P29

1.3K 43 1
                                    





                 Magkalapat parin ang aming mga labi at masasabi kong ito na ang pinaka-gusto kong regalo sa gabing ito ngunit may isang imaheng lumabas sa aking isip. Si Revina. Ang kasal nila sa mga susunod na buwan.

               Nang-hihinayang at lasing man sa aming ginawa pinilit kong itigil ang kahibangan. Ako na mismo ang pumutol ng matamis na sandaling iyon.

  
              Hindi ko nga alam kung saan pa ako kumuha ng lakas para tingnan si Connor sa mata. Naghahalo ang pagnanasa at pagtataka.

                "Why?" Ani Connor kasabay ng paghaplos ng kaniyang mga kamay mula sa aking buhok pababa sa aking pisnge.

              Umiling ako at inabot ang bukasan ng kotse upang makalabas ngunit pinigilan niya ako.

             "What's wrong, baby?" litong tanong niya.

             Anong mali? Hindi ba niya naiisip kung anong mali simula ng umpisa palang? Ito ang mali! Kami ang mali! Hindi nalang ngayon ang pamilyang nagpalaki at nagbihis sakin ang tinatraydor ko ngunit pati si Nate na tahimik kong pinangakuan ng isang magandang relasyon!

              "Hindi mo ba talaga nakikita ang mali?" nanginginig ang boses na tanong ko.

               Ang hirap ng masaya ka kanina at ngayon ay nagsisisi ka sa dahilan kung bakit ka masaya.

              "I didn't see anything wrong. Kaya na kitang ipaglaban!"

               Kaya? At pagkatapos ng pakikipaglaban? Saan kami pupuluting dalawa? Paniguradong itatakwil siya at ako ng kaniyang pamilya at sigurado akong walang matitira ni isang kusing sa kaniya! Pagkatapos ano? Pagkatapos niya akong ipaglaban ano?!

              "H-hindi mo alam ang sinasabi mo,"

               "Then you don't know either. Sumama ka lang sa akin, itatapon ko ang lahat ng meron ako," rinig na rinig ko ang sensiridad sa kaniyang tinig.

               Sigurado na siya. Paano naman ako? Bata pa ako, sa tingin niya ba ay hindi ko naiisip ang kahihitnatnan naming dalawa? Paano kung sa pagdaan ng panahon pagsisihan niyang isinama niya ako? Pagsisihan niyang ako ang pinili niya kumpara sa mga bagay na meron siya ngayon?

              Hindi ko alam ang sagot. Gusto ko ngunit... hindi ako sigurado. Bago pa ako tuluyang sumang-ayon sa desisyon niya, mas pinili kong dali-daling lumabas sa kotse. Hindi niya ako napigilan makalabas ngunit nahuli naman niya ang aking kamay bago pa ako makalayo.

              "I'll wait for your answer. Isang sagot mo lang, tatakasan natin ang lahat," aniya bago ako binitawan.

              Tinalikuran ko siya at saka dali-daling naglakad pabalik sa loob ng mansyon. Hindi ko na alintana ang lamig na sumasalubong sa akin at sa nanlalabo kong mata dahil sa luha, para bang ngayon lang ako nasabik sa aking kama at unan dahil wala naman akong mapaglabasan ng ganitong problema.

    
            Dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mata gamit ang aking jacket at patakbong umakyat sa pangalawang palapag papunta sa aking kwarto. Hindi ko na nga rin naramdaman ang takot kong mabasag ang salaming hagdan ng mga Volzkian dahil sa nararamdaman ko.

            Hinihingal akong pumasok sa aking kwarto at bakas pa ang luha sa aking mata. Napatigil din agad ako ng makita ko si Nanay Yel na nakatayo malapit sa veranda ng aking kwarto. Deretso siyang nakatingin sa akin.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now