Chapter 14

69 3 0
                                    

Chapter 14

NAGISING si Joshua dahil sa isang malakas na kalabog.

"Ito lang pala ginagawa mo kaya hindi ka pumasok" nagmulat ng mata si Joshua ng kaunti pagtapos ay bumalik ulit sa pagtalukbong ng kumot.

"Five minutes Dad.." Pero, nagulat nalang siya ng may humablot sa kumot niya kaya agad siyang napabangon. Magulo pa ang buhok niya at sobrang inaantok. Kaya naman naihilamos niya ang kamay sa mukha.

"Prepare your self and let's talk" Yun lang sinabi ng ama niya at umalis ng kuwarto niya. Binagsak niya ang katawan sa kama.

Inaantok pa talaga siya. Pero, alam niyang mas sasakit lang lalo ang ulo niya kapag hindi pa siya naligo.

Kaya pinilit niya ang sarili na magpunta sa banyo at ayusin ang sarili.

Naabutan niya ang ama na nakaupo sa sala at humihigop ng kape. pupunta na sana siyang kusina ng magsalita ang Papa niya.

"What's wrong with you?" Nilingon niya ito at seryoso itong nakatingin sa kanya."Alam mong nagbalik na ang kapatid mo diba. Gusto ko dito siya tumira sa'yo" Doon na humarap si Joshua sa Ama.

"No, Dad. Hindi yun pwede--"

"He's here already" Napalingon siya ng magbukas ang pinto ng back door at nakita niyang nakangisi ang kapatid.

"I can't believe this" Hindi makapaniwalang sabi ni Joshua, dahil alam niyang may balak na naman ang kapatid niya na alam niyang magpapasakit lang ng ulo niya.

"Pumasok kana. Marami kapang gagawin sa opisina"Sabi ng Ama niya at tumayo na para lumabas.

Nagsukatan naman sila ng tingin ng kapatid niya. Nang mawala na ang ama nila ay naupo ang kapatid niya sa sofa at ngumisi sa kanya.

"I told you. Someday I get everything from you---"

"Childish..." Bulong ni Joshua at kinuha ang susi ng sasakyan naglakad na siya papuntang parking area niya at nakasunod naman ang Kuya niya.

"You know what? Life is really fair right?" Tumatawa pang sabi ni  Jin nakasunod ito sa kanya at nasa bulsa ang magkabilang kamay.

"Umalis kana lang kung saan mo gustong pumunta. Pwes yun lang naman ang kaya mong gawin." Pumasok si Joshua sa sasakyan niya at pinaharurot yun paalis. Humigpit ang hawak niya sa manubela.

Nag drive siya na siya papunta sa opisina niya. Alam naman kasi niyang wala na siyang nagagawa sa ama niya. Mas lalo lang nitong papaliitin ang mundo niya kapag pumalag pa siya.

Life is always not fair for him. But, who cares anyway.

Nagtrabaho siya buong maghapon at hindi namalayan na maggagabi na pala kung hindi pumasok ang secretary niya at nagpaalam na uuwi na.

Pero, hindi parin ito umaalis sa pinto at para bang may gusto pang sabihin. Kaya sinulyapan yun ni Joshua. Para itong malungkot at agad naman tumayo ng maayos ng makitang sinulyapan niya ito.

"What? Ano na namang problema mo sa'kin" Ngumiti lang ang secretary niya at nagkamot ng ulo.

"Ahmm... Kasi boss narinig ko ang Papa mo."

"Umalis ka na nga. I'm fine. Wag mo na akong problemahin pa" Sandaling sinulyapan siya ng secretary at unti-unting sinara ang pinto.

What a day. Sinandal niya ang likod sa upuan at tinignan ang orasan na nasa bisig niya. Mag-aalas dose na pala.

Tumayo na siya at kinuha ang susi ng sasakyan na nasa mesa niya.

Gusto niya munang maaliw ngayong gabi. Masyadong na siyang nagiging focus at ayaw niya sa pakiramdam na 'yun

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now