Chapter 17

49 3 0
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURED SCENES

Chapter 17

Words are to powerful that it can break someone's heart or make.

"Mahal mo ako?" Hindi naka sagot at basta nalang tumalikod. Ano nga ba ang sasabihin niya? Hindi niya alam kung dapat ba siyang umamin dahil buko na naman siya nito. Basta nalang niya pinunasan ang mga luha sa mata.

"Narinig mo naman pala eh" mahinang sabi ni Kateliane, wala na rin naman siyang magagawa kaya mas mabuti pa siguro ay aminin na niya ang lahat kay Joshua. Wala ng dahilan para itago pa niya ang nararamdaman. Buo na ang desisyon niya para aminin ang totoo.

"I guess, I'm lucky." Halos napaatras siya ng bigla nalang siya nitong yakapin. Napangiti nalang si Kateliane.

"Lucky ka dyan. Wala naman akong sinabing iba sa'yo ah. Pero, naiinis parin ako dahil sa ginawa mo" nagmamaktol na sa sabi ni Kateliane. Narinig niya ito bahagyang natawa at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Tayo nalang kaya" mahina at seryosong sabi Joshua na kinatigil naman si Kateliane."sabi mo mahal mo ako... Pwedeng akin ka nalang? Ako nalang aalaga sa'yo?" Parang hindi makahinga si Kateliane at pakiramdam niya at bumilis ng sobra ang puso niya. Gusto niyang maiyak sa paraan ng makikiusap ni joshua sa kanya.

"A-aalagaan mo ba ako pagnagkataon na sagutin kita?" Nilagay ni Joshua ang isang kamay sa buhok ang hinaplos ito hinalikan siya nito sa noo, parang may kamay na humaplos sa puso niya.

"Hindi lang pag-aalaga ang kaya kong ibigay sa'yo... I can risk everything just for you" halos nanindigan ang balahibo sa katawan ni Kateliane ng ibulong iyon ni Joshua sa tenga niya.

"Bakit? Anong meron sa akin at ako ang napili mong magustuhan? Wala naman akong maibibigay sa'yo--" hindi na niya natapos ang pagsasalita ng basta na lamang sakupin ni Joshua ang mga labi niya. Naiharang niya ang mga kamay sa dibdib ni Joshua at itulak ang lalaki ngunit mas higpitan pa nito ang pagkakahawak sa batok niya at mas diniinan siya palapit dito.

Hindi niya alam kung gaano katagal ang naging halikan nila pero kusang gumalaw ang mga labi niya at kusang tinutugon ang mga halik nito. Ang kamay niyang nakaharang sa kanilang dalawa ay basta nalang niya hinawak sa damit ni Joshua ng mahigpit. Bumagal ang halik ni Joshua sa mga labi niya, hanggang sa maging dampi nalang ito. Habol ang hininga ng tuluyan ng taposin ni joshua ang halik.

Nakapikit si Joshua ng nilayo niya ang mukha rito. Siya naman ay pinagsawa ang mga mata sa kakatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi niya maipagkakaila kung gaano ka perpekto ang mukha ng kaharap. Sa ilang taon na hindi niya ito nakita ay masasabi niyang malaki ang pagbabago sa pangangatawan at maging sa mukha ni Joshua. Ang mga mata nitong mapaglaro kapag nagbibiro at tumatagos sa kaluluwa kapag tumitig ng seryoso.

Napatingala siya sa langit ng may mga butil ng tubig na bigla na lamang bumagsak sa mukha niya at bigla nalang lumakas yun'. Hindi sila kumilos dalawa ni joshua kahit pa nababasa na ang mukha niya ay hinayaan lamang niya iyon. Nakapikit na siya habang ninanamnam ang pagpatak ng ulan. Naramdaman niyang hapitin ulit ni joshua ang bewang niya at naramdaman niya ulit ang mga labi nito sa labi niya. Nakapikit parin siyang tinutugon ang bawat halik nito sa kanya. Nilagay niya ang mga braso sa batok nito at mas lalong hinapit naman ni Joshua ang bewang ni Kateliane. Naghahalikan sila sa gitna ng ulan at walang pakialaman kung may makakakita man sa kanilang dalawa. Ang mahalaga ang nararamdaman nila sa isa't-isa.

Unang bumitaw si Joshua at niyakap siya nito ng mahigpit at siniksik ang mukha sa leeg niya kahit pa nahihirapan ito sa pagkakayuko sa kanya.

"I love you kate... It made me crazy" halos bulong ng sabi ni Joshua sa kanya. May lumabas ng luha sa mga mata ni Kateliane habang ninanamnam ang marasap na pakiramdam mula sa narinig niyang sinabi ni Joshua.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon