Chapter 21

32 3 0
                                    


Chapter 21

BUMUNGAD kay Kateliane ang gwapong mukha ni Joshua. Napangiti siya ng pagmasdan ang mukha nito na parang baby kung matulog. Ilang beses na niya itong nakita sa umaga paggising pero. Hindi pa rin siya nagsasawa na titigan ang mukha nito.

"Siya ba ang boyfriend mo?" Balikwas siya sa pagkakahiga at agad tumayo at nakita ang ama na gising na at kumakain. Nasa kabilang sofa ang kaibigan na si Xiamara.

"Papa! Mabuti naman at gising na kayo" Agad siyang nagpunta sa tabi ng ama at hinawakan ang kamay nito.

"Okay na ako wag kanang mag-alala, tsaka binigyan ako ng pagkain nitong kaibigan mo na si Xiamara." Hinaplos ng ama ang buhok niya." Pasensya kana anak kung nag-alala ka. Mabuti na ang lagay ko ngayon kaya. Ayos na"

Nakasulyap ito sa gawi ni Joshua na tulog parin hindi naman yata naabala sa ingay sa paligid." Yan ba ang nobyo mo? Magandang lalaki" napangiti lang si Kateliane at tumango sa ama.

"Ipapakilala ko siya sa'yo Papa, nagising na siya" Hinaplos niya ang kamay ng ama.

"Mabuti naman at ng makilala ko" nakatingin parin ang ama niya kay Joshua. 

"Besty! Pinagdala na kita ng gamit ko." Tinuro ng kaibigan ng paper bag na nasa tabi nito."hindi na rin ako magtatagal dahil magbubukas kami ngayon ng coffee shop" Tumayo na ang kaibigan at nagpaalam na rin sa ama niya.

Naglinis narin siya ng katawan, pagbalik niya ay tulog parin si Joshua kaya naman nilapitan niya na ito. Dahil mag aalas dyes na.

"Baby? Gising na hindi ka ba papasok?" Nagmulat ng mata si Joshua at pumikit ulit.

"5 minutes..." Antok na antok pang sabi nito.

"Anong five minutes! Wala ka sa bahay mo. Nasa ospital ka" hinampas niya ang balikat nito. Nagmulat ulit ito ng mata.

"Hmm?" Bumangon na ito sa sofa at nag-iingat na sa ng masalubong nito ang tingin ng ama niya." G-good morning po sir!" Bumalik ang tingin nito sa kanya na kinatawa niya.

"Mabuti naman ay gising kana, ikaw ba ang nobyo ng anak?" Pupungas-pungas na tumayo si Joshua at lumapit sa ama niya.

"Opo sir, Ako po si Joshua Zaynn Guzman. Sana po nakilala nyo ako sa hindi ganitong sitwasyon. Pero,  masaya po ako na mabuti na ang lagay nyo"  nakatayo parin si Joshua sa paanan ng hospital bed.

"Masaya rin akong makilala ka. Minsan dumalaw kayo sa bahay ko. Para naman mas makilala pa kita ano?" Agad na tumango si Joshua.

"Opo sir, kapag may pagkakataon ay dadalaw po kami sa inyo. Pasensya nyo na po kung nakilala nyo ako na ganito ang ayos. Pasensya na" parang nahihiya pang sabi ni Joshua kaya naman hinawakan niya ang kamay ng boyfriend.

"Pa, ang gwapo ng boyfriend ko diba?"

"Gwapo nga anak. Panigurado marami kang magiging kaagaw--"

"Hindi po ako magpapa-agaw sir" sumulyap sa kanya si Joshua at kinindatan pa siya.

"Mabuti naman kong ganon, wag mo na ng akong tawaging sir, Papa nalang ang itawag mo sa'kin, mas gusto ko yun" Nakita niyang mas lumawak ang pagkakangiti ni Joshua na halos hindi na makita ang mata nito. Kung wala lang ang Papa niya ngayon sa harap ay baka napisil na niya ang pisngi ng boyfriend.

"Sige, po Papa"

"Pa, magpahinga na muna kayo. Para makabawi ng lakas" Inayos niya ang pakakahiga ang ama at binalingan si Joshua na nakangiti parin.

"Umuwi ka muna para makapagpahinga ka. Okay lang naman ako rito." Hinalikan siya ni Joshua sa noo. At nagpaalam ito sa ama niya bago lumabas ng kuwarto.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now