Chapter 7

92 8 25
                                    


Chapter 7

PANAY ang sulyap Kateliane sa may pinto. Habang nagpupunas ng mesa. Pagkatapos niyang gawin 'yon. Pupunta na naman sana siya sa isa pang mesa ng humarang sa kanya ang kaibigan at nakangisi ito sa kanya.

"May hinihintay ka?" Sinimangutan niya ang kaibigan at tinulak ito para makadaan siya. "Wag mong sabihin na hinihintay mo si Josh--"

"Wag mo akong simulan ang aga-aga" Nakasunod pa rin si Xiamara sa likod ni Kateliane.

"Asus! Sige tangi pa! Hindi ka niya kinukulit kaya ka nagkakaganyan. Oh! Baka naman nagkakagusto ka na don? Tama ako no---"

"Besty! Ang kulit mo! Paano naman ako magkakagusto sa abno na yun?!" Umalis siya sa pagpupunas ng mesa at pumasok ng kusina para iwasan ang kaibigan dahil alam niyang aasarin na naman siya nito.

"I know it! You like him" Narinig niyang sabi ng kaibigan at nakasunod ito sa kanya. Binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig sa loob. Nang maisara niya ang pinto ng ref ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Xiamara na pinaningkitan siya ng mata.

"Ano ba! Uminom ang tao eh" Pinag-cross ni Xiamara ang mga braso sa dibdib at tinaasan si Kateliane ng kilay.

"Ano bang problema kung magkagusto ka sa kanya? Hindi na naman kayo mga bata." Seryosong sabi ni Xiamara. Humigpit ang hawak ni Kateliane sa hawak tubig. 

"Hindi... Hindi pwede at ayaw ko." Kumunot ang noo ni Xiamara dahil sa narinig mula sa kaibigan. 

"If you still think about Shone... Sa palagay ko naman hindi ganoon si Joshua. Hindi siya yung tipo ng lalaking iiwanan ka. Oo, makulit at pala biro--"

"Besty, hindi ganoon 'yon. I have my reason kaya ayaw ko kay Joshua." Tumalikod si Kateliane sa kaibigan at ininom ang hawak na tubig.

"Then, What? Hinayaan mo siyang manligaw sa'yo. Alam mo naman na umaasa yung tao diba? Sabi mo nga sa'kin dati. Dapat hindi tayo nagpapaasa ng tao" Pagkatapos uminom ng tubig ay hinarap niya ang kaibigan.

"Besty, Hinahayaan ko siya dahil alam mo naman kong gaano siya ka kulit. Hindi 'yon titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Mapapagod din yun. Maghahanap ng babaeng kayang ibigay sa kanya ang gusto niya. Baka challenge lang ang tingin niya sakin. Sa huli mapapagod din siya" Iniwan niya ang kaibigan sa kusina at lumabas ng café shop. Umupo siya sa may sulok na mesa.

Nilabas niya ang cellphone at naglaro nalang don.

Ayaw niyang isipin na pwedeng mangyari.

Buong araw ginugol ni Kateliane ang buong oras sa pagtatrabaho, sabay silang kumain ni Xiamara hanggang mag-gabi. At dahil may boyfriend naman ang kaibigan at may date ito ay mag-isa siyang umuwi ng condo. Pagdating sa condo niya ay binagsak niya ang sarili sa sofa at tinaas ang Paa.

Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang isang mensahe sa na nasa inbox niya.

Bumuntong hinga si Kateliane at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Hindi niya maiwasan na isipin ang na pag-usapan nila ng kaibigan na si Xiamara. Kung alam lang ng kaibigan kong anong dahilan niya kaya niya hindi masagot si Joshua.

Yumukom ang kamao ni Kateliane. 

Napagpasyahan niyang wag ng kumain at dumeretso sa shower para makapaglinis ng katawan. At natulog ng hindi na hinintay ang kaibigan. May sarili naman itong susi ng condo niya.

Kinaumagahan ay hindi na niya dinatnan ang kaibigan,pero may nakahain na na pagkain sa mesa. Na kasama ni Xiamara ang boyfriend. Kaya mag-isa na naman siyang kumain. Pagkatapos ay lumabas siya para mag jogging. Sinalampak niya ang airbuds sa tenga at lumabas. Maaga pa naman kaya hindi masyadong mainit ang araw sa labas.

Bitter Sweet(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant