chapter 20

38 3 0
                                    

Chapter 20

IPINAIKOT  ni Joshua ang baso na may laman na alak at tingin ang kaibigan na si Shone at tinapik ang balikat nito.

"Nice to see you again bro!" Pinakatitigan niya ang mukha ng kaibigan. Tatlong taon din ang nakalipas mula ng umalis ito. At ngayon ay nagbalik na.

"Yeah, nice to be back" mapakla itong tumawa. Tinanaw niya rin ang dalawang kaibigan na sina Ford at Bryan na umiinom din kasama nila. Nasa VIP sila ng bar ng kaibigan niya.

Sa totoo lang ay na miss niya rin ang lasa ng alak. Simula kasi ng maging sila ni Kateliane ay hindi na niya madalas nakakasama ang mga kaibigan.

Kinuha ni Joshua ang cellphone at tiningnan kung mag reply na ba si Kateliane at agad napangiti ng makitang nagreply nga ito.

"My baby❤️"

Yes, baby mag enjoy kayo ng mga kaibigan mo. Text when you're home. I love you 😚

Ngingiti siyang ni replyan ang girlfriend ng tumama sa mukha niya ang unan. Kaya naman napaangat siya ng mukha.

"Ano ba!? Busy ang tao"

"Talaga?  Nagkalove life kalang para kana tanga dyan na nakangiti sa cellphone mo?" Asik ni Bryan na siyang bumato ng unan.

"Aish! Selos ka naman agad. Wag kang mag-alala sa'yo parin ako--"

"Hey! You're disgusting! Shut up!" Nandidiring ininom ni Bryan ang laman ng baso at nagsalin ulit. Natatawa naman na iniinom ni Joshua ang alak niya.

"What's your plan" Napalingon silang lahat ng magsalita si Ford ang pinakatahimik sa kanilang lahat. At nakatingin ito kay Shone.

Ang kaibigan niya ay nasa komplikadong sitwasyon ngayon.

"I Don't know anymore, it's too late" Tinapik niya ang balikat ng kaibigan ng magbadya ang luha sa mga mata nito. Napabuntong hinga rin siya. Hindi niya alam kong ano ang sasabihin para mapagaan ang loob ng kaibigan. Kahit naman mapagbiro siya ay nawalan siya ng sasabihin. Kung marahil sa kanya nangyari ang mga bagay na nararanasan ngayon ng kaibigan ay hindi niya rin marahil alam ang gagawin.

Napukaw lang ang pag-iisip niya ng may inggay siyang narinig sa labas ng VIP room. At bumukas ang pinto at natanaw niya ang isang babae na sa tingin niya lasing na.

"Maxine?" Napatayo siya pinuntahan ang babae. "What are you doing here?" Humawak sa kanya ang babae at naluluha na tumingin sa kanya.

"I still want you, Zaynn" Napabuntong hininga siya. Akala niya ay tapos na ang babaeng ito, inakay niya yun paupo. Nagtataka naman ang mga kaibigan niya. Pero, tinanguan niya lang ito.

"You should go home. Lasing kana--"

"No! I want you! Alam mo naman na mahal kita, bakit mo ginagawa sa'kin to?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ng babae.  At pinigilan ito na hawakan ang mukha niya.

"I already have a girlfriend," pinilit niyang kausapin ng maayos. Ayaw naman niyang saktan ang babaeng ito. May pinagsamahan naman silang dalawa.

"Who cares! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may girlfriend ka! Pero, babalik ka parin sa'kin. Mahal kita!" Napabuntong hinga nalang siya.

"I love her, so please. I don't want to hurt you" Nakagat niya ang labi sa pagpipigil na bulyawan ang babae.

"Love? We all know you don't know how to love! She's just a lust, you're just confused" Nagpupumilit na humawak sa kanya ang babae pero. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng babae.

"You don't know nothing so stop talking, before I get mad. Maxine" Naglandas ang luha sa mata ng babae. Binitawan niya ang babae at humagulgol naman ito ng iyak.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now