Chapter 13

63 4 0
                                    

Chapter 13

PANAY ang sulyap ni Joshua kay Kateliane. Hindi niya matukoy ang bigla nalang nitong pagsusungit sa kanya. Alam naman niyang masungit na talaga ito. Pero, mukhang mas malala pa ito ngayon. Kasi nakasimangot na nga ito. Masama pa ang tingin sa kanya.

"D-did I--"

"Shut up!" Natigilan siya sa bigla nitong pagtaas ng boses. Sa tingin naman niya ay wala naman siyang ginawang sama bukod sa inasar niya ito kanina. Kaya lang bumalik na ang magandang mood nito kanina.

Wala siyang nagawa kung di palihim itong sulyap. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib at nakatingin sa telebisyon na nasa harap. Pero, sa palagay niya wala naman doon ang atensyon nito. Mukha kasi itong galit sa kanya.

Napakamot nalang siya ng ulo.Hindi niya matatagalan ang pagtataray nito lalong-lalo na at sila dalawa lang ang naroon. Alangan naman kausapin niya ang sarili.

Waka nagawa si Joshua kong di ang manahimik sa tabi. At tingin nalang ang palabas na hindi naman niya maintindihan.

Palihim niya ulit na sinulyapan si Kateliane. Magkasalubong parin ang mga kilay nito.

Pero, napangiti siya ng makitang suot nito ang malaking damit niya. Ang cute talaga ng babaeng uto kung hindi lang ito nagsusungit ngayon ay baka nahalikan na niya ito.

Napailing nalang siya sa sarili. Kung anu-ano nalang ang naiisip niya. Para hindi na ito mairita sa kanya lalo at baka sakalin na siya nito ay napagpasyahan niyang kunin ang cellphone na nasa center table. Sa palagay niya kasi ay may tumawag kanina lang.

Nang buksan niya ang cellphone ay tumambad ang maraming text at tawag. Hindi na niya binasa ang mga yun at basta nalang pinatay at nilagay sa loob ng pantalon niya.

Napalingon siya kay Kateliane ng maramdaman niyang nakatingin ito sa kanya. Nakita niyang nakatingin sa kanya. At nag-iwas ito ng tingin ng makita siyang nakatingin dito.

"Gusto mo labas tayo?" Tanong niya. Sinamaan siya nito ng tingin bago umalis sa sofa at naglakad palabas.

"Gusto ko man makita kang suot ang damit ko. Pero, dapat magbihis ka baka kagatin ka ng lamok." Pahabol niya kay Kateliane, umikot ito at muling pumasok. Dinampot nito ang paperbag at nagmadaling pumasok ng banyo.

Nailing nalang si Joshua at natawa."Kung di kalang cute eh," Nauna ng lumabas si Joshua balak niyang hintayin nalang si Kateliane sa labas.

Naupo si Joshua sa duyan na ginawa niya kasama ang Mama niya.

Matagal na rin mula ng bumalik siya rito. Lahat ng alaala sa bahay na ito ay sobrang natatandaan pa niya. Tanda pa niya kung paano niya takbuhin ang likurang bahagi bahay para lang makita ang alaga niyang manok dati.

Hindi namalayan ni Joshua na tumayo pala siya at nagpunta sa likod na bahagi ng bahay.

Napangiti siya ng makitang nandoon pa ang kulungan ng mga manok pero sira na ang mga ito. Tingnan niya ang mga yun.

Naalala pa niya na kung paano siya pagalitan ng Mama niya dahil palagi siyang napuputikan dahil pilit niyang nilalabas ang mga manok.

Habang nakatayo siya sa gitna ay inaalala niya lahat ng mga alaala ng kabataan niya.

Yumukom ang kamao niya. Kung sana maibabalik lang niya ang nakaraan.

Sana.... Sana...

"Joshua" Agad siyang napalingon si Joshua at nakatayo si Kateliane at nakatingin sa kanya.

"Yeah, let's go" May isang parte sa lugar na ito na gustong-gusto niya dating pinupuntahan. Hindi niya alam kung magugustuhan yun ni Kateliane. Pero, gusto niya lang dalhin ito doon.


Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now