Chapter 12

67 4 2
                                    


Chapter 12

HUNI ng ibon ang pumukaw sa mahimbing na tulog ni Kateliane at ng buksan niya mata ay ang mukha ni Joshua ang bumungad sa paningin niya. Ang katahimikan at nakakabinging katahimikan ng umaga na sana ay nagpapagaan ng loob niya pero... Hindi. Sana kung kaya lang niyang patahanin ang pusong nagwawala ngayon. Sana kaya niyang maging matapang na tao. Hinaplos niya ang mukha ni Joshua. Kina-kabisado ang bawat parte ng mukha nito. Pinagmamasdan ang magandang hulma ng mga makakapal na kilay nito.

Ang mapula nitong labi. Hindi niya alam kung paano nagbago ang nararamdaman para sa lalaking ito na kahit sa panaginip ay hindi niya inakala na magugustuhan. Ang mapang-asar na ngisi na palaging nakapaskil sa mga labi nito na palaging kina-iinit ng ulo niya. Ang mga mata nitong parang tatagos sa kaluluwa kapag tumitig. Ang hugis ng mukha nito na parang inukit ng isang magaling na artist. Hindi niya alam kung saan nagsimula ang lahat na magbago ang nararamdaman niya. Ang alam lang niya ay wala na siyang kawala doon.

Hinawi niya ang buhok na na kumawala at tumatakip sa mata nito. Halos pigilan niya ang paghinga ng makitang nakatingin na ito sa kanya.

"G-gutom na ako" Aalisin niya sana ang kamay na nasa buhok nito pero hinuli yun ni Joshua habang nakatitig sa kanya.

"Sa tingin ko talaga ikaw yung mas nahuhulog sa ating dalawa." Sabi nito sa mababang boses. Hinila nito ang bewang niya at sumiksik sa leeg niya. Tinulak naman ni Kateliane si Joshua. Wala pa kasi siyang ligo at hindi niya alam kung ano na ang naging amoy niya.

"Joshua! Bumangon ka na nga!" Ginamit niya ang buong lakas para maitulak ito ng magkaroon ng pagkakataon ay agad siyang umalis sa kama. Nakakunot naman ang noo ni Joshua habang hawak ang kumot nito.

Naglakad na si Kateliane at naupo sa sofa. Nang lingunin niya si Joshua ay umalis na rin ito sa kama. Bumaling ni Kateliane ang paningin sa labas ng bahay. Parang gusto niyang lumabas kaya tinulak niya ang sarili paalis sa sofa at napagpasyahan na lumabas.

Ang lamig ng hangin sa umaga ang humaplos sa mukha niya. Sobrang tahimik ng lugar. Hindi niya alam kung saang lugar na sila naroon. Nagsimulang maglakad si Kateliane at dinala siya ng paa sa isang lugar kung saan may malaking natumbang kahoy at tanaw ang papasikat palang na araw.

Naupo siya sa natumbang kahoy nilibot ang paningin sa buong paligid.

Nakakagaan talaga ng pakiramdam ang magandang tanawin.

"Don't roam around, Snakes might eat you" Nang lingunin niya ay may hawak si Joshua na tasa at binigay nito sa kanya ang isa."Kape, yan lang ang meron tayo eh." Tiningnan niya ang kape na nakikita niyang umusok pa. Kinuha niya yun at tiningnan si Joshua. Naupo si Joshua sa tabi niya at humihigup na ng kape."Ganda dito no?"

She admits it. This place is a place for peace of mind. Malayo sa maingay at magulong syudad.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga ganitong lugar? Akala ko kasi party at babae lang ang gusto mo" Biro ni Kateliane. Nang hindi sumagot si Joshua ay nilingon niya ito.

Nakangisi ito ng tingnan niya at nakatingin sa malayo.

"Nakakasawa na rin naman ang mga ganoong bagay. Babae, pera, bisyo. Naranasan ko na yun lahat eh. Pero, nakakasawa rin pala pag nagtagal." Humihop na naman ito sa tasa na may kape.

"Ganoon? Baka naman magsawa ka rin sa akin pag nagtagal." Medyo may bitterness sa dulo ng dila habang sinasabi niya ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Hindi man lang niya yun napaghandaan. Hindi naman niya ugali na magsabi ng mga ganoong bagay. Humigpit ang hawak niya sa tasa at nag-iwas ng tingin.

Nang maramdaman niyang lingunin si Joshua sa kanya.

"Hindi ako madaling magsawa sa interesado ako. At interesado ako sa'yo"Gusto niyang makita ang emosyon sa mukha ni Joshua kaya lumingon siya sa gawi nito. Maaliwalas ang mukha nito at nagugulo lang ang buhok nito dahil sa malakas na hangin.

Bitter Sweet(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon