit paharap si Kateliane sa dalawa at tuloy-tuloy ang pagpasok nito sa kusina. Dumeretso na siya sa mesa at hindi na nilingon pa ang dalawa.

"Bakit parang masama yata ang mood ng kaibigan mo?" Narinig ni Kateliane na sabi ni Joshua kay Xiamara. 

Sumandok na siya ng kanin at nabitin ang kamay sa ere ng nilagyan ni Joshua ng Ulam ang pinggan niya.

"Kain kana. Niluto ko yan para sa'yo kaya masarap!" Binaba niya ang kamay na may hawak ng kutsara. Pagkatapos ay tiningnan si Joshua na nakangiti sa kanya.

Nakagat nalang ng labi si Kateliane dahil walang siyang nakikita ano mang bakas sa mga emosyon ni Joshua. Gusto niyang makakita ng kahit ano.

"Baka matunaw naman ako nyan?" Narinig niyang umubo si Xiamara sa likod niya. Tumawa ng mahina si Joshua.

"Aalis muna ako, baka kasi estorbo pa ako ako sa inyo. Bye!" Nang lingunin niya ang kaibigan ay nasa pinto na ito ng kusina.

Nang makaalis ang kaibigan ay nabalot ng katahimikan ang buong hapag kainan. Napatingin siya kay Joshua ng hilahin nito ang upuan na nasa harap at naupo roon.

"So? Let's eat?" Kumuha na ito ng sariling pagkain.

"Wag kang magpanggap na walang alam" Madiin na sabi ni Kateliane. Nag-angat ng tingin sa kanya si Joshua.

"Hmm?" Nagtatanong ang mga mata nito. Humigpit ang hawak ni Kateliane sa hawak na kutsara.

"Kung alam mo na pala, bakit ka nandito ngayon? Bakit mo ako ginugulo?!" Binaba ni Joshua ang hawak na kutsara at sinandal ang likod sa upuan.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now