chapter 26

27 3 0
                                    

Chapter 26

"Wala kana bang matino sa buhay mo?" Maaga pa lang at Napahilot sa sentido si Joshua dahil sa inis na nararamdaman.

"Mom, please. Masakit ang ulo ko--"

"Ako ba hindi? Hindi ka nakikinig sa'kin" Bumuntong hinga siya.

"Mommy Leslie, I love her." Sabi niya habang nakatingin sa mata ng ina niya.

"Wala akong sinabi sa'yo na hindi ka magmahal. Pero, anak wag naman sa kabit ng kuya mo!" Tumayo siya at inalalayan ang ina sa sofa.

"Mom naman, diba ang puso wala naman pinili kong sino ang mahalin? Ako nga minahal mo bilang anak kahit pa anak ako ng kabit ni dad" sinamaan siya ng tingin ng ina.

"At talagang dinadaan mo ako sa ganyan?" Niyakap niya ang ina.

Ang mommy Leslie lang naman niya ang naging rason kong bakit kahit pa basura ang trato sa kanya ng kapatid at ama ay nanatili siya. Ang mommy Leslie niya ang kumuha sa kanya sa bahay ampunan. Matapos magpakamatay ang totoo niyang ina.

Ito ang nagpuna ng lahat ng mga bahay na dapat ang ama niya ang gumawa.

"Mommy naman" nakanguso niyang sabi.

"Hay! Iwan ko sa inyong magkapatid. Bakit kayo nahuhulog sa babae na yun. She's a slut!" Binitawan niya ang ina at hinarap sa kanya.

"She's not mom, I'm her first---"

"At talaga naman! You should be responsible for her first!" Natawa siya sa sinabi ng ina." At talagang tatawa kapa!" Pinalo siya sa braso ng ina.

"Kaya nga hayaan mo na kaming mahalin ko siya  mahal na mahal ko siya mom" Tinitigan siya ang ina.

"How about your brother? Alam mo na mahal niya rin ang babaeng yun" pinag-cross niya ang braso.

"Hindi naman na importante yun kasi hindi na niya mahal si kuya--"

"Importante yun! You should your brother feelings. You get me?" Tumango siya, alam naman niya yun. Bumuntong hinga siya.

"Yeah, You want to meet her mom?" Inirapan siya ng ina.

"You should fix your conflict with your dad and brother before I will meet her" Niyakap niya ang ina.

"Thank you mom! Alam ko magkakasundo kayo dahil magaling din siya mag bake!"

"Really?" May excitement sa boses ni Mommy Leslie.

"Yes! Alam mo may café siya. Diba mahilig kayo sa kape. Alam ko magugustuhan mo talaga siya kapag na meet mo siya mom" Hinawakan ni mommy Leslie ang kamay ni Joshua.

"If you really love her, then you have a fix everything. I have to go my gagawin pa ako. Bye" humalik siya sa pisngi ng ina bago ito lumabas ng office niya.

Pagkalabas nito ay pumasok naman ang kuya niya.

"Nagpapaawa kana naman kay mommy?" Ngumiti siya sa kapatid.

"Hindi ko na kailangan gawin yun" Pumunta siya sa coffee maker at gumawa ng dalawang kape. Pinatong niya ang isa sa center table ang isa naman ay dinala niya sa table niya at naupo sa swivel chair niya.

"I want Kateliane back!" Tumalim lang ang tingin niya sa kapatid.

"She's not a toy! Na kapag ginusto mo ay kukunin mo" uminom siya ng kape dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya dahil sa inis sa kuya niya.

"She's mine!" Sigaw ng kuya niya.

"You act like a kid, hindi mo siya pag-aari at kahit kailan ay hindi ko hahayaang mapunta pa siya sa'yo. Dahil sa'yo naging kabit siya. Kaya wag na wag mo nang lapitan ang girlfriend ko" Tumawa ng mapakla ang kuya niya.

Bitter Sweet(Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora