chapter 35

19 3 0
                                    

Chapter 35

KUMAKANTA si Joshua habang nagmamaneho. Papunta sila sa bahay ng Papa niya sa probinsya. Balak nilang bisitahin ito. At kita ang saya sa mukha ni Joshua. Tumingin ito sa kanya at kumindat sa kanya. Binuksan nito ang bintana kaya naman pumasok ang sariwang hangin. Nilabas niya ang kamay at hinayaan na dumampi ang hangin sa kamay niya. Sobrang ganda ng panahon.

Napalingon siya kay Joshua ng huminto ito. Lumabas ito ay binuksan ang pinto niya.

"Let's enjoy the beautiful view"  inaalalayan siyang lumabas ni Joshua. Tinanaw nila ang dagat mula sa kinatatayuan. Sobrang ganda ng dagat at kita niya rin mula sa kinatatayuan nila ang maliliit na isla sa gitna ng dagat.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa at hinayaan ang hangin na humahampas sa mukha nila.

"I never been this happy and contented, baby" Nilingon niya si Joshua at nakangiti ng malapad.

Tinaas nito ang kamay at sumigaw. Mas lalong lumawak ang ngiti nito ng bumaling sa kanya.

"Bakit hindi ka nagsasalita nakatingin? Nakatingin kalang sa akin." Hinawi ni Joshua ang buhok na tumabon sa mukha niya dahil sa malakas na hangin.

"You're my best view" Halos hindi na makita ang mata ni Joshua dahil sa sobrang singkit dahil sa pagkakangiti.

"Aish! Bumabanat kana naman," hinawakan niya ang kilay ni Joshua na kailangan pa niyang Tumingkayad para lang maabot ito. Matangkad naman kasi si Joshua kaya nga madalas may takong ang suot niya. Para lang humabol sa tangkad nito. Pero, ngayon ay pupunta sila sa bukid kaya nakasuot siya ng sapatos.

"Bakit kasi ang gwapo mo? Matangkad kapa, singkit at sobrang ganda ng katawan. Nakakabaliw rin ang bango mo" inalis ni Joshua ang tingin sa kanya at nakita niyang namula ang mukha nito. Dahil sa puti ni Joshua ay nakita niya agad ang namumula nitong mukha.

"Baby, don't say those things. Kinikilig ako lalo sa mga sinasabi mo eh" tumalikod si Joshua sa kanya.

"Bakit kasi na sa'yo na lahat, kaya tuloy ikaw lang nakikita ng mata ko" sinundan niya si Joshua na hindi makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya." Yang labi na yan nakakaadik talaga eh" wala sa sarili na kinagat ni Joshua ang labi kaya naman tinuro ni Joshua ang labi niya" Yan!"

"What?" Naguguluhan na sabi ni Joshua.

"Kinakagat mo kasi ang labi mo, gusto tuloy kitang halikan" Hinawakan ni Joshua ang kamay niya at hinila siya palapit.

"Stop please, baby. You're making blush" Tumingkayad si Kateliane at hinalikan si Joshua.

"Mas lalo ka nga gumagwapo kapag namumula ang mukha mo eh. Mas lalo ako naiinlove sa'yo"  Hinila siya ni Joshua para sa isang yakap.

"You make me feel loved and appreciated baby," Kumalas si Joshua sa yakap at hinawakan ang mukha niya.

Mahinang kiniskis ni Joshua ang ilong nilang dalawa. At pareho silang napangiti.

Nang magpark sila ay nakita agad nila ang Ama na malaki ang ngiti.

"Mabuti naman at naisipan mong dalawin ang Papa mo" Agad siyang lumapit sa ama at yumakap.

"Papa, na-miss ko po kayo!" Agad siyang yumakap    sa ama.

"Oh, kasama mo na pala ang boyfriend mo. Ang gandang lalaki" tumatawang sabi ng ama niya.

"Magandang umaga po" magalang na bati ji Joshua sa Ama niya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Napakamot si Joshua sa batok.

"Joshua Zaynn Guzman, Yun po ang pangalan ko" lumapit ang si Papa Benjamin at yumakap kay Joshua na siyang kinagulat nito.

"Masaya ako na makilala kita na hindi na sa hospital, habang nakayakap sa anak ko ano?" Nahihiyang nagbaba ng tingin si Joshua.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now