Chapter 16

52 3 0
                                    


Chapter 16

SUMIMANGOT si Kateliane ng makitang papasok na naman si Joshua sa coffee shop. Araw-araw na itong nasa shop at hindi siya nilubayan.

"Baka malugi na negosyo mo sa kakapunta mo rito araw-araw?" Sa lubong niya rito ng lumapit ito sa kanya.

"Hindi naman, nando'n naman si Dad" Mas lalo siyang sumimangot. At inirapan pa si Joshua. Ilang beses na niya itong pinagsasabihan na wag ng pumunta dahil baka makaapekto ito sa trabaho nito. Pero, hindi ito magiging si Joshua kong hindi matigas ang ulo nito.

"Exactly! Ang daddy mo ang nagtatrabaho. Baka magalit siya sa'yo nandito ka nalang palagi" Nakanguso si Joshua. Gusto niyang pisilin ang mukha dahil sa sobrang inis niya dahil sa presensya nito dahil napapalakas nito ang tibok ng puso niya. At naiinis siya gusto niyang lumayo si Joshua sa kanya. Kaya lang mas lalo lang niyang ginusto na nakikita ito.

"Gwapo ko ba ngayon? Makatitig ka naman, baka matunaw ako n'yan" Napatikhim si Kateliane at pinagpatuloy ang pagpupunas ng mga mesa. Pero, agad niyang nahila ang kamay ng masugatan ito sa matulis na parte ng mesa. Agad na dumalo si Joshua sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Parang na kuryente na hinila ni Kateliane ang kamay niya.

"Ano ba! Kaya ko na!" Naiinis siya sa nararamdaman dahil habang tumatagal ito ay mas lalo lang lumalakas ang epekto ni Joshua sa kanya.

"Akin na tingnan ko..." Hinila nito ang kamay at sinuri ang kamay niya. Gusto man niyang alisin ang kamay mula sa hawak ni Joshua. Pero, mukhang wala itong balak na pakawalan siya kasi mahigpit ang hawak sa kamay niya.

"Sus! Maging kayo na nga! Masyado kayong obvious eh!" Tinulak pa siya ng kaibigan na hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya.

"Okay na ako. Maliit lang naman ang sugat." Hinila niya ulit ang kamay na binitawan naman ni Joshua.

"Be my girlfriend" Bigla ay parang lumutang si Kateliane sa kinatatayuan at hindi na niya maramdam ang sarili dahil sa pagkabigla. Ilang beses na ba niyang narinig na sinabi ni Joshua sa kanya na gusto siya nitong maging girlfriend? Hindi na niya matandaan kung tinanong nga ba siya ni Joshua. Pero, kasi ngayon iba na eh.

May feelings na nakasali sa pagdedesisyon. Kinagat niya ang labi, habang si Joshua naman ay naghihintay sa magiging sagot niya.

"I... I--"

"So, nandito pala ang babaeng kinababaliwan mo?" Nang lingunin niya ang babaeng nagsasalita ay agad na kumulo ang dugo niya.

Si Maxine pala ang babaeng may gusto kay Joshua at sakto talaga sa moment nilang dalawa? Nakakasira talaga ng mood ang babaeng ito.

"Maxine, what are you doing here?" Ngumiti lang si Maxine kay Joshua.

"I'm not here to me scene. I'm just here to say sorry. I'm sorry if I love you so much and thank you for everything." Huminga ng malalim si Maxine at pinunasan ang gilid ng mata na para bang pinipigilan ang pag-iyak." Kakainis kasi nauna naman ako sa babaeng yan. Kaya lang hindi mo naman ako minahal kahit ibigay ko pa lahat sa'yo. But, that's okay all I want is to make sure that you are happy with her" Napunta ang mata ni Maxine kay Kateliane at walang emosyon siya nitong tiningnan." Congrats, you win" Pagkatapos sabihin 'yun ay agad din naman itong umalis.

Nakatunganga nalang silang dalawa ni Joshua maging si Xiamara na hindi nakakakilala kay Maxine ay nakakunot ang noong sinundan ng tingin ai Maxine na paalis na ngayon sakay ng kanyang sasakyan.

"Ahmm? Dapat ba gano'n ang reaksyon ng mga malditang babae? Ang weird kasi"Yun nalang ang nasabi ni Kateliane. Nailing nalang din si Joshua." Baka naman may sumulpot pang iba? Kasi naman sumuko nalang siya bigla eh. Ang weirdo ng babaeng yun.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now