Chapter 2

139 17 15
                                    


Chapter 2

NATUTUWA si Kateliane ng makitang masaya na ang kaibigan habang kasama ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon. Sana lang talaga ay hindi na ito saktan pa ng taong pinili nitong mahalin ngayon.

At masaya rin siya ng makauwi na ang kaibigan. Namiss niya ito, balak niya ngayong magsimba. Kasama niya sana ang kaibigan na si Xiamara. Pero, kasama nito ang boyfriend at ayaw niyang maging sagabal sa kasiyahan ng kaibigan kaya mas pinili na lamang niyang mag-isang mag simba.

Nakasakay siya sa sasakyan at naghahanap ng lugar na pwede niyang paradahan.

Nang makahanap ay agad siyang pumarada at lumabas para. Makahabol sa alas dyes na simba. Nang makapasok siya sa simbahan ay napagpasyahan niya na sa bandang likod. Maupo kong saan wala masyadong tao.

Lumuhod siya at nagdasal. Pagkatapos magdasal ay umupo na siya.

"Destiny talaga," nilingon niya ang katabi ng makita ang lalaking. Ayaw na ayaw niyang makita.

"Why are you here?" Ngumiti si Joshua sa kanya.

"Syempre magdarasal ako na maging tayo" Sinamaan niya ito ng tingin.

"Sinusundan mo ba ako?" Mahina niyang sabi pero, madiin yun.

"Hindi na kita kailangan sundan, ang tadhana na ang magtatagpo sa atin" pinakalma ni Kateliane ang sarili. Kahit naiinis siya sa presensya ng lalaki ay naalala pa rin niyang nasa loob siya ng simbahan. Kaya huminga siya ng malalim.

"Iwan ko sayo," tumayo siya at lumipat ng upuan para iwasan ang lalaki. Pero, Kahit lumipat na siya ay nakasunod pa rin si Joshua sa kanya.

"Ano ba! Hindi ka ba talaga titigil!" Ngiti na naman ang sinagot ni Joshua sa kanya.

Humarap na lang siya sa harap at nagdasal na hindi sana maputol ang pisi ng pasensya niya sa lalaking nasa tabi niya.

"Alam mo ang ganda ganda mo pag-naiinis ka," Pinukol niya ng masamang tingin si Joshua. Pero, Nag finger hearts lang ito sa kanya.

Hanggang sa magsimula ang simba. Tsaka lang natigil si Joshua sa kakulitan sa kanya.

Lumuhod si Joshua at dasal. Ganon din ang ginawa ni Kate.

"Lord, Thank you for granting my prayer. Sana lang lord. Mainlove rin siya sakin at hindi na niya ako sungitan. Kasi naman lord parang palagi siyang galit sa akin. Tapos lord, Ang cute niya kaya kapag lumulubo ang pisngi niya sa inis." Gustong tadyakan ni Kate si Joshua dahil sa dasal nito. At naririnig niya. Hindi niya alam kong nagbibiro ba ito o kung totoo ba talaga itong nagdarasal. Ang alam lang niya ay hindi siya makapag-focus sa pagdarasal dahil sa naririnig niya.

"Lord, Sana naman mainlove rin siya sa akin--"

"Can you just pray on your own? Hindi yong ang ingay-ingay mo." Hindi mapigilang puna ni Kate habang nakaluhod din.

"Gusto ko kasing ipaalam sa taas na pinagdadasal ko na maging mabait kana sakin." Kate just glare at Joshua.

Pinagdikit naman ni Joshua ang mga labi at umaktong sini-zipper ito.

PAGKATAPOS ng simba ay agad lumabas si Kate. Para makaiwas na kay Joshua. Wala kasi siyang magawa kong di mainis kay Joshua.

"Wait up---"

"Stay away from me! Bakit ba palagi kitang nakikita? Can you just disappear!" Umiling si Joshua.

"I can't just disappear,  Just like I told you. I don't even know that you are here. Maybe this a sign that we are meant to be" Lumukot agad ang mukha ni Kateliane

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now