Chapter 39

26 3 0
                                    

Chapter 39

HINDI maalis ni Joshua ang ngiti sa labi. Isang araw nalang ay magiging asawa na niya si Kateliane. Nasa bar sila ngayon ng mga kaibigan niya para sa kanya bachelors party.

"Congrats dude! Matatali kana" Tumatawang sabi ni Bryan inom lang naman ang ginawa nila dahil talaga namang papatayin sila ng mga girlfriend nila kong magdala man sila ng babae sa inuman.

"Wag kayong mag-aalala susunod kayo sa'kin. May aalagaan na akong asawa sa susunod na araw" Na parang nasa ulap parin siya at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"I can't believe someone like you magtitino?" Sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ni Joshua.

"Naging matino na naman talaga ako mula ng makilala ko si Kateliane. Hindi na ako kailangan man tumingin sa ibang babae--"

Natigil siya pagsasalita ng bumukas ang pinto ng VIP room at nakita si Maxine.

"H-hi, pwede kitang makausap JZ?" Tumingin sa kanya lahat ng mga kaibigan niya.

"W-what? I didn't do anything" Bumuntong hinga siya."look Maxine, I'm getting married" Tumango si Maxine.

"I know, I just want to talk to you. If it's okay?" Hinawakan niya ang baba na para bang nag-iisip.
"I'm not gonna do anything stupid, I promise" Tumikhim si Ford.

"Make sure Maxine" Mababang sabi ni Ford. At pagkatapos ay uminom ng alak niya. Alam ng mga kaibigan niya ang ginawa nito. Wala naman siyang natatago sa mga kaibigan. Mas nagiging kapatid pa nga ang mga ito sa kanya dahil nasasabi niya ang lahat sa mga ito. 

"Okay, Let's talk" Ininom niya ang alak sa baso at tumayo. Sinundan niya si Maxine papunta sa parking area.

"First I'm sorry, I'm sorry for trying to ruined your relationship with your girlfriend. I was stupid I know." Sinilid niya ang kamay sa loob ng bulsa niya.

"That was a ling time ago, It's nothing to me now. That time we realize that we love each other too much. That no matter what happen she trust me" May ngiti sa labi ni Maxine.

"I'm happy that you change a lot JZ." Magaan ang naging ngiti ni Maxine."Now, I know that no matter what happened You would never love me..."Agad na pinahid ni Maxine ang luha sa mata nito."I'm sorry na napaka iyakin ko"

"Maxine you are very important to me. I hope you know that" kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha sa mata ni Maxine.

"I know, You love me. But, not as lover" Tumango siya.

"Makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka na higit pa sa naibibigay mo. At hindi ako 'yun. Gago akong tao Maxine alam kong umasa ka sa'kin. I'm really sorry" Hindi parin tumitigil si Maxine sa pag-iyak.

"Pasensya kana kong hindi ako makakapunta sa kasal mo. Hindi ko pa kasi kayang pakawalan ka sa ngayon JZ" Hinaplos niya ang buhok nito. 

"I know Maxine. I understand you" Nabitin ang kamay niya ng yumakap si Maxine sa kanya.

"I want to be this close to you for the last time."Hinayaan niyang yakapin siya nito at umiyak sa bisig niya. Hinagod niya ang likod ni Maxine.

Pagkatapos nitong yumakap sa kanya ay nagpunas ito ng luha sa mata.

"I'm sorry Maxine." Natawa ito.

"Mas lalong masakit kasi nagsorry ka kasi hindi mo ako kayang mahalin. You don't have to feel sorry for what I feel. Ako nga dapat humingi ng tawad sa'yo at sa girlfriend mo. Hindi ko pa siya kaya harapin sa ngayon kasi bitter parin ako sa kanya. Baka balang araw kapag kaya ko na mahaharap ko na siya. Aalis ako, salamat sa oras mo" Ginulo niya ang buhok Maxine.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now