chapter 19

39 3 0
                                    

Chapter 19

MAGHAPON nang nagtatrabaho si Kateliane pero hindi man lang mababakas sa mukha niya ang pagod.

"Besty! Bakit parang masyado ka naman yatang energetic ngayon? Magga-gabi pero, fresh parin?" Tumawa lang siya." Umamin ka nga sa'kin may nangyari ba?" Nginitian niya lang ang kaibigan.

"Wala naman? Bakit?" Hinampas siya sa balikat ng kaibigan, kaya naman napangiwi siya at sinamaan ito ng mukha.

"Wala pa ba yan? Hindi ka ganyan eh!" Tinamaan din siya ng tingin ng kaibigan.

"Kami na ni Joshua" umawang ang labi ng kaibigan at hinawakan siya sa balikat at inalog siya. "Aray! Ano ba! Besty naman" Mahina niya rin pinalo ang kaibigan.

"Congrats! Sa wakas may boyfriend kana!" Pinagpatuloy lang niya ang pagpupunas nakasunod naman sa kanya ang kaibigan." Panigurado sobrang saya ni Joshua dahil sa wakas napa oo  kana niya." Napangiti nalang siya ng maisip ang mukha ng makulit na yun'. Sobrang saya niya rin nama ng hindi na pinigilan ang sarili mula sa nararamdaman. Napalingon silang dalawa ni Xiamara ng tumunog ang bell sinyales na may pumasok.

"Good evening--" natigilan siya ng pumasok ang lalaking hindi niya ine-expect na pupunta rito.

"Hi good evening! Flowers for you--"

"Anong ginagawa mo rito? Diba nakapag-usap na tayo?" Nilingon niya ang kaibigan at mga kasama niya sa trabaho. Bumuntong hinga nalang siya at lumabas ng coffee shop nila. Nakasunod parin sa kanya ang lalaki.

"I'm here to take you back" Hinawakan siya nito sa braso. Pero, agad niyang hinila ang braso at  sinamaan ito ng tingin.

"Diba sinabi ko sa'yo na hindi na ako babalik? Tapos na ang lahat sa atin! Ano pa ba ang hindi mo maintindihan don?" Bumuntong hinga ang kausap at nakagat ang sariling labi.

"Kateliane, ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi kana babalik! But, I still love you.  Please naman bigyan mo lang ako ng kaunting oras para. Ipaalala sa'yo kung gaano tayo nagmahalan dati. Please naman" Tangka siya nitong hahawakan ulit ngunit umatras siya.

"Please! Jin. Wag naman tayong humantong sa punto na inis nalang ang mararamdaman ko sa'yo  nagsasawa na ako sa kakapaliwanag sa'yo. Please naman tigilan mo na ako" Titigan niya ito at nakatitig din ito sa kanya. Nagmamakaawa ang mukha nito.

"Ako hindi nagsasawa? Sawa na rin naman akong magmukhang tanga kakapunta sa'yo. Kaya lang mahal kita, isang pagkakataon lang naman ang hinihiling ko sa'yo eh" pilit inaabot ni Jin ang kamay ni Kateliane. Pero, umatras lang siya. Hanggang bumangga siya at napatingala nalang siya ng may humawak sa balikat niya.

"Brother, do you understand the word no?" Dumilim ang mukha ni Jin ng makita si Joshua. Hinalikan ni Joshua ang sentido ni Kateliane at pagkatapos ay tiningnan ang kapatid. 

"You don't know anything! So stop talking!" Pinagmasdan ni Kateliane si Joshua kaya nakita niya kung paano nagdilim ang expression ng mukha nito kaya naman hinawakan niya ang kamay nito. Nagbaba ito ng tingin sa kanya at nginitian siya ng kaunti.

"Of course I Know everything, when I say everything... You know what I mean. Stop messing with my girlfriend. She's mine" Hinila siya ni Joshua papasok sa loob ng restaurant. Lingon niya si Jin at nakatiim ang bagang nito at masama ang tingin kay Joshua. Binalik niya ang paningin sa kamay ni Joshua na mahigpit ang hawak sa kamay niya.

Hinila siya ni Joshua papasok sa office nila at sinara ang pinto. Binitiwan nito ang kamay niya at bumuntong hinga. Hindi niya alam ang sasabihin kaya hindi na siya ng tangkang magsalita.

"Bakit ang tigas ng ulo ng lalaking yun?" Wala sa sariling sabi ni Joshua.

"I'm sorry, hindi ko alam na babalik na naman siya rito" bumuntong hininga rin siya. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling magalit si Joshua sa kanya. Naibaba niya ang ulo at wala sa sariling kinutkot ang mga kuko. 

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon