Chapter 3

108 8 23
                                    


Chpater 3

JOSHUA lazily get off from his bed and walk into his bathroom to take a shower.

Halos mapatalon si Joshua dahil sa lamig.

"Putcha! Bakit ang lamig!" Agad na ini-on ni Joshua ang heater. Pagkatapos tantyahin ang init ng tubig ay tinapat ni Joshua ang katawan sa shower.

Pakanta-kanta pa siya habang nagsasabon ng katawan. Nang matapos siya maligo ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.

"Why so handsome?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Nag flex pa siya ng muscle sa salamin habang nakahubad. Nakatingin siya sa ibabang parte ng katawan niya at natawa.

"Gifted ka talaga!" Natatawang kinuha ni Joshua ang tuwalya sa lagayan at binalot ang ibabang parte ng katawan niya ng tuwalya.

Nagpunta siya sa walk-in closet at kumuha ng boxer at puting t-shirt. Pakanta-kanta na naman siya habang nagsusuot ng damit.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay bumaba na si Joshua para maghanda ng agahan niya. Mag-isa lang naman siya sa bahay. Ayaw niya kasi ng maraming tao. Makalat at maingay. Gusto niya siya lang ang nag-iingay may kinuha siyang remote at may pinindot para magbukas ang mga kurtina sa glass wall niyang bahay.

Sobrang laki ng bahay ni Joshua. Pero, mag-isa lang naman siya.

Nagpunta siya sa kusina at nagluto ng pancake. May kinuha siyang remote na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at nagpatugtog ng malakas. Sumasayaw siya habang kumikilos sa loob ng kusina niya.

Pagkatapos magluto ng pancake ay nagtimpla na rin siya ng kape at kumuha rin siya ng fruits.

Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain sa mesa ay bumalik siya sa kuwarto para kunin ang cellphone na naiwan doon.

Maraming text ang tumambad sa kanya. May mga ilang missed calls din na hindi naman niya pinagtuunan ng pansin.

Bumaba na siya sa kusina at kumain. Nagpatugtog na naman siya ng malakas. Masaya siyang kumakain ng bigla nalang may tumawag sa kanya. Naiinis siyang tiningnan yun. Pinatay niya ang tugtog para sagutin ang tawag.

"Hello? Handsome Joshua Zayn speaking" Sinubo si Joshua ng pancake.

"JZ! Bakit hindi kana nagpupunta sa bahay?" Tumawa lang si Joshua.

"I'm kinda busy! You know that right?" Humigop ng kape si Joshua.

"Whatever, busy ka lang naman ka sasama sa mga kaibigan mo eh" Nagkibit balikat lang si Joshua. Nilagay niya sa loudspeaker ang phone at nilapag sa mesa.

"JZ ayaw mo ba akong kausap?" Tumawa na naman si Joshua.

"Alam mo naman pala eh, Bakit kapa tumawag?" Nakangising sabi ni Joshua at tinapos ang pagkain." Anyway, I have to hang up. May gagawin pa ako. Bye!" Pinatay na ni Joshua ang tawag at hinugasan ang mga ginamit niya sa kusina. Pagkatapos niyang gawin yun ay lumabas siya ng bahay at nagpunta sa gym niya na nasa malapit lang sa pool.

Hinubad niya ang t-shirt na suot at ang natira na lang ay boxers. Treadmill. Sinalampak niya sa tenga ang air piece at nagsimulang tumakbo.

Mga 30 minutes si Joshua na tumatakbo sa treadmill at ng matapos ang 30 minutes ay nagpunta naman siya sa barbells. Mga isang oras ang ginugol niya sa gym bago siya natapos. Pawis na pawis siyang naglakad papasok sa loob suot lang ang boxer niya at nakasampay sa balikat niya ang nahubad na damit ganina.

Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng bottled water.

Tumunog ang doorbell kaya binitbit niya ang bottled water at tinignan kong sino ang nasa labas.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon