P50

1.5K 45 2
                                    




             "Do you think I can walk again?"

                Naitigil ko ang pagikot ng kutsara sa tasang may lamang kape ng marinig ko ang tanong na 'yun mula kay Connor.

               Maganda ang simula ng umaga. Rinig ko pa ang ilang huni ng ibon at banayad na ihip ng hangin sa magandang sinag ng pangumagang araw pero binibigyan naman ako ng tanong na 'yun ng dahilan para makadama ng pamimigat ng aking kalooban.

             "Oo naman. Bakit hindi diba?" malambing kong sagot.

              Gusto kong isiping positibo ang lahat. Alam kong hindi magiging madali pero handa naman akong maging temporaryong paa niya. Sasamahan ko siya sa mga hakbang na dabat bunuin para lang makitang makakapaglakad siya muli.

              Nginitian ko siya at saka inilapag sa harap niya ang tasa na may kape. 

               "What if I'm not able to—"

               "Makakalakad ka," pinal kong sabi habang nakangiti parin sa kaniya kahit pa may kung anong bumabara sa aking lalamunan.

                 Masyado pang maaga ngunit bakit pinaparamdam niya sakin ang kadilimam? Halos kaming dalawa pa lang ang nasa hapag, gusto kong makasama siya sa isang masayang umagahan pero binibigyan niya ako ng takot. Pinipilit kong ibigay sa kaniya ang positibong kaya kong ibigay pero tinatabunan niya 'yun ng pag-aalala sa bagay na wala namang patutunguhan!

             Inabot niya ang aking kamay at saka dinala 'yun sa kaniyang labi upang bigyan ng magaang halik habang nasa akin parin ang kaniyang tingin. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang kislap ngunit meron ding pagkabahala.

               "I am. Just give me time, love. Be my steps for now, hmm?" malumanay niyang sabi at muling hinalikan ang aking mga kamay.

               Handa akong maging pansamamtalang mga hakbang mo, gaano man katagal.

              Walang araw o oras na wala kami sa kaniyang tabi sa bawat session niya. Masiglang pinagchecheer siya ng aming anak at ganun din ako maging ang kaniyang pamilya. Sinamahan namin siya sa bawat maayos na hakbang at ganun din sa mga panahong nadadapa siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi niya kailangan madaliin ang lahat dahil nandito lamang kami. Hinding-hindi namin siya iiwan.

             "Sa umaga ay ipagpatuloy niyo ang paunti-unting paglalakad ngunit pag sa tingin niyo ay nasosobrahan na at nakakaramdam ng ngalay, mabuting ipahinga niyo muna ang mga binti ni Mr. Volzkian. Babalik akong muli para tingnan ang progress ng pasyente," ani Dr. Gomez.

              Marahan akong tumango at ganoon din naman ang si Tito Raf at maging si Nanay Yel. Wala si Ate Francia dahil malapit na ang kabuwanan niyon kaya nanatili na ito sa hospital kasama ang asawang si Kuya Drustan.

                Sinamahan ko na lamang si Dr. Gomez papalabas ng mansion at saka tinanaw ang papaalis netong kotse. Bumalik ako sa sala kung nasaan si Tito Raf at kalaro si Morgan. Parehas silang naka-upo sa carpet at nilalaro ang mga laruang nakakalat doon. Hindi ko na lamang sila inistorbo at saka ako pumunta sa kusina para ihanda ang meryenda ni Connor. Kailangan niya ang mga prutas upang manumbalik ang tibay ng kaniyang mga buto.

            Inilagay ko lamang ang mga 'yun sa tray atsaka nagpasya ng humakbang pataas.

             Sa sinabi kong kasama niya kami maayos na mga hakbang, totoo 'yun. At maging sa ganitong pagkadapa ay mamatinili parin kami sa kaniyang tabi.

Caina (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz