chapter 28

23 3 0
                                    

Chapter 28

NAGISING si Kateliane ng may hinahaplos sa mukha niya kaya nagmulat siya ng mata. At nakita si Joshua na nakatingin sa kanya. Agad niyang hinila ang kumot at tinakip sa mukha niya.

"Bakit ka nandito?"

"Para gisingin ka, mag-prepare kana. Aalis na tayo. Good morning by the way, baby" Hinalikan siya nito sa pisngi.

Tiningnan niya ang kama ng tatlo at wala na ito kaya naman nagmadali siyang pumunta sa banyo.

"Bakit nakasunod ka? Maliligo na ako" Sabi niya at kinuha ang toothbrush at nagsimulang magsipilyo. Sumandal si Joshua sa pinto ng banyo at pinapanood siya sa mga ginagawa niya.

Malaki ang espasyo sa loob at mag shower room.

Sinara ni Joshua ang pinto at sumandal sa sink. Nang matapos siya ay sinimulan niyang tanggalin ang saplot niya sa katawan.

Nakatingin si Joshua sa bawat galaw niya.

"Seryoso? Titingnan mo talaga ako habang naliligo?"

"Nasa baba na sila lahat" wala sa sariling sabi nito habang nakatingin sa kanya.

"Oo, kaya nga nagmamadali na ako. Pumasok na siya sa shower at madaling nilinis ang katawan.

Pagkatapos niyang maglinis ay agad siyang lumabas, inabot naman sa kanya ni Joshua ang towel.

Tinuyo niya ang sarili habang nakatingin parin si Joshua sa kanya.

"Wag nalang kaya tayo sumama sa kanila?" Napalingon siya ng magsalita ito.

"Bakit naman hindi? Magbibihis na nga ako diba" binuksan niya ang pinto ng banyo pero pinigilan ni Joshua ang tuluyan na pag bukas ng pinto.

Nang lingunin niya ito ay nakatitig parin ito sa kanya.

"Umayos ka nga dyan. Alam mo iniisip ko, wag dito. Ikaw talaga". Tumingkayad siya para halikan ito sa labi. Pero, hinila siya nito at sinara ang pinto ng banyo at sinandal siya sa nakasarang pinto.

Hawak nito ang batok niya at hinawakan ang bewang niya. Pilit niyang tinulak ito pero. Inalis nito ang hawak sa bewang niya at hinawakan ang pulsuhan niya at kinawit sa batok nito.

Ang halik nito ay nakakalasing nakalimutan na nga niya na may mga naghihintay sa kanila sa labas. Humahangos na bumitaw si Joshua sa halik at pinagdikit ang noo nila.

"A good kiss will do, pero masakit parin. Just go out, baby.  Baka hindi kana talaga makalabas kapag nawala ako sa sarili" natatawang hinalikan niya ito sa pisngi at lumabas ng banyo. Naghanap siya ng damit na susuotin. Sumunod na rin sa paglabas sa kanya si Joshua at umupo sa kama niya. Nag-aayos na siya ng sarili at tinuyo na rin niya ang buhok.

Nakasunod lang si Joshua sa bawat galaw niya. Hanggang matapos siya.

"Baba na tayo" Nakangiting lumapit sa kanya si Joshua at hawak kamay silang lumabas.

Naabutan nilang kumakain ang mga kaibigan nila sa isang malaking kubo na may maraming pagkain.

May mga mapanuksong tingin ang mga kasama nila ng nakapasok sila sa kubo.

"Bakit kayo natagalan? Baka naman may ginawa pa kayo ah?" Nanunuksong sabi ni Bryan.

"Bibig mo hindi maganda lumalabas!" Kumuha si Joshua at toasted bread at sinaksak sa bibig ni Bryan. Upo sila sa isang mahabang lamesa. Naupo siya katabi sa kaibigan na si Xiamara.

Binigyan siya ng dalawang plato ni Xiamara. Tumabi naman si Joshua sa kanya.

"Anong gusto mo baby?" Kumuha ito ng pagkain at nilagay sa plato niya. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa ginawa nito. Pagkatapos nitong maglagay ng pagkain sa kanyang plato. Tsaka palang ito naglagay ng pagkain sa sariling plato.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now