Chapter 5

105 9 10
                                    

Chapter 5

SAKIT ng katawan ang inabot ni Joshua kay Kateliane hindi niya akalain na ganoon pala ka pilya ang babae na 'yun.

Halos hindi siya makabangon dahil sa sakit ng katawan. Ilang araw din siyang hindi nakapasok dahil nakahiga lang siya sa kama niya. Pinilit ni Joshua na umalis sa kama niya kahit medyo sumasakit parin ang balakang niya.

Pumasok siya ng banyo at tumayo sa tapat ng shower.

Agad niyang binuksan ang shower at ninamnam ang lamig ng tubig na tumatama sa ulo niya. Umaasa na sana ay mawala ang sakit ng katawan niya.

"Ang naughty talaga," Nakangiting sabi ni Joshua habang pumapasok sa utak niya si Kateliane. Pagkatapos maligo at ayusin ang sarili ay handa na siyang pumasok sa trabaho.

Habang nagmamaneho ay nagpatugtog si Joshua sa kotse niya.

Inaalala ang mga gagawin niya ngayong araw. Gustong-gusto niyang magtrabaho dahil umaandar ang utak niya. Gusto niya rin sana makasama ang mga kaibigan niya. Kaya lang marami pa siyang tatapusin na trabaho. He maybe happy go lucky kind of man. Pero, ayaw naman niyang iniiwan ang trabaho sa iba. Kahit kumukopya lang siya noong college sa mga kaibigan. Pero, ngayon alam na niya na may responsibilidad siya sa mga tao sa kompanya na hawak niya. At magreklamo na naman ang secretary niya.

Pagdating sa kompanya niya, malaking ngiti agad ang bati niya sa mga taong nagtatarabaho para sa kanya.

"Good morning boss!" Masiglang salubong sa kanya ng secretary na si Clint tatlong taon na niya itong secretary at masasabi niyang magaling ito at naging kaibigan na rin niya sa mga nagdaan na taon.

"Bakit maganda ang umaga Clint?" Tanong niya habang naglalakad papuntang elevator.

"Kasi mas lalo kayong guma-gwapo boss!" Huminto siya at hinawakan ang balikat ng secretary niya.

"You learn fast! Ang talino mo talaga mana ka sakin" Sumimangot naman ang secretary niya.

"Boss, ako nga gumagawa ng mga report nyo minsan" Agad na gumalaw si Joshua at tinakpan ang bibig ng secretary niya.

"Ang ingay mo talaga, Baka sabihin nila nagpapabaya baya ako. Ilang beses lang naman 'yun hindi mo pa talaga makalimutan?!" Sinamaan niya ng tingin ang secretary. Habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bunganga nito.

"Hindi ako makahinga boss!" Agad na binitawan ang secretary na naghahabol ng hininga.

"Hindi kapa mamamatay! Mas marami ka pa nga mga date kaysa sakin" Sinimangutan niya ang secretary at naunang pumasok sa kakabukas lang na pinto ng elevator. Agad naman sumunod sa kanya ang secretary.

"Boss naman, Hindi na nga ako nakakalabas dahil palagi kayong may pinapagawa sakin--"

"So, You are complaining now?" Agad naman na mabilis umiling ang secretary niya.

"Hindi boss! Gusto ko nga ganito maraming trabaho" Mahinang sinuntok ni Joshua ang balikat ng secretary.

"Just kidding, Don't worry bibigyan kitang bunos at isang linggong break. Magbabakasyon kasi ako" Namilog ang mata ng secretary ni Joshua na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"T-talaga boss!" Halos mag ningning ang mata ng secretary ni Joshua habang nakatingin sa kanya.

"Woah! Stop it will you?" Napaatras si Joshua ng mas lumapit pa ito sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa amo."If you keep doing this, I might cancel your vacation"Agad na distansya ang secretary na si Clint.

"Boss, Wag kayo magbiro ng ganyan nagpa-plano na ako para sa date namin ng palangga ko." Tumabingi lang ang ulo ni Joshua para tingnan ang secretary at napailing. Sakto naman na bumukas ang pinto ng elevator. Naunang lumabas ang secretary ni Joshua bitbit ang mga gamit niya.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now