chapter 31

22 3 0
                                    

Chapter 31

ILANG araw na hindi pumasok si Kateliane sa café. Hindi niya rin sinasagot ang tawag ni Joshua. Nakwento na niya sa kaibigan ang nangyari nong anniversary nila ni Joshua. At kagaya niya ay naiinis din ito kay Maxine. Dahil sa ginawa nito.

Pero, hindi niya pa kayang makita si Joshua. Alam niya wala naman itong ginagawa kaya lang hindi pa siya handa.


"Ano magmukmok ka nalang dito. Gaya nga ng sabi mo wala naman kinalaman si Joshua sa nangyari siya pa nga ang biktima sa nangyari eh," napapikit nalang siya. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili niya. Kaya lang hindi niya alam kong ano ang gagawin pag nakita niya si Joshua sa harap niya.

"Papasok na ako bukas wag kang mag-aalala." Nagtalokbong siya ng kumot. Pero, alam niyang hindi parin umaalis ang kaibigan niya..

"Palagi nagpupunta si Joshua sa café. Tinatanong kong nasaan ka na raw, palaging mag dalawang bulaklak para sa'yo. Nagpunta rin yun dito. Pero, ang sinasabi ko ayaw mo pa siya makausap. Kaya umalis nalang din siya. Kawawa nga eh, mukhang ilang araw na hindi natutulog --"

"Bakit hindi siya natutulog!?" Agad na bumabangon siya sa pagkakahiga at hinarap ang kaibigan.

"Aba malay ko sa kanya? Baa naman kasi ayaw mo makita kay ayaw nya rin matulog? Baka naman naghihintay ng tawag mo kaya walang tulog o baka naman sinabi mong mag-iisip ka kaya hindi siya na tutulog, o baka--"

"Besty! Oo alam ko na ang dahilan kaya hindi siya natutulog. Hindi mo naman kailangan isa isahin sa akin" sinamaan siya ng tingin ng kaibigan.

"Tumigil ka nga! Nagtatanong ka sa'kin tapos ngayon sakin kapa nagagalit?  Galing mo ah? Sige na kumain ka ron naghanda na ako ng hapunan." Lumabas na ang kaibigan niya at siya naman ay hinanap ang cellphone niya.

Nang matagpuan ito ay agad niyang binasa ang mga text ni Joshua. Kadalasan don ay humingi ng tawad. Ilang missed calls rin ang nakita niya na hindi niya sinagot.

Dahil sa dami ng text ni Joshua ay hindi na niya kayang basahin lang lahat ang huli nalang ang binasa niya.

From: baby❤️

I'm sorry, nasaktan kita. Alam ko ayaw mo pa ako makita. Miss na miss nakita. Gusto kitang makita palagi. My life is hell without you baby. Please, comeback to me. I love you

Hindi niya namalayan na naiyak na pala siya habang binabasa ang text nito.

Pinunasan niya ang mata na may luha at tinawagan ang number nito.

Isang ring palang at sinagot na agad ni Joshua. Para bang hawak nito ang cellphone at hinihintay na tumawag siya.

B-baby? I love you, I miss you so much" narinig niya ang mahinang paghikbi nito. Doon palang ay parang nadurog na ang puso niya. Ayaw na ayaw niyang makitang umiiyak ito.

"N-nasaan ka?" Pinipigilan niyang maiyak pa kaya naman, huminga ng malalim.

"Nasa bahay ako--"

"Hintayin mo ako dyan, wag kang aalis" agad niyang binaba ang tawag at lumabas ng kuwarto niya. Naabutan niya pa si Shone at Xiamara na kumakain.

"B-besty! Halikana kumain na tayo--"

"Aalis ako wag mo na akong hintayin" Agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng condo niya. Nagpunta siya sa parking area at hinanap ang kotse niya. Nagmaneho agad siya papunta sa bahay ni Joshua.

Ilang minuto lang ay nakarating agad siya sa bahay ni Joshua. Bukas ang gate non kaya agad siyang pumasok. Pumasok siya sa mean door. Nakita niya sa sala ni Joshua at umiinom ng beer.  Nakagat niya ang labi ng makita ang mukha nito. Namumugto ang mga mata at sobrang laki ng eye bag nito. Tumutubo na rin ang balbas nito. At agad tumayo ng makita siya nito.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now