chapter 30

25 3 0
                                    

Chapter 30

UMAWANG ang labi ni Kateliane ng pumasok siya sa café at punong puno ng bulaklak ang buong lugar!

"Anong nangyari?" Sabi ni sa kaibigan na si Xiamara.

"Pinadala yan ng boyfriend mo, dahil anniversary nyo daw. Kaya naman sobrang bango ng BESTIES ngayon." Binigay sa kanya ng kaibigan ang isang bungkos ng bulaklak iba't-ibang kulay ng roses. May note na nakalagay kaya naman binasa niya yun kaagad.

To my beautiful baby,

Happy anniversary! I love you so much! I hope you enjoy my surprise for you. See you later.

From your handsome baby,

"Ang sweet naman, parang di magkaaway dati ah?" Natatawang sabi ni Xiamara. Iniwan siya ng kaibigan para asikasuhin ang mga customer. Kaya naman nilagay niya ang bulaklak sa office nila at pinagpatuloy ang trabaho nila.

Dumating ang lunch nang biglang pumasok sa café nila at may dalang lunch para sa kanilang lahat.

Kaya naman masaya nila yung pinagsaluhan.

"Wala Ka bang pasok sa work mo?" Sinubuan siya ng pagkain ni Joshua.

"Meron, babalik pa ako sa office pagkatapos nito. Pero, Gusto kita makasama mag lunch. Kumain kapa" tumango lang si Kateliane.

"Kumain ka rin. Alam kong marami kana naman tatapusin na trabaho." Hawak ni Joshua ang bewang niya. Ang isang kamay naman ay sinusubuan siya.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa'yo? " Tiningnan niya ang mga bulaklak na naka pwesto sa iba't-ibang bahagi ng café.

"Oo,  salamat! Ang bango tuloy ng café ngayon dahil sa mga bulaklak na pinadala mo." Nangalumbaba si Joshua at tinitigan siya.

"I want to give you everything" kinurot niya ang ilong ni Joshua. Kaya napangiwi ito.

"Okay lang naman sakin. Kong wag mong ibigay sa'kin lahat. Ikaw lang sapat na sa'kin" Napakamot si Joshua sa batok at kinagat at lage.

"You really now how to sweet talk me. Those sweet tongue of yours..." Hinaplos ni Joshua ang mukha niya kaya naman hindi niya napigilan ang titigan ito sa mukha at napadaan sa kilay nito. Pinasadahan niya yun ng kamay niya.

"Parang walang tao rito ano?" Sabi ni Xiamara at hinampas ng malakas ang mesa kaya nagulat silang dalawa .

"Tawagan mo si Shone. Para may maglambing din sa'yo! Ingit kalang eh" Sabi ni Joshua at nakatitig parin sila sa isa't isa.

"Sige, Umalis kana. May trabaho kapa eh" Napanguso si Joshua sa kanya.

"Ayaw ko nalang yata umalis. Bahala na si Clint don"

"Hindi yun, pwede mapagalitan kana naman ng daddy mo." Mas lalong lumungkot ang mukha nito.

"Sige, binilisan ko lang para naman makabalik ako kaagad okay?" Tumango siya at hinatid niya ito sa labas.

Pumasok na siya agad sa café para tulungan ang mga kasama niya na asikasuhin ang mga customer nila.

Umabot sila ng 10pm at isasara na nila ang café. Pero, naghihintay pa rin siya kay Joshua sa isang table. Sinundo na rin ni Shone si Xiamara kaya naman siya nalang mag-isa ang naroon sa café.

Tinawagan na rin niya si Joshua. Pero, hindi ito sumagot. Napangiti nalang siya dahil alam niya may hinanda sa kanya si Joshua kaya naman hindi pa ito dumating ngayon. Nakagat nalang niya ang labi dahil sa sobrang excited. Naalala niya ang ginawa nito ng umaga. Pinuntahan pa talaga siya para lang batiin ng happy anniversary.


Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now