Chapter 8

89 7 12
                                    

Chapter 8

GUSTONG ibuka ni Kateliane ang bibig para magtanong kay Joshua kaya lang walang lumalabas sa bibig niya. 

"Tara kain na tayo! Gutom na ako eh! Let's go!" Tumayo na si Joshua at iniwan si Kateliane na nakaupo pa rin. Kahit kailan ay hindi niya nakita ang pagiging gentleman nito."Tara na! Gutom na ako eh"   Umirap si Kateliane at tumayo para sundan si Joshua.

Nakapumulsa si Joshua habang naglalakad at nakasunod naman si Kateliane. Tumigil si Joshua sa paglalakad at humarap ito kay Kateliane. Kaya napahinto rin si Kateliane ng ilang dipa kay Joshua.

"Alam mo ba masaya ako ngayon." May malawak na ngiti sa mga labi nito. Umiling ng kaunti si Kateliane.

"Oo kasi hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na humindi sa'yo" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Joshua.

"Pero, hindi ka tumalon sa sasakyan. At sa tingin ko achievement yun" Tinaas ni Joshua ang dalawa braso at ninamnam ang hangin na tumatama sa mukha nito. Nakapikit si Joshua at hindi nito nakita kung anong naging reaksyon ni Kateliane.

Nang dumilat si Joshua ay inalis ni Kateliane ang mata kay Joshua.

"Sa susunod hindi na kita pipilitin na sumama sa akin. Kusa mo na yung gagawin." Ibinalik ni Kateliane ang mata kay Joshua.

"How sure are you?" Kumamot si Joshua sa batok na para bang nahihiya, pagkatapos ay tumitig ito kay Kateliane.

"101 percent sure." Kitang kita ni Kateliane ang lahat ng emosyon na dumadaloy sa mga bata ni Joshua. Lahat yun ay parang may sinasabi na hindi niya maintindihan.

"Konti nalang maniniwala na ako sa'yo. Hindi pwede to" Mahinang sabi ni Kateliane.

"Konti nalang... Mas masarap yun sa tenga. Mga ilan nalang kaya? Hindi na ako makapaghintay ang araw na nandoon kana" Lumambot ang expresyon ng mukha ni Kateliane.

"Kaya lang hindi pwede..." Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ni Joshua.

"Kahit hindi pwede, basta alam ko may puwang na ako. Ang kailangan ko nalang gawin ay mas lakihan ang puwang. I will prove to you that I'm more worth it." Napakurap si Kateliane at medyo umawang ang labi. Ang daming tanong na naglalaro sa isipan niya.

Hindi kaya alam na niya? Pero, paano niya nalaman?

"Tara na! Gutom na ako" Tumalikod na si Joshua at naiwan si Kateliane na may mga katanungan parin sa isipan.

Hanggang nasa hapag kainan sila ay hindi maiwasan na tingnan si Joshua na nakikipag-usap sa mga bata.

"Kumain kana kaya?" Naibaling ni Kateliane ang mga mata sa katabi. Sumalubong sa kanya ang nakakunot na noo ng batang lalaki na nakita niya kanina sa labas. Na drake pala ang pangalan.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw ang dapat kumain para lumaki ka---"

"May gusto ka ba kay kuya Pogi?" Natigil ang lahat at parang nabingi si Kateliane sa nakakabanging katahimikan. Nang iangat niya ang tingin ay nakatingin pala ang lahat sa kanya.

"Drake, Masyado ka pang bata para magtanong ng ganyan." Saway ni Lala kay Drake.

"Kasi kanina pa siya nakatingin kay kuya pogi---"

"Kumain kana, Kaya nakatingin sa akin si ate Kate ay dahil napakagwapo ng kuya mo. Hayaan mo paglaki mo may titingin din sa'yo ng ganon. Kaya dapat kumain ka ng marami" Sinamaan niya ng tingin si Joshua na siyang nakaupo sa harap na upuan niya. Nagtawanan ang mga bata na nasa hapag-kainan na rin at busy sa pagkain.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now