Chapter 1

216 20 20
                                    

Chapter 1

KATELIANE was glaring at the man who was sitting beside her.

"Destiny!" Tumalikod siya, nagsisi siya at sumakay siya ng Jeep ngayon. Sana pala hindi nalang siya lumabas ng bahay, kung alam lang niya na makikita niya ang baliw na lalaking nasa harap niya ngayon. Dahil kasi sa paglabas niya ay kasabay pa niya ang taong matagal na niyang kinaiinisan! Joshua Zayn Guzman. Diba mayaman naman ngunit bakit kailangan pa nitong sumakay ng jeep!mas lalong naiinis si Kateliane ng makitang walang laman ang jeep na sinasakyan nila.

"Manong para--

"Don't manong, I'm not paying you a thousand for nothing--" Mas lalong sumama ang mukha ni Kate ng nakangiti ang driver sa kanila.

Parang kinikilig ang nga ito habang nagmamaneho. Pinatugtogan pa sila ng lovesong!

"Sige, kapag hindi nyo ito hininto. Tatalon ako!" Tumawa ng malakas si Joshua. Joshua is annoying! Gusto niyang hilingin sa panginoon na sana hindi na lang niya ito nakilala. Kaya lang bwesit na tadhana at nakilala niya pa ito sa buhay na ito. Sana pala sa susunod na buhay na lang siya.

Nakilala niya ang nakakainis na lalaking ito noong college pa lamang siya at gusto niya ulit ipagdasal na sana hindi nangyari. Dahil sa lalaking ito ay mas lalong nag-iinit ang ulo niya.

"You can't do that" Naka-pout na sabi ni Joshua at nagpapa-cute sa harap niya na gusto niyang masuka! May pa heart finger pa ito na mukhang tanga!

"Nagmamadali ako! Pwede ba wag mo akong pagtripan. Bwesit ka!" Mas humaba ang nguso ni Joshua.

"Hindi naman kita pinagtitripan, mamahalin nga kita eh" Tinampal niya sa mukha si Joshua ng hawak niyang bag. Natatawa naman itong sinalo.

"Tatalon talaga ako sinasabi ko sayo!" Tinangka ni Kateliane na sumampa sa bintana ng Jeep. Pero, Hindi naman niya talaga gagawin yun. Ayaw niya pang mamatay no.

"You would never do that." Nanlaki ang mata ni Kateliane ng hawakan ni Joshua ang paa ni Kate at hinila siya kaya nahulog siya sa lapag ng Jeep. Akmang babangon siya at sasapakin si Joshua ng pumatong ito sa kanya. Akmang sisipain niya ito si Joshua ng mahuli nito ang paa niya.

Bumangon si Kateliane ng kaunti at inabot ang buhok ni Joshua at hinila ito kaya nasubsob si Joshua kay Kateliane.

Sa kagustuhan na makaganti si Kateliane kay Joshua ay kinagat niya ang tenga ni Joshua na siyang kina sigaw nito.

"Aray!!! Aw!! Kateliane Gonzales!"dahil sa panggigigil ay hindi agad binitawan ni Kateliane ang tenga ni Joshua. Dahil sa sakit ay naghanap si Joshua ng paraan para makawala ay hinawakan ni Joshua ang balikat ni Kateliane para itulak ito palayo sa kanya kaya lang ang dibdib ni Kateliane ang nahawakan ni Joshua na siyang kinatigil nilang dalawa. Nanlaki ang mata ni Kate at nakatulala naman si Joshua habang nakatingin sa kamay niyang nasa dibdib ni Kateliane. Tinulak ng malakas ni Kateliane si Joshua kasabay naman ang pag-preno ng Jeep kaya nasubsob muli si Joshua kay Kateliane at ang malala ang mukha ni Joshua ay nakasubsob sa dibdib ni Kateliane.

Pareho silang hindi makagalaw.

Napa-aray nalang si Joshua ng pinaghahampas siya ni Kateliane ng marealize nito ang nangyari. Hindi naman alam ni Joshua ang gagawin ng sabunutan ni Kateliane si Joshua dahil sa panggigigil.

"Manyak ka talaga! Manyak! Gusto mo lang talaga akong hipuan!" Hindi naman magkamayaw si Joshua sa pagsalag ng mga hampas ni Kateliane sa kanya.

"Aw!! Hindi ko naman sinasadya! Sisihin mo si manong. Malay ko bang iba mahahawakan ko ang masusubsob ako dyan" Tinuro pa ni Joshua ang dibdib ni Kateliane. Kaya binatukan ito ni Kateliane. Nakasilip naman si mang driver sa bintana ng Jeep. Mukha pa itong kinikilig sa kanilang dalawa.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon