P30 (Part 1)

1.3K 30 2
                                    





Dahan-dahan akong humahakbang pababa ng salaming hagdan para salobungin si Nate. Ilang araw na rin iyong paulit-ulit na pumunta dito sa mansyon ng mga Volzkian para bigyan ako ng kung ano-ano. Aniya, peace offering niya daw iyon dahil sa nangyari noong mga nakaraang linggo na bigla siyang nawala sa kalagitnaan ng birthday celebration ko.

Sinabihan ko naman siyang tapos na 'yun at pinatawad ko na siya. Sa katunayan wala naman akong naramdamang pagtatampo o ano pa man. Talagang ayos lang.


Pagbaba ko ay agad kong namataan ang pagpasok ni Nate sa double door na maluwag na nakabukas. Malaki ang kaniyang ngiti ay may dala na namang bugkos ng bulaklak kaya nginitian ko din siya.

"Goodmorning, love," aniya saka ako binigyan ng yakap ay halik sa pisnge na ikina-kimi ng aking ngiti.

"Goodmorning din. Masyado ka na namang maaga," saad ko.

Nanatili ang kaniyang ngiti.

"Of course, I want to see you first thing in the morning...," aniya.

Kung sana'y normal ang takbo ng puso at isip ko, masasabi at magagawa kong mahalin ng mabilis ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na lumilihis ang puso sa nais ng isip.



"... and I'm deeply sorry about last time, love. It's just that—"

"Ayos na, Nate. Tapos na 'yun at alam mo namang napatawad na kita, diba?" Saad ko.

Ngumiti ako sa kaniya ng tama at saka inabot ang kuwelyo ng kaniyang polo upang ayusin 'yun. Nagulat pa ako ng bahagya ng abutin niya ang kamay kong nasa polo niya bago dinala 'yun sa kaniyang mga labi upang halikan.

"I love you," ani Nate.

Nanatili lamang ang aking mata sa kaniya. Gusto kong hampasin ang dibdib ko para magising ang puso ko sa kaniyang kahibangan at utusang ibaling nalang sa taong nasa harap ko ang kung ano mang nararamdaman niya.

"Goodmorning, Caina!" ani ng matinis na boses.

Agad kong binawi kay Nate ang kamay ko upang lingunin lamang si Revina na pababa sa salaming hagdan ng mansyon... kasama si Connor. Of course.

"M-magandang umaga din," hindi ako sigurado kung gaano kalakas kong nasabi 'yun.

Rinig na rinig sa kung saang parte man ng bahay ang tunog ng kaniyang mataas na takong. Maganda ang ayos ngayon ni Revina at ni Connor. Halatang may importanteng lakad.

"Goodmorning, Nate. Ang aga mo ata netong mga nakaraang araw? Sinusuyo mo ba si Caina?" ani Revina.

Kung dati ay gusto ko ang sosyal niyang pananalita, ngayon ay hindi na. Para bang bawat buka ng kaniyang bibig ay may kasamang panunuya.

Napalingon ako kay Nate ng bahagya siyang tumawa bago inilapat ang kamay sa manipis kong likod papunta sa kabilang bahagi ng aking bewang.

"No. It's just that she's my ray of sunshine,"

Gumawa ng nakakairitang ingay si Revina bago kumapit sa braso ni Connor, na ngayon ay malalim ang matang nakatingin sa... akin?

"How sweet! Connor should learn how to be sweet from you,"

Saka palang nawala ang tingin ni Connor sa akin. Nalipat 'yun sa kalalaking katabi ko.

"I know how to be sweet and such. I don't need a lecture from a boy. You know me too well, Rev. You don't need to say that,"

To be continue...

Hi everyone! Sorry if ngayon lang ako makakapag-update pero ito nga putol pa. Sorry!

By the way kaya ko siya pinutol is para sana i-promote ang page namin sa facebook para sa campaign project na isinasagawa namin ng mga ka-grupo ko.

Pwede bang humingi mg favor? Pwede mo bang i-like ang page namin o kahit yung mga post lang? Kahit 1 o 2 lang sa mga post namin sa page?

Socialkiller ang pangalan ng aming page sa facebook. Hope you like our page, its for educational purposes po😊

Don't worry, baka mamayang gabi o bukas ay may karugtong na ito. Stay dry and safe everyone!!! 😊

Love, Ate A😘

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now