chapter 34

19 3 0
                                    

Chapter 34

PAREHO silang nakatingin ng ama niya sa magandang tanawin sa baba. Pinatawag siya ng daddy niya at gusto siyang kausapin nito. Nong una ay nagdadalawang isip pa siya. Pero, Gusto rin naman niyang kausapin ang ama.

"Napakagandang tanawin hindi ba?" Tinanaw niya rin ang malaking kalupaan na natatanaw niya. Nasa may ibabaw sila at tanaw mula sa kinatatayuan nila ang lungsod.

"Anong ginagawa natin dito dad?" Tinanggay ng hangin ang buhok niya ng humangin ng malakas.

"Lahat ng lupain na kikita mo ay sa'yo" kumunot ang noo na napatingin siya sa ama.

"What?"  Sa unang beses ay ngumiti sa kanya ang ama.

"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina" Sa halip na sumagot ay yun ang sinabi ng ama niya. Kaya naman binalingan niya ang paningin sa ibang direksyon.

"What is this about Dad"

"Kasal na ako non sa mommy Leslie mo." Muli niyang binaling ang tingin sa ama na nakatingin sa malayo na para bang inaalala ang lahat ng mga bagay" Si Diana ang Mama mo ay may gusto na sa akin simula pa nang high school kami. Lagi siyang nakasunod sa akin. Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako. Pero, hindi ko siya mahal at si Leslie ang laman ng puso ko. Hindi siya nakinig sa'kin. Hanggang sa magkolehiyo kami. Akala ko ay titigil na siya kinaibigan niya si Leslie at maging ako ay naging kaibigan niya rin. Pinagkatiwalaan ko siya sa lahat. Tinuring ko siyang kapatid labas masok sa bahay ko. Hanggang sa magpakasal kami ng mommy Leslie mo at ipinanganak si Jin" Bumuntong hinga ang daddy niya.

"Umalis si Diana at hindi ko na siya nakita pa. Ilang taon ang lumipas at may naging malaking away kami ng mommy Leslie mo. Umalis sila kasama si Jin papuntang Australia. Naglasing ako no'n. Walang tigil nasaisip ko no'n hindi na babalik si Leslie sa buhay ko. Dumating si Diana sa bahay habang lasing ako may nangyari saming dalawa. Gusto ni Diana na hiwalayan ko si Leslie pero mahal ko ang mommy mo. Kaya umalis ako at iniwan siya dito sa Pilipinas nagpunta ako ng Australia at nakipag-ayos sa mommy mo. Bumalik kami ulit ng Pilipinas pagkatapos ng sampung taon. At dumating ang Mama mo. Sabi niya sa'kin may anak ako sa kanya at ikaw yun. Hindi ako naniniwala sa kanya, isang araw nalaman ko na nagpakamatay ang Mama mo. Walang araw na hindi ko sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Hinanap kita... Pero, hindi kita kayang makita. Nakikita ko sa mukha mo ang mukha ng Mama mo. Pero, pinilit kang kunin ni Leslie. Pero, hindi kita kayang tingnan. Nakikita ko sa'yo ang pagkakamali ko." Nag-iwas ng tingin si Joshua. Ngayon alam na niya kong bakit kahit kailan ay hindi niya maramdaman ang pagmamahal ng ama niya.

"Pero, naisip mo rin ba dad na hindi ko ginusto na maging pagkakamali mo?" Hindi niya napigilan at lumabas 'yun sa bibig niya.

"Kaya humihingi ako ng tawad sa'yo, Patawarin mo ako kong binaling ko sa'yo lahat ng pagsisi ko. Dahil sa'kin hindi naging maganda ang naging buhay mo. Patawarin mo ako anak" nakagat ni Joshua ang labi dahil sunod sunod ang pagtulo ng luha niya. Ilang taon niyang hinangad na marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig ngayon ng ama niya. Ilang taon niyang sinikap na makita ng ama niya at ngayon ay nasa harap niya at humihingi ng tawad ito.

Napaluhod siya at umiiyak, halo-halo na pakiramdam ang sabay-sabay na nararamdaman niya ngayon.

"Patawarin mo ako kong naging madamot ako sa'yo. Kung naging makasarili ako at hindi ko iniisip ang nararamdaman mo." Tumayo siya at niyakap ang ama. Para siyang bata ngayon sa bisig ng ama niya. Pareho silang umiiyak." Pangako aayusin ko na ang lahat, anak." Tumango siya tinapik ng ama niya ang balikat niya.

Nagpunas siya ng luha at inayos ang tayo.

"Alam kong mabuting tao ang Mama mo. Pero, sadyang hindi ko siya minahal na higit pa sa gusto niya. Mahal ko siya bilang kaibigan wala nang hihigit pa roon." Tumango siya.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon