P4

3.2K 81 4
                                    



           Thank you sillymilkyway for the wonderful cover set 💕🙏🏻 I love it. I dedicate this part to you for your effort😊 Again, thank you🙏🏻😊

————————

            Umangat ako sa pagkakahiga sa kama at saka ibinaba ang paa para abutin ang kulay green kong malambot na tsinelas.

           Nagkaroon na ako ng lakas para magbihis kanina, ngayon naman ay hindi ako makatulog sa kadahilanang kahit ako di ko alam.

        O sadyang tumatak lang sa isip ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

         Umalis ako sa ibabaw ng kama at tinungo ang bag ko at kinuha ang mga nagaantay na aralin. Bukas ko sana 'to gagawin ng maaga ngunit di naman ako makatulog kaya't bakit bukas pa kung pwede namang ngayon?

         "Alas diyes y media," saad ko sa aking sarili.

          Kung wala lang bumabagabag sa loob ko siguradong kanina pa ako nahihimbing sa pagtulog.

           Lumabas ako ng aking kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon dala ang ilang kwaderno at libro. Awtomatikong dumapo na naman ang mata ko sa naka-dim na chandelier na magandang nakasabit sa gitnang parte at bungad ng mansyon.

           I'm so fascinate with it's brightness. Kahit kailan siguro ay hindi ako magsasawang titigan 'yan.

           Idagdag mo pa na sa tuwing bumababa ako sa salaming hagdan nila at hindi nalalayo rito ang chandelier na iyan, pakiramdam ko magde-debut na ako kahit pa sa isang taon pa talaga ang ika-labing walong kaarawan ko.

          "Bakit gising kapa, Caina?," maagap na tanong sa akin ni Nanay Yel ng maabutan ko siyang nililinis ang kusina.

          "Hindi po kasi ako makatulog kaya gagawin ko nalang po itong mga takdang-aralin ko," nakangiting sagot ko.

           Pinakita ko ang dala kong mga notebook at mga libro at umupo sa highchair na nasa kusina mismo.

          "Gusto mo bang timplahan kita ng gatas Caina? Para makatulog ka ng mabilis mamaya pagkatapos mo diyan," ani Nanay Yel.

          Bumaba ako sa highchair at saka niyakap si Nanay Yel. Alam na alam niya talaga ang mga gawain noon ni Mama pag hindi ako nakakatulog agad.

         "Maraming salamat po, Nay," malambing na sabi ko at niyakap pa siya ng sobra.

           "Hindi ako makakahinga Caina. 'Wag ka mo na akong yakapin ng ganyan. Marami ka ng manliligaw ngunit umaakto kapang bata," may panunuya sa kaniyang boses.

           Bumitaw ako at bumalik sa pagkakaupo. Binuklat ko rin ang mga dala kong libro upang simulan ng mag-sagot. Alam kong iba na naman ang patutunguhan ng usapang manliligaw ni Nanay Yel.

          "Tama ako, 'no?" aniya na ngayon naman ay inaasikaso ang gatas na tinitimpla na para sakin.

          "Nay naman," malambot ang aking boses.

           Narinig ko ang kaniyang buntong-hininga bago humarap sakin at iniabot ang gatas na mainit pa.

         "Alam mo namang ibinilin ka sa akin ni Elena. At alam mong wala akong asawa at anak. Itinuturing narin kitang anak ko Caina kaya gusto ko ang mapabuti ka. Hangga't nasa poder ka ng mga Volzkian, alam kong magiging maganda ang hinaharap mo. Iwasan mo ang pag-ibig sa murang edad," saad niya at alam kong di pa 'yun natatapos doon.

          "Nanay Yel 'di ko po kayo bibiguin. Lalong-lalo na ang mga Volzkian na nagpapa-aral sa akin. Wala akong lakas ng loob para sumuway," seryosong sagot ko.

          Kahit kailan ay wala akong balak sumuway. Kahit kailan.

           "Paano ang Nate na 'yun? Matagal mo ng manliligaw 'yun. At sigurado akong sa mura mong edad pwede kang mahulog sa kaniya, na hindi naman imposible sa tagal niyang pinupursige ang sagot mo," aniya.

          Nay, walang Nate. Hindi si Nate.

         "Nay, si Nate... hanggang doon lang muna sa kung nasan man ang pwesto niya sa buhay ko," may sinsiredad kong sabi.

            "Panghahawakan ko yang sinasabi mo, Caina. O siya, matutulog na ako. Mahirap na at tumatanda narin ako, matulog ka narin pag katapos mo diyan hija," aniya na aking tinanguan.

          Inihatid ko ng tingin si Nanay Yel hanggang sa mawala siya sa paningin ko bago ko ibinalik sa blangko kong kwaderno. Sa tahimik ng paligid rinig na rinig ko ang pag-untog ng aking ballpen sa center table na nandito sa kusina.
 
 
    
         Iniisip ko ang mga sinabi ni Nanay Yel. Alam ko sa sarili kong hindi ko kay Nate nararamdaman ang lahat ng kaba. At sa oras na mawalan na ako ng sariling kontrol, alam na alam ko kung anong kasalanan ang magagawa ko sa pamilyang kumukupkop.

         Si Nate. Hindi ako bulag para hindi makita ang pagpupursige niya. Lalong hindi ako kasing manhid ng kung ano para hindi maramdaman ang gusto niyang iparating. Magiging swerte ang isang babae kung si Nate ang mapupunta sa kanila bilang kasintahan. Pero alam kong hindi ako 'yun. Kahit kailan man.

          "Nate..." nasundan iyon ng isang buntong hininga bago ko ipinagpatuloy ang pagsasagot ng mga gawain ko sa skwela.

           Unti-unti na akong nadadala sa ginagawa ko at halos subsob na ang ulo ko sa kwaderno, siguro'y maging ang gatas na tinimpla ni Nanay Yel ay nanlalamig na. At kung wala pang nakakagulat na pangyayari, makakapimutan kong matulog para dito.

       "Who's Nate then?"

         Muntik ko ng mahugot ang isang malalim na hininga at mapatuwid ng upo ng marinig ko ang kaniyang boses at hindi ko talaga gusto ang nangyayari sa loob ng aking tiyan.

   
            Naglakad si Kuya Connor papunta sa lalagyan ng baso at dumeretso sa fridge at nagsalin ng baso. Nakasuot parin siya ng suot niya kaninang umaga ng ihatid namin si Revina sa paliparan.

         "K-Kuya Connor,"

           Tinaasan niya ako ng kilay at isinandal ang likod sa lababo at humalukipkip. Nag-aantay ng sagot.

            "Yes? Now tell me young lady who's Nate?" Aniya sa isang magandang tono ng ingles.

            Kumurap ako ng ilang beses bago ibinaba ang tingin sa kwadernong sinasagutan. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal. May kung anong nagwawala sa dibdib ko.

             "S-Si Nate? Kaibigan ko po siya Kuya," malumanay na sagot ko.

   
             "A suitor, I get it," aniya kaya napakurap na naman ako.

              Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng marinig ko ang tunog ng highchair sa harap ko ng hilain niya 'yun upang umupo.

            "Walang pwedeng umangkin sayo ng hindi dumadaan sa akin, Caina." dama ko ang riin sa sinabi niya.

  
            Nag-angat ako ng tingin na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil hindi ko kinakaya ang bigat ng tingin niya.

            "Walang-wala, my Caina,"

             Walang ganito Connor. Wala dapat dahil hindi ko kakayanin.

—————————-

     
      Kahit ako pinapahirapan ni Connor eh hahaha.

        Enjoy reading and keep voting kahit isa lang😊😊

- Angelica P.💕

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon