chapter 24

30 3 0
                                    

Chapters 24

NAKASANDAL si Kateliane sa kama at naiinis na siya sa kakaisip kong anong pwede ning iregalo kay Joshua sa darating na kaarawan nito.

Nasa harap naman niya si Xiamara na nakabusangot ang mukha.

"Ano kayang gagawin ko sa birthday nya?" Binagsak niya ang sarili sa kama at bumuntong hinga.

"Kahit ano naman iregalo mo sa kanya ay tatanggapin ka non." Mamayang gabi na ang birthday party ni Joshua na gaganapin sa bahay nito. At hanggang ngayon ay wala parin siyang naiisip na maaring iregalo dito.

"Nasa kanya na kasi lahat eh, nakakainis naman. Alam kong kaya niya bilhin lahat ng materyal na bagay kaya ang hirap. Ang relo naman marami siya non. Hay iwan!" Padabog siyang nagpunta siyang pumasok sa loob ng banyo at naligo. Balak nilang pumunta sa mall para maghanap ng pangregalo ni kay Joshua.

Nang marating nila ang mall ay agad niyang pinasok ang bawat store na madaanan nila nagbabakasakali na may makita siyang pwede niyang iregalo kay Joshua. 

Hanggang na hagip ng mata niya ang isang bagay na alam niyang magugustuhan ng Joshua. Agad niya yung tinitignan. Tama si Xiamara kahit ano naman ang ibigay niya rito ay magugustuhan ni Joshua.

"Yan naba bibilhin natin?" Tumango siya at tinignan mabuti ang gusto niyang bilhin.

"Ito na yun. Miss bibilhin ko to" nakangiti naman yung nilabas ng sales lady. Ilang minuto pa ay bibit na niya yun.

Medyo madilim na makarating sila sa condo niya. Kailangan pa niyang mag-ayos para sa nobyo kaya naman binilisan niya ang kilos at agad nag-ayos.

Nang makontento sa ayos ay agad siyang lumabas ng kuwarto niya at nadatnan si Xiamara na nakaayos na rin.

PAGKARATING nila sa bahay ni Joshua ay agad niyang hinanap ng mata niya si Joshua at nakita niya itong kasama ang mga kaibigan.

Unti-unti itong tumingin sa kanila. Isang masayang ngiti agad ang ginawad niya rito. Agad itong tumayo at lumapit sa kanya.

Huminto ito ilang hakbang ang layo sa kanya.

"Happy birthday, baby" sambit niya at agad naman tinawid ni Joshua ang pagitan nila at hinatak siya sa isang mahigpit na yakap.

"This is the happiest birthday, because of you" bulong nito sa tenga niya.

"Grabe naman! Nag-birthday lang nagpapababy na sa girlfriend" Nagtawanan sila ng sumigaw si Bryan nang tingnan niya ang mga ito ay kumaway ito sa kanya.

"Happy birthday Joshua! Tanda mo na" Nakangiti naman na ginulo ni Joshua ang buhok ni Xiamara. 

"Thanks, Xiamara namiss kita" akmang hahawakan na naman ni Joshua ang buhok ni Xiamara ng hawakan ni Shone ang kamay nito.

"Nah! Stay away from my sunshine" Sumimangot si Joshua at hinapit ang bewang niya habang nakikipag-usap ito sa kaibigan.

"Seloso! May baby na ako kaya magsama na kayong dalawa. bahala kayo sa buhay nyo! Let's go baby?" Dinala siya nito sa mga kaibigan ni Joshua.

Sa may pool area nila ginanap ang birthday party ni Joshua at ang mga malapit na kaibigan lang din nito ang invited. Kasama naman ng mga kaibigan nito ang mga girlfriend kaya naman nadagdagan ang mga bisita.

Naglagay sila ng mesa na my pagkain at alak. Nagpalagay na rin sila speaker para sa malakas na tugtog.

May mga kasambahay na nagseserve ng mga kailangan nila.

"Let's enjoy the night! But, first blow the candle. Birthday boy" Kinuha ni Kateliane ang cake at kumanta sila ng birthday song.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday to you, make a wish baby" Sabi ni Kateliane. Pumikit si Joshua at pagkatapos ng ilang segundo ay hinipan nito ang kandila.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now