P3

3.4K 66 2
                                    




          Pinaikot ko ang aking hintuturo sa salamin na lalagyan ng mga makikinis na batong kinokoleksyon ko. Paikot-ikot at iisang dereksyon lang.

       Suot ko parin ang kulay asul din na aking uniporme. Wala akong lakas para tumayo sa aking kinauupuan para mag-bihis.

        Alam ko na kung ano ang bigat na nasa dibdib ko...

        "Class dismissed. Caina, tomorrow is the start of rehearsal. Be here before 10:00 a.m, okay?"

        Agad akong tumango sa sinabi ng aking guro.

      
         Ako ang tatayong representative ng aming baitang para sa darating na Tagisan ng Talino. Suportado 'to ng mga tao sa mansion lalong-lalo na si Tita Dona na siyang personal na naghahasa sa akin sa loob ng mansyon kahit malayo pa ang araw ng paliksahan.

          Inayos ko na ang aking mga gamit at inilagay sa asul kong backpack. Ayaw ko ng pag-antayin pa ng ganoon katagal si Kuya Johnny dahil masyadong nakakahiya.

         Hindi ko na hinagod ng maayos ang aking buhok pati narin ang gusot sa aking uniporme kahit pa sa tingin ko ay naputol ang isang botones neto kanina dahil sa paghila ko sa aking ballpen. Kahit si Nate na gusto akong ihatid ay tinanggihan ko na rin.

         Tumayo ako sa labas ng gate para antaying dumating ang sasakyan na minamaneho ni Kuya Johnny galing parking lot. Ganun naman lagi si Kuya Johnny, titigil nalang sa harap ko ang sasakyan at saka niya ako pagbubuksan. Isa rin yun sa pinakiusap kong wag ng gawin pero hindi parin ako pinapakinggan.

          Nag-angat ako ng tingin ng tumigil sa harap ko ang itim na pamilyar na sasakyan. Makintab 'yun at halatang bagong car wash. Alam ko rin na mamahalin 'yun sa ganda ba naman niyon sa paningin ko. Kahit nga siguro ang ibang estudyante ay napapatingin din.

         Alam kong gulat na ako sa ganda ng sasakyan pero bukod sa gulat may kaba din akong naramdaman ng lumabas mula sa driver seat si Connor suot ang kaniyang maaliwalas na ngiti.

         "Kuya...",

       "Caina," aniya.

        Lumapit siya sa akin ngunit agad ding tumigil sa paglapit upang tingnan ako ng mabuti. Nakita ko pa ang pagkunot ng kaniyang noo at bakas ang irita sa mga mata.

        Anong ginawa ko?


       "hop in," sabi niya at nag-iwas ng tingin bago binuksan ang pinto sa likod ng magara niyang sasakyan.

       Bakit sa likod kung pwede namang sa harapan?

         Sinara niya ang pinto at naglakad na para umikot sa manibela.

          "Hi Caina!"

          Lumipat ang tingin ko sa babaeng nasa unahang upuan. Kitang-kita ko dito kung gaano kaperpekto ang maputi niyang ngipin at magagandang pares ng mata na nakatingin sa akin.

            "A-ate Revina," tumango ako bilang pagbati pabalik.

         'Hindi pwede sa unahan Caina kasi may nauna na,' sabi ng aking utak.

          Nanahimik na lamang ako sa likod kahit pa ramdam ko ang tingin sa akin ni Connor mula sa rare view mirror.

            May bigat na naman sa dibdib ko. Nagsimula ng makita ko kung abutin ni Revina ang kamay ni Connor na nasa manibela. Kung paano nila pinagsiklop iyon.

            Ayaw kong maging tahimik. Baka marinig nila kung paano nagwawala ang kung ano sa dibdib ko. Ayaw ko.

          "S-si Kuya Johnny po? Bakit hindi po s-siya ang nagsundo sa akin?", malumanay na tanong ko.

         "He's with mom and dad. Why, Caina?" Ani Connor.

          Hindi na ako sumagot. Kung dati ay tuwang-tuwa ako pag binabanggit niya ang pangalan ko, ngayon naman ay parang maiiyak ako. May diin iyon at may bahid ng inis o ng kung ano.

          Sa kakaisip ng kung anong bagay, hindi ko namalayang papunta kami sa paliparan. Sino ang aalis?

         Nag park sa maayos na pwesto si Connor at saka bumaba ng sasakyan para pagbuksan ang kaniyang kasintahan.

           Akala ko'y hahayaan na nila ako rito dahil wala namang problema iyon sa akin pero pinagbuksan din ako ni Kuya Connor ng pinto ng kotse.

         Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng hawakan niya ako sa siko bilang pag-alalay sa pagbaba ng sasakyan.

     
         "What the fuck, Caina?" , rinig kong bulong ngunit may diing sabi ni Kuya Connor.

           Agad kong inayos ang palda ko upang matakpan ang namumulang marka doon na dulot ng pagbunggo ko sa upuan kanina sa eskwela.

           Umiling na lamang siya bago dumeretso sa likod ng kotse para kunin ang isang maleta na kulay puti.

         Tinitigan ko naman ang kulay puting jacket  na nakalahad naman ngayon sa harap ko.

          "Wear this or else..." ani Connor kaya agad ko yung kinuha at isinuot. Umabot pa ata hanggang tuhod ko.

       Sumunod na lamang ako sa kanilang dalawa na magkahawak ang kamay na naglalakad.

            Sa tingin ko ay unti-unti kong naiintindihan ang mga bagay bagay. At pag nagkataon, hindi to magiging maganda. Kahit kailan ay hindi.

—————————

       Yaaas! Why Connor? Why? Haha.

- Angelica P.💕

Caina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon