chapter 36

19 3 0
                                    

Chapter 36

WALA siyang narinig na salita mula ng dumating sila sa bahay ng Papa niya. Pumunta agad si Joshua sa likod ng bahay kong saan naroon ang Papa niya tiningnan ang mga alaga nitong manok.

Nakita niya kong paano nainis si Joshua sa sinabi ni Ronnie na pupunta ito sa bahay nila.

Tumabi siya kay Joshua at niyakap ang braso nito.

"Baby, galit ka ba?" Umiling si Joshua."Bakit ang tahimik mo?"

"Naayos na pala ang tubig" Tiningnan niya ang ama na natawa lang. Pagkatapos nilang mag-igib ay may tubig na pala?

"Pwede na ba akong maligo? Nanlalagkit na kasi ako eh" Umalis si Joshua at nagpunta sa sasakyan. Kinuha niya ang susi at binuksan ang sasakyan.

"Hoy! Galit ka ba?" Bumuntong hinga si Joshua at tumingin sa kanya.

"I never been jealous to anyone, even with my brother baby. I hate this feeling" Napangiti siya at  tumitig kay Joshua na nakakunot parin ang noo.

"Nagseselos ka?" Kinagat niya ang labi ng mas lalong nagsalubong ang kilay ni Joshua.

"I'm going to take a shower, please" Kinuha na nito ang damit at sinara ang sasakyan.

Sinamahan niya ito sa kuwarto niya, naka upo lang siya sa kama habang hinihintay si Joshua na lumabas. Nang bumukas ang pinto ay siya naman ang kumuha ng damit at pumasok ng banyo.

Naglinis siya ng katawan at lumabas na rin ng banyo nakita niya pa si Joshua na nakahiga sa kama niya. Mukhang napagod ito sa ginagawa buong maghapon. Nang tinignan niya ang relo ay mag-aalas dos na pala ng hapon. Hinayaan niya nalang na magpahinga ito at bumaba na siya para magkapagluto ng pagkain nila.

Nagluto lang siya ng pritong tilapia at gulay. Nang matapos ay umakyat ulit siya sa kuwarto kung saan na tutulog ang boyfriend niya.

Napangiti siya ng makitang tulog na tulog si Joshua.

Hinawakan niya ang kamay nito at may nakitang sugat sa kamay nito. Kumuha siya ng ointment para sa mga sugat nito.

Hinaplos niya ang mukha nito na mukhang pagod na pagod. At napangiti siya dahil kahit alam ng pagod na ito ay wala itong naging reklamo.

Hindi naman ito sanay sa mga ganoong trabaho , lalong lalo na ang pagsisibak ng kahoy.

Hinalikan niya ang kamay nito na walang kasing lambot. Pero, gumagawa ng mga bagay hindi naman nito nakasanayan.

Nang lingunin niya ang mukha ni joshua ay gising na ito at nakatingin sa kanya.

"Gutom kana?" Hindi ito nagsalita at tumingin lang sa mga mata niya.

"I want to kiss you" Natawa siya at ngumoso. Kaya naman natawa si Joshua.

"Sige na halikan mo na ako dahil good boy ka ngayon" bumangon si Joshua at hinaplos ang buhok niya.

"But, I want more than a kiss" Halos pa bulong na sabi nito.

"Tumigil ka dahil nandyan ang Papa ko. Masyado kang ano dyan. Ayaw mo nang kiss di bumaba na tayo" Hinila na niya si Joshua kaya wala na rin itong nagawa. Naabutan nila ang ama na nasa hapag-kainan na.

Naupo silang dalawang ni Joshua ng makatabi. Nilagyan niya na rin ng kanin ang plato ni Joshua. Nilagay niya ang tilapia sa plato ni Joshua.

"Aba'y alangang alaga mo ang boyfriend mong ito ano?" Napalingon siya sa ama.

"Gano'n din naman po siya sa akin eh" Nakita niyang napangiti ang ama dahil sa sinabi niya.

"Mabuti naman kong gano'n. 'yang anak ko ay mahal na mahal ko at hindi ko basta-basta binibigay sa iba. Pero, sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan kita. Kaya naman ibibigay ko sa'yo ang anak ko" Umawang ang sabi ng ama niya kay Joshua.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon