chapter 23

31 3 0
                                    

Chapter 23

"Ano ba talaga ang gusto mo sa buhay mo!" Napa-iwas ng tingin si Joshua dahil sa sigaw ng ama niya. Tatlong araw din kasing hindi niya nakapasok sa opisina dahil nga nagkaroon siya ng lagnat. At na enjoy na rin niyang tumira sa ng tatlong araw. Wala siyang sinagot kahit na isang tawag na kahit sino man. Kaya naman ng bumalik siya ay sermon agad ang sumalubong sa kanya.

"Dad, I got sick--"

"That's bullshit!" Napabuntong hinga siya dahil dati pa naman niyang alam na walang kahit katiting na pakialaman ang ama niya sa kanya. Napangisi nalang siya. Nawalan na rin naman siya ng pakialam.

"Fine, I will do my job better." Nabaling ang tingin niya sa kapatid na si Jin na nasa sofa at nakatingin sa kanya. Iiling-iling ito ng makitang nakatingin siya dito.

"Wag mo kong idaan sa mga salita. Kong ayaw mong ipadala kita sa Australia" bumalik ang tingin niya sa ama at kumunot ang noo niya.

"Just like you did before?" May ngiting sabi niya." I'm not a kid anymore Dad. I have my own decisions and I do everything I want. Why don't you enjoy your time with my brother. He doesn't do anything" mas lalong nagsalubong ang kilay ng ama niya.

"Wag mo akong subukan kong ayaw mong--"

"Do whatever you want" Pagkasabi niya non ay agad siyang lumabas sa opisina ng ama niya at  pumunta sa opisina niya. Agad na sumalubong sa kanya ang secretary.

"Boss! Napagalitan na naman kayo? Naku! Alam mo ba galit na galit ang Papa nong hindi kayo pumasok. Akala ko nga bubuga na siya ng apoy dahil sa sobrang galit" humarap siya sa secretary kaya natigilan ito natikom ang bibig nito 

"Clint?" Nanlaki ang mata nito.

"B-boss?

"Get out!" Kumaripas naman ng takbo ang secretary niya palabas.

Nahilot niya ang sentido at naupo sa swivel chair niya.

Namimiss niya ang girlfriend at gusto niya itong puntahan ngayon. Kaya lang tambak ang trabaho niya. Parang gusto niya yatang magkasakit ulit para lang makasama ang girlfriend niya.

But, he need to work his ass hard.

Bumuntong hinga siya at sinandal ang likod sa swivel chair.

Siguro kong dati nangyari sa kanya na napagalitan siya ng ama ay magmamakaawa siyang maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya.

His father treat him as trash, wala itong pakialam kong ano man ang nararamdaman niya. Ang importante ay magtrabaho siya.

Nong bagong dating siya sa buhay ng mga ito ay sinubukan niyang kunin ang loob nito. Pero, sa pagdaan ng mga taon ay kumonti na siya sa paasam na makuha ang ano mang simpatya na mga ito.

Isa lang naman siyang estranghero na pumasok sa buhay ng mga ito. Basta nalang siya pumasok ng hindi inaasahan.

"Pathetic, stop trying brother. Alam mo naman na wala kang mapapala sa pagrerebelde mo" nagmulat siya ng mata at nakita si Jin na nasa harap niya at nakapamulsa.

"Pagrerebelde? I'm just taking my break. what are you talking brother?" Natatawang sabi niya. Inikot niya ang swivel chair. Nang hindi makita ang kapatid.

"Nah, I know you're lying. Alam bakit hindi ka nalang maging sunod-sunuran kay daddy. Gaya ng ginagawa mo madalas" Kung dati pa siguro ay maiinis siya sa pinagsasabi ng kapatid. Kahit kailan ay hindi sila nagkasundo ng Kuya niya.

Mula kasi ng dumating siya sa buhay mga ito. Ang tingin sa kanya ng kapatid ay kumpetensya ng lahat ng meron ito.

Naaalala pa niya ng unang beses siya nagpunta sa tahanan ng ama niya. Sobrang saya niya dahil sa wakas ay nakilala na niya ang matagal na niyang inaasam na ama. Pero, hindi niya alam na impyerno ang pupuntahan niya.  

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now