P7

2.4K 67 1
                                    





Nanatili akong nakatayo sa may gate ng school. Matiyagang nag-aantay kahit pa ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge dahil sa nakita kanina sa cellphone. Tatlong beses pa lang naman akong nagpapalipad ng mensahe kay Connor kaya hindi pa ako ganun kainip.

Alas sinco narin at ramdam ko ang lamig ng hangin. Dumidilim ang langit at nakikita ko ang nagpipigil na ulan doon.

Nakagat ko ang aking labi ng makita ang kotse ni Miss Vina na palabas ng school. Tumigil pa ito sa harap ko at nagbaba ng salamin.

"Gusto mo bang isabay kita, Caina?" Ani Miss Vina.

"Hindi na po. P-parating na daw po ang sundo ko," sagot ko at itinaas pa ang cellphone na hawak ko para ipakitang kunwari ay natext ko na.

Tumango naman si Ma'am Vina sa akin, "Sige, una na ako. Ingat ka, okay?"

Tumango ako at sinundan ng tingin ang maganda niyang kotse at saka bumuntong hininga at matiyagang nag-antay.

Nabasa na niya yun, Caina. Masusundo ka.

Binuksan ko ang aking bag na dala para tingnan kung may nadala ba akong payong at sa kamalas-malasan ko ngayong araw ni anino ng payong wala akong nakita sa bag ko.

Hindi pwedeng umulan! Mababasa ang cellphone na ipinahiram sakin ni Connor. Wala akong maipapalit sa ganito kamahal na cellphone pag nagkataon.

Wag kang mag-alala Caina, di yan mababasa. Tanda mo ba? Masusundo ka.

Pero parang di na mangyayari 'yun. Kahit pa siguro abutin ako ng tatlong oras ay walang pupunta dito para kunin ako.

Gusto kong madismaya. Gusto kong sabihin sakaniya na bakit kailangan niya pang sabihin na itext ko lang siya at pupuntahan niya agad ako gayong magiilang oras na wala parin siya.

Kesa naman abutan pa ako ng ulan at mabasa pa ang kaniyang mamahaling cellphone, agad na akong naglakad papunta sa terminal ng mga jeep tapos ay lalakadin ko nalang mula sa gate ng subdivision hanggang sa mansion. Minsan naman ay ganun ako.

Hindi naman ganoon kasama ang nararamdaman ko dahil sa nangyari. Siguro'y busy lang siya o di kaya'y di pa nababasa ang text ko kaya di pa ako napuntahan. Hindi ganoon kasama ngunit may kirot at siguro'y bahid nadin ng kalungkutan.

          Siguro'y hindi ko dapat pinanghahawakan ang ganung kababaw na bilin dahil busy rin naman siyang tao kahit pa kauuwi niya lang dito sa Pilipinas.

         At oo nga, kauuwi niya lang. Maraming nakaligtaan. Mga kaibigan na naiwan.

            Agad akong pumara ng jeep na nakita kong dadaan sa subdivision kung nasan ang mansion ng mga Volzkian at talagang lalakarin ko 'yun papasok.

            Maayos ko pang niyakap ang aking bag. Nandito ang cellphone ni Connor, ayaw kong magbayad ng malaki pag nakuha 'to sa akin.

           Sakto naman kung kailan malapit na ako gate ng subdivision saka pa umulan!

           Ganito kana ba kamalas Caina?

           "Sa tabi lang po," malumanay na sabi ko.

 
             Tinakbo ko pa ng ilang sandali ang malaking gate dahil napalampas ang jeep  na sinasakyan. Todo yakap ako sa bag na sana'y di mabasa ng gaano.

             Siguro'y napansin ako ng guard na tumatakbo papunta sa isang puno sa loob ng subdivision. Kahit pa nakasilong ako sa malaking puno, ramdam ko parin ang malalaking patak ng ulan sa balat ko kaya todo parin ang yakap ko sa bag.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now