chapter 33

20 3 0
                                    

Chapter 33

NASA labas lang si Kateliane ng ER. Naghihintay na lumabas si Joshua. Nag-angat siya ng tingin at nakita si Jin na tumabi sa kanya.

"Kamusta ka na?" Pinaglalaruan niya ang kamay.

"Mas mabuti kaysa dati" Sinandal niya ang likod sa upuan. Habang naka tingin sa emergency room.

" Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap naman tayo diba?" Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Jin.

"Hindi ka parin nagbabago. Kagaya ka parin nang dati Kateliane" pinag-cross niya ang braso sa dibdib niya.

"Meron Jin, Ngayon hindi na kita mahal" Natahimik si Jin.

"Mahal mo talaga ang kapatid ko o ginagamit mo lang siya para pagselosin ako" Hindi mapigilan ni Kateliane ang mapangiti.

"Hindi ko siya kailangan gamitin para kalimutan ka. Mahal ko ang kapatid mo." Tumayo na siya, pero hinawakan ni Jin ang kamay. Pero, agad niyang hinila ang kamay niya na hawa nito.

"Nakilala ko ang kapatid mo ng hindi alam na ikaw ang kapatid niya. Kaya naman--"

"Kateliane, mahal kita! Handa na akong ipaglaban ka ngayon" Nakita niyang nagtinginan na ang mga tao sa kanila kaya naman umalis siya sa lugar na yun. At nahinto siya sa garden ng hospital. Alam niyang nakasunod parin sa kanya si Jin at tama niya dahil ng lingunin niya ito ay seryoso ito nakatingin sa kanya.

"Alam mo, tapos na ang lahat sa ating dalawa. Hanggang kailan ko ba pagdusahan ang mga bagay na ginawa ko kasama ka? Please, Jin tama na. Tapos na kong ano man ang meron tayo" Humakbang siya paatras ng maglakad ito papunta sa kanya.

"You really don't know how to understand, Kuya" Nanlamig ang kamay niya ng makita kong gaano kadilim ang mukha ni Joshua na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Wag kang makialam--"

"She's my girlfriend, I have all the rights, Kuya"  Agad na lumapit si Joshua sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Alam mong akin siya! Kong di kalang lumapit sa kanya ay sana akin parin siya ngayon!" Napapikit nalang siya, hindi na niya alam ang gagawin kong paano ba maiintindihan nito na wala na nga siyang babalikan pa.

"Tama na Jin! Hindi na kita mahal. Ano pa ba ang hindi mo maiintindihan don ha? May asawa kana bumalik kana sa kanila. Wala kanang babalikan dahil hindi na kita mahal!" Nanlumo ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Kateliane, naman alam ko may pag-asa pa ako sa'yo. Iiwan ko na ang asawa ko, maghihiwalay na kami kaya pwede na tayong dalawa. Kateliane. Please bigyan mo pa ako ng pagkakataon na itama lahat sa ating dalawa." Hinarap niya si Jin at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito.

"Nababaliw kana ba!? Hindi mo ba maintindihan talaga na ayaw ko ma sa'yo? Hindi na kita mahal at nagsisi ako na pumasok ako sa relasyon kasama ka. Ayaw ko sanang magsalita ng masakit sa'yo. Pero, sadyang hindi ka marunong umintindi. Napapagod na ako sa pag-intindi sa'yo. Kaya tumigil kana" Nanginig ang kamay niya dahil sa sobrang galit.

Nakayuko na ngayon si Jin. Hinila naman siya ni Joshua sa kong saan at wala na siya sa sarili para pa makapag-isip. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ngayon ni Joshua at mas natatakot siya.

Pinagbuksan siya ni Joshua ng pinto at pumasok siya sa loob ng sasakyan.

Nilingon niya si Joshua ng sumakay ito sa sasakyan. Pagod na ang mukha nito at wala ang sigla ang mata.

"I'm sorry, dahil sa'kin nagkakagulo ang pamilya mo--"

"Baby, magulo na ang pamilya ko bago ka paman dumating." Nagsuot siya ng seatbelt at tumingin sa labas.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon