Chapter 6

102 9 47
                                    

Chapter 6

HINDI maalis ni Joshua ang mata kay Kateliane na busy sa pag-asikaso ng mga customer ng sa coffee Shop. Siya naman ay humigop sa mainit pa niyang kape. Maaga palang ay nasa coffee shop na siya.

Iwan ba niya at hindi niya maintindihan ang sarili hinahanap niya ito. Ang kasungitan nito at ang matalim agad na tingin nito kapag may ginagawa siyang hindi nito nagustuhan.

"Nandito kana naman?" Masungit na sabi ni Kateliane. Binagsak nito ang hawak na plato na naglalaman ng mga cakes at cupcakes.

"Namiss kita eh--"

"Ash!! Tumigil ka nga!" Agad itong umalis sa harap niya. Hindi niya talaga maunawaan kung paano ito nakaka-pagsungit sa kanya buong araw. Nagawi lang ang tingin nito sa kanya at para na ito manok na nagagalit agad.

But she's beautiful

Hindi man niya lubos na inaamin sa sarili niya sa palagay niya ay nahuhulog na siya sa babaeng ito. Gusto niya itong kilalanin.

"Makatitig ka naman dyan sa kaibigan ko, baka matunaw 'yan" Napalingon si Joshua sa babaeng nakatayo sa gilid niya. Ang kaibigan ni Kateliane si Xiamara.

"Ang ganda talaga ng kaibigan mo" Ibinalik na naman niya ang tingin kay Kateliane. Yeah, Kateliane is beautiful. Maputi rin ito at may pagkasingkit mas matangkad pa ito sa kaibigan na si Xiamara. Naaalala pa rin niya ang pagsusungit nito sa kanya ng una niya itong makita.

"Maganda ang isang yan, pero Amazona" Sabay silang natawa ni Xiamara. Tama naman kasi ito walang araw na hindi siya nito sinungitan.

"Besty! Bumalik ka na nga dito!" Nakataas na ang kilay ni Kateliane at nakatingin sa kanilang dalawa.

"Oo na! Porke't may nanliligaw dito. Ganyan kana sakin" Kumaway lang si Xiamara kay Joshua at lumapit ito kay Kateliane na masama ang tingin sa kaibigan. Ai Joshua naman ay pinagmamasdan lang ito at kapag nagagawi ang tingin nito sa kanya ay iniirapan siya.

Hindi niya talaga alam kung bakit nagkagusto siya sa babaeng ito, dahil wala naman itong ibang ginawa kung di barahin siya at sapakin. Pero sa palagay niya ay ito pa ang nagiging dahilan ng paglalim ng nararamdaman niya dito.

Noong una niya itong nakita ay wala naman siyang espesyal na nararamdaman dito. Pero, nang magpunta siya sa Australia. Na hindi niya alam na nandoon pala ang babae at nakita niya ang pinagdaanan nito don. Nakilala niya agad ito. Ito ang babaeng kaibigan ni Xiamara na dating nobya ng kaibigan niyang si Shone.

Palahim niya ito dating tinutulungan para makahanap ng trabaho. Kaya alam niya ang ginagawa nito. Wala naman siyang balak na kahit ano kay Kateliane. Wala siyang balak na manligaw dito. Pero, biglang nag-iba ang lahat dahil sa isang lalaki.

Nagiging greedy siya na makuha ang babaeng ito.

"Hoy! Bakit mo naman binasag ang tasa namin!" Napakurap si Joshua at tiningnan ang kamay kung nasaan ang basag na tasa.

"Sorry, masyado akong... Babayaran ko. Gusto mo sabay pa tayong bumili." Inalis ni Kateliane ang basag na tasa at pinunasan nito ang mesa ni Joshua.

"Pumunta ka lang talaga dito para magkalat." Hinawakan ni Joshua ang kamay ni Kateliane ng tangka nitong hahawakan ang matulis na parte ng baso na nabasag.

"Let fix my mess" inagaw niya dito ang basahan at siya na ang nagpunas ng kape na natapon. Siya na rin ang nagdala ng mga basag na tasa sa kusina ng coffee Shop.

Itinapon niya ito sa basurahan at naghugas ng kamay. May maliit pa sugat sa kamay kaya hinugasan niya na rin.

"Para ka talagang bata. Akin na nga" Nagulat siya ng nasa gilid niya na pala si Kateliane at inagaw nito ang kamay niya.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now