chapter 37

18 3 0
                                    

Chapter 37

NAKATAYO silang sa bahay kong saan nakatira ang Mama niya. Nag-travel silang dalawa papunta sa Sydney Australia kong saan nakatira ang Mama niya.

Pinindot na niya ang doorbell at naghintay na pagbuksan ng ina.

Bumukas ang pinto at lumabas ang ang Mama niya.

"Kateliane?" Nagtataka ito ng makita siya.

"Mama" Mahinang bangit niya. Matagal na rin mula ng mag-usap silang dalawa.

"Akala ko na umuwi ka ng Pilipinas?" Kinagat niya ang labi dahil. Mukhang hindi man lang siya namiss ng ina.

"Pumunta ako rito dahil gusto kong makilala mo 'yung boyfriend ko" Lumabas si Joshua mula sa likod niya.

"Hello po! Magandang hapon. Ako po si Joshua boyfriend ng anak nyo" Tiningnan lang ni Mama Rubie si Joshua at tumango.

"Mabuti naman at mukhang mayaman ang naging nobyo mo. Hindi ka mahihirapan. Magpapakasal na ba kayo? Bakit kayo nagpunta rito?" Sunod-sunod na tanong ng Mama niya. Hindi man lang nito binuksan ang pinto para sa kanila. Kaya naman nag-iwas nalang siya ng tingin.

"Wala pa po kaming napag-uusapan na gano'n. Gusto ko pang po na makita nyo man lang si Joshua. Yun lang naman Mama.

"Sige, nakita ko naman siya. Pwede na kayong umalis at marami akong ginagawa. Sige na" Pumasok na ito sa loob at sinaraduhan sila ng pinto.

Bumuntong hinga nalang siya at disappointed na tumingin kay Joshua. Gusto niyang maiyak sa harap nito.

"It's okay baby. Gusto mo ba mamasyal nalang tayo?" Hinila siya ni Joshua para sa isang yakap.

"Inepect ko naman to eh. Pero, bakit ang sakit pa rin?" Hinila siya ni Joshua pala sa bahay ng Mama niya. Patuloy sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.

"Baby, don't cry okay? Pwede naman tayong bumalik bukas kong hindi niya tayo kakausapin" Umiling siya.

"Hindi na ako babalik dito.  Alam ko naman na nawala na siyang makialam sa akin. Pero, bumalik parin ako para mausap mo siya. Pero, tama na siguro. Mamasyal na tayo. Sa Taronga zoo nalang tayo" Sumakay na sila sa nirentahan nilang sasakyan para nakapamasyal silang dalawa.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay hinila siya ni Joshua para sa isang yakap.

"Don't be sad okay?" tumingin siya kay Joshua. Pinupunasan nito ang luha sa mata niya.

"Ang sakit isipin na wala talaga siyang pakialam sa'kin." Hinaplos ni Joshua ang mukha.

"Time will come, baby. Magiging maayos din ang lahat. Okay?" Sumandal siya sa balikat ni Joshua. Marami parin siyang hinanakit sa ina mula pa nong bata pa siya hanggang ngayon at nilunok niya 'yun lahat para lang makita ito ngayon. Ginawa niya ang lahat para lang mailigtas ito sa operasyon. Pero, wala lang pala halaga lahat ng sakripisyo niya.

"Pwede bang bumalik muna tayo sa hotel?" Tumango si Joshua at minaneho ang sasakyan pabalik sa hotel kung saan sila tumuloy ngayon.

Wala siyang imik buong byahe. Hanggang makarating sila ng hotel.

Nakaupo siya sa kama habang naliligo si Joshua. Akala niya hindi na magiging ganito ang epekto ng treatment sa kanya ng Mama Rubie niya. Pero, ganito parin pala.

Hindi na nga niya namalayan na lumapit si Joshua sa kanya.

"Baby?" Nag-angat siya ng tingin ng hawakan ni Joshua ang baba niya."don't be sad" Kinagat niya ang labi dahil gusto na naman tumulo ng luha niya.

"Gusto kitang ipakilala sa kanya ng maayos. Pero, hindi ko nagawa 'yun. Nahihiya ako sa'yo" Nagbaba ulit siya ng tingin. Lumuhod sa harap niya si Joshua at hinawakan ang tuhod niya.

Bitter Sweet(Completed)Where stories live. Discover now