P44

993 31 4
                                    




             "Ma, pwede ko ba 'tong dalhin?"

              Nilingon ko si Morgan. Hawak niya ang laruang truck na binili ko sa kaniya noong nakaraang buwan pa. Medyo may mga gasgas na 'yun sa gulong dahil sa paulit-ulit netong pagpapagulong sa semento pero napangtiya-tiyagaan pa naman iyun. Isa pa, mahal na mahal ni Morgan ang laruang 'yan sa kadahilanang marami 'yung naikakarga sa likod.

             "Oo naman. Pagkakasyahin natin yan sa bag, syempre," nakangiti kong tugon.

              Lumapit ito sakin at saka malambing na yumakap. Ikinawit niya ang maliit niyang braso sa aking leeg kaya ngayon ay magkadikit na ang aming mga pisnge. Napangiti na lamang ako.

             "Saan na po ba tayo pupunta? Iiwan na ba natin sila Sister at sila Bella?" inosenteng tanong ng bata sa akin.

              "Uuwi na tayo, anak. U-uuwi na tayo," saad ko at saka ko siya hinalikan sa ulo.

               Napagpasyahan ko ng bumalik. Iniisip ko na baka sapat na ang pitong taon para magawa kong tuluyang bumalik. Ngayon ay hindi na ako nag-iisa, kasama ko na ang anak ko. Anak naming dalawa.

             Kung totoo ngang hinihintay niya ako, handa akong bumalik ngunit kung hindi naman at least ay panatag na ang aking loob na kahit minsan ay hinintay at hinabol niya ako.

               Pinakatitigan ko ang mukha ng aking anak. Oras na rin siguro upang hindi ipagkait ang sana ay matagal na niyang nakamtam. Ang magkaroon ng isang ama. Kung wala ng pag-asa para sa aming dalawa, kahit ang anak ko na lamang. Habang tumatagal ay mas natatakot at nahihirapan akong pagtakpan ang totoo. Nahihirapan akong itago na hindi naman talaga nagtatrabaho sa malayo ang papa niya.

           "Saan po tayo uuwi? Hindi ba 'to yung bahay natin?" aniya.

            "Sa totoo nating bahay. Gusto mo ba 'yun? Makikita mo na yung totoo mong bahay. Yung mga lola at lolo mo. Yung tita mo, tsaka yung...papa mo," mahina kong sagot at saka pinakiramdaman ang reaksyon ng aking anak sa sinabi ko.

            Lumuwag ang yakap neto sakin at saka tumingin sa aking mga mata. Nagtataka pero may pagkasabik. Agad itong tumayo sa aking kandungan upang humarap sa akin.

             "Totoo po?!"

                Inabot ko ang kaniyang malambot na buhok upang haplosin bago ako ngumiti at tumango. Pinanood ko kung paano siya tumalon sa aking harap habang may malalaking ngiti sa kaniyang mga labi.

              Masaya na akong makatungtong muli sa bahay ng mga taong nag-aruga sa akin noon, kung may higit pa doon, ipagpapasalamat ko 'yun ngunit kung wala, hayaan na lang sana na yung anak ko ang makaramdam ng buong kasiyahan. Alam kong masaya siya sa piling ko, alam ko ring hindi ako nagkulang bilang isang ina pero alam ko rin namang kahit anong pilit ko ay hindi ko mapupunan ang pagmamahal ng isang ama. At para sa kasiyahan ng aking anak, handa ko namang ibigay sa kaniya ang kalayaang makilala ang taong matagal na nawalay sa piling naming dalawa.

      
                TINULUNGAN ko ang asawa ni Ate Francia sa paglalagay ng mga bagahe namin ni Morgan sa likod ng kanilang sasakyan. Nakamasid lamang samin sila Sister Gwen at ang iba pang madre at tauhan sa loob ng ampunang 'yun. Maging ang ilang mga bata na sobra ng napalapit sa akin ay nandun din. Lalo na si Bella, ang batang babae na ngayon ay umiiyak na nakatingin sa akin.

             Pagkatapos kong ilagay ang huling bag namin ni Morgan ay saka ko nilapitan si Sister Gwen, hinawakan ko ito sa magkabilang kamay at saka pinakatitigan ang napakabait netong mukha.

              "Mag-iingat po kayo dito. Alagaan niyo po yung kalusugan niyo," mababa ang boses na sabi ko.

               Nginitian naman ako ni Sister Gwen at saka pinisil ang kamay kong nakahawak din sa kaniya.

 
               "Ikaw ang mag-iingat doon, hija. Tandaan mong lagi kang tatanggapin ng tahanang ito," aniya.

              Tumango ako at saka binalingan si Bella na nakatingin din sa akin habang may luha sa mga mata. Nilapitan ko ang paslit atsaka pinunasan ang pisnge niyon. Sa pitong taon ko sa ampuan, nakita at nasubaybayan ko na ang paglaki ni Bella. Kung paanong ang sanggol na tulad niya ay napadpad sa ampunan sa halip na sa piling ng kaniyang mga magulang. Itinuring ko rin itong anak bukod kay Morgan.

              "Babalik ako, Bella. Bibisitahin kita, uuwi lang kami pero babalikan kita,"

                "Totoo po?" humihikbing saad nito.

                "Oo naman! Babalik ako, pangako. Ngayon, pwede mo ba akong bigyan ng yakap bago ako umalis? Pagbalik ko ay yayakapin din kita,"

                 Agad itong dumamba ng yakap sa akin at saka muling umiyak. Hinayaan kong kahit sa huling pagkakataon ay maramdaman niya ang yakap ko bilang pansamantalang ina niya.

               Muli akong nagpaalam sa mga taong nakasama ko sa pitong taon. Sa mga taong nag-aruga sa amin ni Morgan noong hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. At nasisiguro kong babalik ako dito bilang pagtanaw ng utang na loob. Pinapangako ko 'yan.

                "Hangad namin ang kaligtasan at kaligayahan mo, hija," huling saad pa ni Sister Gwen sa akin bago pa umamdar paalis ang kotse.

                Mapait akong napangiti. Ako din po, Sister Gwen. Ako din.

————————————————————

UPDATE 1/2 🌼

Opo, double update para sa mga minamahal kong readers❤️

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon