P30 (Part 2)

1.3K 33 6
                                    





"M-may mahalaga ata kayong lakad," mababa ang tinig na sabi ko.

Agad na gumuhit ang pait sa aking tiyan ng sa harap ko mismo ginawa ni Revina na kumapit ng mahigpit sa braso si Connor at talagang dikit na dikit ang kaniyang mga dibdib doon.

"Ah yes. May date kami ngayong araw," nakangiting sabi ni Revina.

Date? Ako ba? Kailan ba ako niyaya ng date ni Connor? Wala naman hindi ba? Kaya siguro nakararamdam ako ng inggit dahil niyaya ni Connor ng date si Revina.

"Sige, enjoy kayo," pilit ang ngiting sabi ko.

Nakita ko ang biglang pag-liwanag ng mukha ni Revina na para bang may naisip siya. At sa tingin ko ay hindi ko 'yun magugustuhan.

"Why not have a double date?!" ani Revina.

Double date? Sa tingin niya ba ay gusto ko silang makitang dalawa?

"H-hindi na—"

"Come on, Caina! Sayang naman ang araw na ipununta dito ni Nate kung hindi kayo mag-d-date diba? Right, Nate?"


Napalingon ako kay Nate ng maramdaman ko ang banayad na pagpisil ni Nate sa aking bewang dahilan nga para mapalingon ako sa kaniya at masalubong ko ang mata niyang nag-uudyok na sumama nalang kami.

Hindi ko naman sinasadyang mapadpad ang tingin kay Connor na ngayon ay mas lalong dumilim pa ata ang tingin sa akin. Para bang sinasabi niyang sa oras na sumama ako ay mayayari ako sa kaniya.

At bakit naman ayaw niya akong sumama? Dahil ba ayaw niyang makita kung gaano siya katamis kay Revina?

   
            Hindi ko alam pero dala narin ata ng aking iniisip, matapang kong sinalubong ang kaniyang mata at saka pumayag sa gusto ni Revina. At heto... parang nagsisi ako bigla sa desisyong binitawan ko. Bugso na naman ng damdamin ang pinairal ko at talagang pinakita ko pa sa harap niya kung gaano ako kababaw!

               Nanatili akong nakatitig sa mga mamahaling damit na nasa aking damitan. Pinakatatago ko talaga dahil bukod sa galing ito kay Tita Donna, diyamante ang presyo ng mga 'yun at talagang may mga sinisigaw na pangalan. Katulad ng mga araw-araw na isinusuot ni Ate France, Saint Laurent ang tatak.

               Pinili ko na lamang ang isang simpleng kulay puting dress. Squre ang neckline niyon at puffy ang sleeves at hanggang tuhod ko 'yun. Nagsuot nalang rin ako ng puting hairband din at beige na sapatos, iyong hindi mataas para hindi ako mahirapan.

               Nagbitbit na lamang ako ng maliit na itim na sling bag at saka lumabas ng kwarto at saka tinungo ang daan pababa ng mansyon.

                 Pagbaba ko, sinalubong ako ng mapanuring mata ni Revina at ganun din ang kaniyang katabing lalaki habang si Nate naman ay inalalayan ako sa huling tatlong baitang ng hagdan.

              "You look expensive today, Caina," rinig kong sabi ni Revina kaya nginitian ko lamang siya ng manipis.

              Kung pagtatabihin kaming dalawa ni Revina, talagang malaki ang pagkakaiba naming dalawa. Sa suot pa lamang niyang hapit sa katawan na damit at mataas na heels, siya ang tipo ng babaeng lilingunin mo agad. Samantalang kung sa akin ka lilingon, mapagkakamalan mo akong elementary student na naghahanap ng mauupuan sa loob ng simbahan. Hindi magara manapit at di rin ganoon kaganda.

Caina (COMPLETED)Where stories live. Discover now