chapter 27

29 3 0
                                    

Chapter 27

MAGKATABI si Joshua at Shone na parehong nakakunot ang noo.

Papunta sila ngayon sa resort na pag-aari ni Kirsten. Para sa kanilang three days vacation trip. Nakasakay sila ng private plane na pag-aari ni Bryan. Pero, hindi niya katabi ang girlfriend. Kasama nito ang bestfriend na si Xiamara. Pangarap daw ng mga ito na magkatabi sa plane kapag nagbabakasyon silang dalawa. Kaya ang kinalabasan ay nakabusangot ang mga boyfriend nila.

"Kong alam ko lang na ganito. Ibang plane nalang ang sinakyan namin. Nakakainis!" Bulong ni Joshua tingnan ang girlfriend na halos mapunit ang bibig sa kakangiti kausap nito si Xiamara at nagtatawanan pa ang dalawa.

Isang oras silang babyahe gamit ang plane at dalawang oras naman gamit ang sasakyan. Bago marating ang resort. Kaya sobrang bored na ang nararamdaman niya at hindi rin siya makatulog dahil sa inis.

Bumuntong hinga nalang siya at binaling ang mata sa labas ng bintana kong saan tanaw niya ang mga puno at dagat.

Ang ganda sanang pagmasdan ang mga ito kapag katabi niya ang nobya.

"Do you need anything sir?" Nakangiting sabi ng stewardess sa kanila.

"Can I have some water, thank you" sabi niya at tiningnan niya si Kateliane at kumakain ang mga ito.

"How about you sir?" Baling nito kay Shone.

"No, Thank you" umalis na agad ang stewardess sa harap nila. 

Naglagay siya ng blind fold sa mata at pinilit ang sarili na matulog.

Nagising siya ng may tumapik sa balikat niya. Kaya naman tinanggal niya ang blind fold at nakita niya Shone na nag-aayos ng mga gamit nito.

"Let's go! Nauna na silang bumaba" tinignan niya ang upuan ng iba at wala na nga ang mga ito. Kaya naman kinuha na rin niya ang gamit nila at bumaba na.

May sasakyan na nakaabang sa kanila sa baba at nakasakay na rin ang iba. Pumasok siya sa sasakyan at nakitang magkatabi na naman si Xiamara at Kateliane.

"Dito ka" Tinapik ni Kateliane ang katabi nitong upuan. Agad din siyang pumasok at umupo sa tabi nito.

May mga tao nang kumuha ng mga gamit nila at pinasok sa ibang sasakyan. Pumasok na rin si Shone sa sasakyan at tumabi sa girlfriend nito.

Nasa likod nilang upuan si Nejla katabi ai Ford. Bryan katabi naman si Kirsten.

"Matutulog muna ako, inaantok pa ako eh" sabi ni Kateliane at hiniga ang ulo sa balikat niya.

Agad niya naman pinatong ang braso sa balikat nito.

"Natutulog ka ngayon. Tapos kanina ayaw mong tumabi sakin? Katabi mo yang bestfriend mo" maktol niya kaya natawa si Kateliane.

"Katabi mo naman ako ngayon. Kaya okay lang" niyakap ni Kateliane ang braso sa kanya.

Umandar na ang sasakyan kaya naman. Yumakap na siya kay Kateliane at natulog. 

Ilang oras pa ay naramdaman na niyang huminto ang sasakyan kaya naman tumingin siya sa labas at nakita ang magandang view ng dagat.

"Nandito na po tayo" Sabi ng driver at bumaba ja ito.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa mukha niya ang napakalinaw na dagat. Tinignan niya ang relo sa bisig at alas singko na pala mg hapon.

"Gutom na ako!" Malakas na sigaw narinig niyang umaangal ang mga kasama na nasasakyan.

Nagising yata sa sigaw niya.

"Nagpahanda na ako ng food natin. Kaya tara na sila ba bahala sa mga gamit natin.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon